© 2016 by ItsMeeJoana
Title: Ang Dalawang Magkaibang Bagay (Utak at Puso)
Kung ano-anong emosyon ang nararamdaman.
Kung ano-anong bagay ang nasa isipan.
Kapag ang puso at ang isip ay naglaban,
Asahan natin na tayo ay maguguluhan.Madalas magkasalungat ang kanilang nilalaman,
At may mga nilalaman na hindi natin maintindihan.
Ang utak at ang puso ay sadya ngang ganyan.
Madalas magkasalungat sa hindi malaman na dahilan.Kadalasang ang isang tao ay nahihirapan,
Kapag siya'y nasa sitwasyong 'di niya inaasahan.
Ano nga ba sa dalawa ang dapat na paniwalaan?
Ang utak na may nilalaman?
O ang puso na may nararamdaman?Ang pagtatalo ng dalawa ay hindi maiiwasan.
Ang utak at ang puso ay may magkaibang katungkulan.
Ang bagay na ito ay dapat nating malaman.
Ang pagkakaiba ng dalawa ay dapat na maunawaan.Date Written: August 7, 2016
Date Posted: August 8, 2016