2020- 1st Poem

9 1 0
                                    

Ako Muna
Written by: ItsMeeJoana
Date Written: February 12, 2020

Sumapit na sa taong ito ang buwan ng Pebrero,
Ang buwan kung kailan ipinagdiriwang ang nagmamahal na puso.
Maliit man na bahagi ng ating katawan,
'pag di naprotektahan, ang sakit ay tiyak na mararanasan.

Sa buwan na ito'y tiyak na maraming magkasintahan
Ang magpapahayag sa kapareha ng kanilang nararamdaman,
Ngunit sa ngayon, napagpasyahan ko na ako muna.
Proprotektahan ang aking puso mula sa mapagsamantala.

Bago ang iba, sarili muna ay mahalin,
Upang maiwasan na ang maling tao ay sisihin.
Ingatan ang puso, hindi pakikipagrelasyon ang sagot.
Hindi nito mapupunan ang kalungkutan at pagkabagot.

Ang maling relasyon na naranasan ay nagsisilbing aking aral.
Aking inspirasyon upang ang puso ay hindi na maging hangal.
Aanhin ko ang pag-ibig kung ang sarili ay napapabayaan?
Aanhin ko ang pakikipagrelasyon kung ang puso ay masasaktan?

Hindi ko sinasabi na pare-pareho ang mga lalaki,
Ngunit hayaan muna ako na mahalin ang sarili.
Darating ang tamang tao sa tamang pagkakataon,
Pero sa ngayon, hindi pakikipagrelasyon ang solusyon.

Sa ngayon ako muna, hayaan munang mapag-isa.
Iwasan ang sakit na maaaring maranasan.
Upang di na muling madurog, puso ay aking iingatan,
Nang sa larangan ng pag-ibig ay hindi na masaktan.

Hayaan muna na puso'y mabuo bago magmahal muli.
Sa tamang panahon, pag-ibig ay darating.
Ang kakulangan na nadarama ay huwag sa iba ibaling,
Upang hindi maranasan ang pighati sa bandang huli.

Ako muna mula ngayon hanggang  sa pagsapit ng tamang pahanon.
Ako muna sa ngayon, hindi muna makikipagrelasyon.
Ako muna  ang magmamahal at mag-iingat ng aking puso.
Ako muna hanggang sa pagdating ng taong magmamahal ng totoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of PoemsWhere stories live. Discover now