Title: Tuloy Pa Rin
©2017 by ItsMeeJoanaMinsan mo na bang naranasan sa buhay ang masaktan?
Niloko ka na ba ng taong mahal mo ng lubusan?
Trinaydor ka na ba ng itinuring mong kaibigan?
Daanan mo lang ang sakit, 'wag mo itong tatambayan.Sapagkat ang pighati ay bahagi na ng buhay.
Ang mga pagsubok ang siyang nagpapatatag ngang tunay.
Para man itong bagyong dumudurog ng iyong kalooban,
Ang mga hamon ng buhay ay 'di dapat sinusukuan.Nalugmok man sa putikan o nadapa, ikaw ay bumangon.
Matuto at lumayo mula sa pinsala ng kahapon.
Pakitandaan na habang may buhay, may pag-asa.
Magpakatatag at sa buhay ay maging masaya.Magpasalamat sa pighati na iyong nararanasan.
Ang mga iyon ang huhubog sa iyong katauhan.
Gamitin ang pagsubok bilang iyong inspirasyon.
Gawin itong dahilan upang matupad mo ang iyong misyon.'Di maiiwasan ang pagsubok ngunit 'wag magpapatalo.
Ang hamon ng buhay ay bahagi ng pagiging tao.
Anuman ang unos, tuloy pa rin dapat ang buhay.
Patuloy na lumaban at magpakatatag nang tunay.Pagpira-pirasuhin man ng problema ang iyong puso.
Paulit-ulit man nitong guluhin ang isip mo.
Hagupitin man ng pagsubok ang iyong pagkatao.
Sumabay ka sa agos ng buhay at wag kang sumuko.Date Written: May 25, 2017
Date Posted: September 1, 2017