CHAPTER THREE

6.4K 130 5
                                    


FIRST day of class palang sa kolehiyo ngunit pagkapasok ni Logan sa kanilang classroom sa kursong Accountancy halos lahat ng mga upuan sa silid aralang iyon ay okupado na. Marami yatang matatalinong estudyante sa kanyang henerasyon kaya marami ring enrollees sa Major na ito ngayon.

Wala pa siyang 'ni isang kakilala man lang dito, hindi tulad ng iba na mukhang matagal nang magkakasama at magkakaibigan saka panay na ang kwentuhan sa mga upuan ngayon.

Galing siyang U.S at doon nag-aral ng apat na taon sa highschool kaya baguhan talaga siya rito. Well, konting adjustment lang naman siguro ang kailangan at masasanay na rin ulit siya sa baho at polusyon ng Pilipinas. Mas gusto kasi niyang dito sa isang University sa Manila makakuha ng bachelor's degree at hindi sa bayang hindi naman niya sinilangan.

Nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang vacant seat sa tabi ng isang babae sa may bandang bintana ay hindi na siya nag-alinlangan pang lumapit doon. Mahirap na't maunahan pa siya ng iba at wala siyang maupuan.

"Can I sit here?" untag niya sa babaeng busy sa paglalaro ng arcade game sa Android phone nito.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nginitian siya. "Sure."

Halos malaglag ang kanyang panga sa ganda ng ngiti ng babae.

'Damn Asian girl, ang ganda!' Naimura pa niya sa likod ng isipan.

Maputi at makinis ang balat nito lalo na ang mukha nito. May mahahabang pilik mata, matangos na ilong, pantay-pantay at mapuputing ngipin saka dimples.

"Ah, wala bang may nakaupo? I mean, walang magagalit?" nag-aalinlangan niyang tanong ulit.

Malay ba niya't baka hinihintay pala nito ang boyfriend nito na paparating palang tapos magalit pa iyon kapag nakitang nakikitabi siya sa magandang girlfriend.

Bahagyang natawa ito. "May magagalit? May nakikita ka bang nakaupo diyan?"

Umiling siya.

"Yon naman pala eh! Syempre, walang nakaupo diyan kasi bakante nga 'di ba? Ikaw talaga!" tatawa-tawa itong muling bumalik sa paglalaro.

Hindi niya maiwasang mapatitig sa maganda talagang mukha nito. Ibig sabihin ay wala itong boyfriend? Impossible naman yata, sa ganda ba naman nito!

'Not that impossible, dude. Remember, this isn't U.S, and it's a conservative country. Being single isn't a big deal!' Saway ng kanyang isipan.

Muling nag-angat ng tingin sa kanya ang babae at pinagtawanan siya. "Oh? Tatayo ka nalang diyan hanggang maghapon?"

"Sabi ko nga, mauupo na ako!" natatarantang sagot niya at mabilis pa sa kidlat na umupo sa bakanteng upuan.

Hindi siya makatingin dito na alam niyang pinagmamasdan pa rin siya habang may ngiti sa labi hanggang ngayon dahil kinakabahan siya at ang bilis ng pintig ng kanyang dibdib. Damn that he feels this weird feeling right now but he really does!

Humugot siya ng malalim na hininga bago ito sinalubong ng tingin. Napatitig siya sa maamo, matiwasay, at masiyahin nitong mukha. No doubt, this Asian girl is a million times prettier than those of western girls he already encountered.

A Husband's Pure Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon