Chapter 2

2.7K 123 8
                                    

Pinagmasdan ko 'yong lugar at napansin 'yong mga pagbabago simula nung bata pa ako. Nalala ko dati na maliit lang 'yong play station tapos mag-uunahan at agawan pa ang mga bata dito pero ngayon may Kiddie Land na. Tapos, ang madalas kong pang kainin dito ay chickenjoy at spaghetti.

It made me nostalgic as I eat my fries.

Back when I was a child, we used to go to Jollibee after hearing mass. Kumpleto kami palagi tuwing Sunday. Kuya, Mom, Dad and I would go to church and if Kuya and I were well behaved, then we'd go eat at Jollibee. Ganun kasi kami pinalaki ng magulang namin. Kapag naging mabait kami or may maganda kaming ginawa bibigyan nila kami ng reward.

I was extra nice and masunurin a week before my 10th birthday since I wanted a bigger reward. I wanted the perfect gift to be given to me. Nung araw mismo ng birthday ay Sunday. We went to church as usual and again, I was extra nice and behaved. Napansin ng Dad ko 'yong naging actions ko kaya sinabi niya sa akin na may magandang gift siyang ibibigay sa'kin. Dahil naging routine na namin ang pagpunta at pagkain sa Jollibee, doon kami kumain ng lunch.

Napangiti ako sa mga naaalala ko. Hindi ko kasi aakalain na perfect gift nga ang nakuha ko noon.

Flashback: 10th birthday

"Ma," I said while tugging her blouse. "'Yong ice cream ko 'wag mo pong kalilimutan ha!"

"Opo," nakangiting sinabi ng Mommy ko bago pumunta sa may counter para um-order. Si Daddy naman ay lumabas saglit at may kukunin lang daw siya kaya kaming dalawa ni Kuya Anton ang naiwan sa table namin.

Pagkatapos ni Mommy umorder ng pagkain ay tinawag niya si Kuya para tulungan siya sa pagbitbit ng mga pagkain. Isa-isa niyang nilapag 'yong aming pagkain at excited kong kinuha ang aking chickenjoy.

Habang sinisimulan ko na ang pagkain ay may biglang tumawag kay Mommy, "Lani," napatingin si Mommy sa babaeng tumawag sa kanya.

Tumayo siya at tuwang tuwang binati 'yong babae, "Ba't napadpad kayo dito?"

"Lumipat na kami para mas malapit sa bahay ng biyenan ko," napatingin siya sa akin at kay Kuya, "Eto na ba mga anak mo?"

tumango lang si Mommy at sinabihan kaming mag-kiss kay Tita Sally, kabarkada ng Mommy ko nung college.

Umupo siya sa may table namin at nag chikahan sila ni Mommy. Maya maya naman ay bumalik na si Daddy at tila may tinatago sa kanyang likod, "Eto na 'yong surprise ko sayo." Sabi ni Daddy.

Ilalabas na niya 'yong regalo niya nang biglang may batang pumunta sa table namin, "Happy Birthday anak," sabi ng Daddy ko habang inaabot sa akin 'yong regalo niya.

"Anak ko nga pala," sabi ni Tita Sally. "Si Mico."

Looking back, hindi pala nawala 'yong tingin ko sa kanya nun. Pakiramdam ko siya 'yong regalo sa akin ni Daddy nung araw na 'yon.

"Mariel," napalingon ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Hindi ko mapaliwanag bigla 'yong nararamdaman ko. Alam ko 'yong boses na 'yon. Napaupo ako ng maayos nang makita ko si Mico. May hawak siyang tray ng pagkain at parang walang kasama.

"Ano, ah, pwede ba 'ko maki-join," nag-aalanganin niyang tinanong.

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakasagot, "Ah, oo naman" sagot ko habang tumatango at itinatabi ko 'yong tray. Umupo siya sa tapat ko at napansin kong pareho kami ng binili.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Kahit 'yong pagkain namin ay hindi namin ginagalaw. Parang may gusto kami parehong sabihin pero hindi naman alam kung saan mag sisimula o paano.

Memory Lane by SGwannaBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon