CHAPTER FOUR

5.7K 124 5
                                    


"BYE, maam." paalam ng isang kasamahan sa trabaho ni Ingrid nang mag-uwian na.

Simpleng ngiti at tango lamang ang kanyang itinugon.

Nang nasa kotse na at nagmamaneho pauwi ay saka naman niya naisipang dumaan sa mall para mag-grocery ng iilang mga personal hygiene niyang dadalhin sa bagong bahay.

Abala siya sa pagpipili ng face wash nang biglang may nahagip ang kanyang mga mata na sobrang pamilyar sa kanya. Isang lalaking pumipili ng men's deodorant sa kabilang section. Side view lamang nito ang kanyang nakikita ngunit ang lakas ng kutob niyang kakilala talaga niya ito. Naka-longsleeve na puti at maong na pantalon pa ito saka rubber shoes. Kay ganda ng tindig at tila kay gwapo.

Ilang sandali pa'y natagpuan na lamang niya ang sarili na humahakbang palapit sa pamilyar na lalaki.

"Allan..."

Narinig siya nito at kaagad itong humarap sa kanya. Halos umiyak siya sa pinaghalong lungkot at pananabik dahil sa ilang taong pagkakawalay niya sa piling nito, at tuwa dahil sa wakas ay nakita na ulit niya ito.

"Ingrid..." wika lamang nito sa malungkot at balisang tono.

Alam na kaya niya? Alam na kaya niyang nagpakasal ako sa iba habang wala siya?

"Kumusta ka na? Kailan ka pa nakabalik?" sa halip na itanong ang nasa isipan ay iba ang naisatinig ng kanyang bibig.

"Just a week ago."

Tumango-tango siya. 'Ni hindi nito sinagot ang una niyang tanong.

"Ah, naghapunan ka na ba?" pag-iiba nito.

Tiningnan niya ang suot na wristwatch at nakitang alas sais ymedia na ng gabi.

Naramdaman nga niyang kumukulo na rin ang kanyang tiyan. Sa maghapon ba namang trabaho sa opisina kaharap lamang ng computer at mga papeles na pipirmahan tapos walang merye-meryenda, sinong hindi gugutumin 'di ba?

Umiling siya. "Hindi pa nga eh."

"Would you mind taking dinner with me?"

Nagdalawang isip siya ngunit kalaunan ay tumango rin. May magagawa pa ba siya? Gutom na rin siya!

Matapos mabayaran sa counter lahat ng mga binili nila, dinala siya nito sa isang restaurant at akala niya'y doon na sila kakain ngunit hindi pala dahil nag-take out lang ito ng pagkain.

She smiled silently habang nakasunod sa likod nito. The same Allan as she used to be with before.

Asensado na rin ito dahil may sarili na pala itong kotse at iyon ang ginamit nila papunta sa bahay nito. Ang buong akala niya'y sa bahay ng pamilya kung saan naroon ang nanay at kapatid nito siya dadalhin tulad ng dati ngunit hindi pala dahil sa sarili nitong condo siya dinala.

Nang kumakain na sila sa hapagkainan ay nakakabinging katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nila kaya naiilang siya. Hindi siya sanay na ganito, sanay siyang laging kapag kumakain sila noon ay panay ang kwentuhan nila ng kung anu-anong mga bagay.

She decided to break the silence. "So, kumusta naman ang buhay sa America?"

"Ayos lang. Mas maganda pa rin ang buhay sa Pinas." simpleng sagot lamang nito at 'ni hindi man lamang siya tinapunan ng kahit saglit na tingin.

A Husband's Pure Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon