Chapter 3

2.4K 104 16
                                    

Flashback: 5 years ago

Sabay na tayong umuwi.

Napangiti ako sa nabasa kong message galing kay Mico. Ilang linggo na kaming palaging magkausap at magkatext. Nagiging iba na rin ang tono nang pag-uusap namin. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon pero minsan ay parang ang sweet na niya sa akin. Nagiging maalaga na si Mico sa akin at maaalalahanin. Nagtatampo rin siya pag hindi ako nakakapagreply. Kapag may lakad siya kasama ng iba niyang friends or busy siya with his friends, pakiramdam ko ay may kulang dahil hindi kami magkausap or magka-text.

Nako, 6 pa tapos ng class ko. Reply ko sa kanya. A bit disappointed kaya medyo nakasimangot. Buong sembreak namin ay isang beses lang kami nagkita, 'yong nag breakfast kami sa Jollibee.

Maghihintay ako. Nandito lang ako sa may 2nd floor nakatambay. I couldn't help but smile. I shook my head and tried stopping myself from smiling. 'Okay', I replied.

Pagkatapos na pagkatapos ng class ko ay agad akong bumaba sa 2nd floor para i-meet si Mico. Nakita ko siyang seryosong nagbabasa ng libro. Mukhang nag-aaral siya para sa Taxation class niya.

"Sipag ah," sabi ko habang paupo sa bakanteng upuan. "Maya-maya na tayo umalis?"

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang tibok ng puso ko. Sinara niya 'yong binabasa niyang libro at niyaya na akong umalis, "Hindi, tara na." tumayo na siya sa kinauupuan niya at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya. Pagkasakay namin ng kotse ay bigla niya akong niyayang kumain. "Parang ang sarap kumain ng chicken ngayon," napatingin siya sa akin para hingin 'yong opinion ko. "Sa tingin mo?"

"Okay lang naman sa akin," ngumiti ako sa kanya. "Hindi naman ako choosy."

"Parang ang sarap mag-Chickenjoy sa Jollibee e," nagsimula na siya mag maneho papalabas ng parking lot. "Alam mo, ikaw ang naaalala ko pag nakikita ko ang Jollibee."

Sumimangot ako sa kanya, "Sinasabi mo bang mataba ako?" I asked.

"Hindi," he said while giggling.

"Mukha ba akong bubuyog," I asked. "Umayos ka, Mico!"

Natawa na siya, "Dahil tuwing gusto ko mag-Jollibee, lagi kang nandun!" explain niya. "Nako, kung saang dako man pala ako ng Pilipinas magpunta ay maiisip at maiisip kita. Kasi wala atang lugar dito ang walang Jollibee."

Hindi ko napigilan ang ngumiti. Hindi bale nang sa Jollibee niya ako ikinumpara, masarap naman ang mga pagkain dun. Hindi siya makakapag resist sa pagkain ng Jollibee.

Ang ending nga namin ay dinner sa Jollibee kung saan tig-isang order kami ng 2-pc Chickenjoy bago niya ako inihatid sa bahay.

***

Kakatapos lang ng klase namin at naghahanada na kami ng ka-block kong si Stephy para kumain, "Alam mo bang hindi pala nag-enroll si Ara this sem," tanong sa akin ni Stephy. "Nag-migrate na raw sa America e."

Kaya pala hindi pa siya pumapasok kasi wala na siya sa Pilipinas. Akala namin baka na-late lang ng pag-enroll or hindi nakapasok for some other reason.

"Alam na ba ni Mico 'to," tanong niya sa akin. Ikinibi ko lang ang aking balikat. "Sila pa ba? 'Di ba close kayo nun?"

Umiling ako, "Hindi ako sigurado kung sila na ulit. Ang alam ko hindi na."

"Ah ganun ba," she said while nodding her head slowly. "Bahala na sila. Basta ako masaya love life ko."

Napatigil siya at napatingin sa akin, "Speaking of love life, ikaw bakit wala kang boyfriend?"

Memory Lane by SGwannaBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon