Chapter 4

2.2K 98 7
                                    

'Kapit ka lang, Heart. May kailangan pa tayong malaman.' I thought to myself. I tried holding back my smile and refrained myself from answering his question. Gusto ko muna malaman ang lahat ng nangyari at kung bakit umabot siya sa ganoon.

Naalala ko 'yong sinabihan niya akong 'wag na akong dumagdag pa kasi ang gulo na ng lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi 'yon. Unang-una sa lahat, ako 'yong naagrabyado. Ako 'yong niloloko nila.

Mas mabuti atang pag-usapan na namin 'yon habang kalmado kaming dalawa para hindi humantong sa away.

"Si Ara," his facial expression hardened just hearing her name. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?"

Agad siyang umiling para i-deny 'yong nangyari, "Wala lang si Ara. Wala lang 'yong nabasa mo. Wala ka bang tiwala sa akin?" hindi ako makapaniwala. Ibig bang sabihin na imagination ko lang lahat ng nabasa ko? Na wala naman pala talaga 'yon at ako lang ang nagbibigay ng meaning sa lahat?

It was my turn to shake my head, "Please naman, Mico. Wag mo naman akong gawing tanga. Hindi 'yong trust 'yong issue dito e" Napaayos siya ng upo at napansin kong kumukunot na 'yong noo niya. "And please, kumalma ka. 'Wag mo nang tangkain pang magalit. Inaayos nga natin ang lahat diba?"

"Hindi kita ginagawang tanga," he sighed heavily. "Walang meaning 'yong messages namin. Oo, mali ako, I led her on. Pero I swear to God, it didn't mean anything."

"You're not supposed to say I love you without meaning it." I said.

I continued, "Sabi nila, saying I love you means you're fully opening your heart to the one you love without any expectation. It's like giving them the opportunity to break and tear you apart. Kasi pag sinabi mo 'yong salitang 'I love you' ng wala lang, then you're only saying I need you to them. And that's not love. That's being selfish."

"Kasi ako, kahit gaano kalaki ang galit ko sa'yo, I won't say 'I love you' to anyone else other than you. Kasi sapat ka na sa akin." sabi ko.

Nag-soften na 'yong expression niya, "I made a mistake," hinawakan niya 'yong kamay ko. "Alam kong dapat hindi ko na sinabi. Tama ka, I needed someone badly that time. I was so lost. Hindi na 'yong tulad ng dati because of our schedules tapos napapadalas pa 'yong away natin. I had no one to talk to. Simula nung pumunta 'yong parents ko sa America, ikaw lang ang meron ako but we barely saw each other. I was so out of it. I know, I am to be blamed. Alam kong hindi ko dapat ginawa sa'yo kasi sa totoo lang, ako naman talaga 'yong problema. You don't deserve to be treated that way."

Tumulo bigla ang mga luha niya. Napayuko siya para hindi mapansin ng ibang tao ng pag-iyak niya. Ramdam ko 'yong sakit na nararanasan niya. Masyadong close si Mico sa family niya kaya nung nagpunta 'yong parents niya sa America para bisitahin 'yong Kuya niya ay na-depress talaga siya. Hindi niya kinaya.

"Hayaan mo akong itama lahat ng pagkakamali ko, Mariel. Hayaan mong mapatunayan ko ulit ang sarili ko sa'yo. Please, give me another chance."

***

After a long flight from San Francisco nakarating na rin ako sa wakas sa Manila. Nilabas ko 'yong cellphone ko para ma-text na si Mico na nakarating na 'ko. Mabilis naman siyang nagreply sa akin.

I'm on my way na. Can't wait to be with you!

Napangiti ako sa nabasa ko. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang magdesisyon kami na magsimula ulit. Todo ang pag-effort ni Mico na makabawi sa mga panahon na magkahiwalay kami. Kaya wala naman talaga akong masabing masama sa kanya.

Nagkikita kami at least once or twice a week, we text and call each other every day. Sinubukan talaga naming ibalik kung paano kami noon. Naging factor kasi talaga ang pagiging busy namin.

Memory Lane by SGwannaBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon