© 2016 by ItsMeeJoana
Title: Biyaya
Simula nang makilala kita,
Ako'y nagkaroon ng pag-asa.
Nilagyan mo ng kulay at saysay,
Ang mundo kong dati'y walang buhay.Sa bawat minuto na kasama kita,
Ako ay iyong napapaligaya.
Ang bawat ngiti at tawa mo,
Iba ang hatid sa aking puso.Sa oras ng kagipitan,
Ikaw ay aking nagiging sandalan.
Ikaw ay nandiyan,
Upang ako ay iyong damayan.Kailan man ay hindi ka nabigo,
Iparamdam na ako'y mahalaga sa iyo.
Ikaw ang aking inspirasyon,
Sa bawat misyon at sitwasyon.Salamat sa tiwala mo,
Sana ay hindi ka magbago.
Nais ko rin na malaman mo,
Isang biyaya ang pagdating mo sa buhay ko.Date Written: October 15, 2015
Date Posted: August 8, 2016