©ItsMeeJoana
Title: Ang Payo sa Pakikipagkaibigan
Ang kaibigan ay isa sa iyong maaasahan.
Sa oras ng problema, sila ay iyong masasandalan.
Ngunit maaari na ikaw ay kanilang masaktan.
Piliin nang mabuti ang 'yong magiging kaibigan.Bago ka magtiwala, iyong suriin nang mabuti,
Nang sa pakikipagkaibiga'y di ka magkamali.
Piliin mo ang kaibigan na tapat ang hangarin,
Yung mapagkakatiwalaan at 'di ka lolokohin.Sa pakikipagkaibigan, iyong pakatandaan,
Ang tunay na kaibigan, sa kalungkutan ay nandiyan.
Bago makipagkaibigan, kilalanin mo muna,
Upang sa huli ay hindi ka magmukhang tanga.Ika'y mag-iingat sa pipiliin mong kaibigan.
Huwag agad magtiwala upang hindi ka masaktan.
Ang 'yong kakaibiganin ay piliin nang mabuti.
Iyong kilalanin upang sa huli ay hindi magsisi.Date Written: November 9, 2016
Date Posted: November 11, 2016Author's Note:
Credits to gerald1105 for title suggestion! :) Also, thank you for reading! :)