Chapter 5

2.8K 134 13
                                    

Apat na araw. Apat na araw na simula nung huli kaming nag-usap at nagkita ni Mico. Ilang araw na rin akong naka- sick leave dahil sa sakit ko. The past few days ay medyo nag-overthink ako sa mga bagay-bagay na madali naman dapat solusyunan. 'Yyon nga lang hindi ko lang talaga maisip kung paano. Ayan tuloy, sakit inabot ko.

Four days ago, I asked Mico for space, it was my turn to ask for space. Baka kasi nadala ako ng moment na habang nag-rereminisce kami ng past namin. Baka masyadong spur of the moment kasi eto ayon na, he asked me back. Pero hindi pa pala na-sosolve 'yong tunay na problema.

Flashback

Agad pumunta si Mico sa bahay pagkatapos ng shift niya. Dapat daw ay may dinner daw sila ng officemates niya pero tumanggi siya para rdaw mapuntahan niya ako kaagad at hindi ako paghintayin pa nang matagal. Kalmado na rin ako pagkardating niya.

"Kain ka muna." Sabi ko at niyaya siya papasok ng bahay. Sumunod naman siya sa akin.

Ininit ko 'yong pagkain dahil nailagay na ito sa ref ni Mommy. Nang matapos itong kumulo ay inilapag ko na 'yong ulam sa mesa. Pinanood ko lang si Mico habang kumakain. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya pakiramdam ko ito na 'yong huling beses ko siyang makikitang kumain.

Sa kalagitnaan ng pagnguya niya ay tinanong niya ako, "Bakit ganyan ka makatingin? May problema ba?"

I shook my head, "Wala lang." I lied. Meron naman talagang problema. Meron naman talagang dahilan kung bakit ganun ko na lang siya tingnan dahil baka ito na ang huling beses 'ko siyang makakasamang kumain.

Pagkatapos niyang kumain ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan. Nagpunta kami sa may lanai para doon mag-usap.

"Kamusta flight mo?" hindi ako nagsasalita. Mukhang wala pa siyang alam sa nangyari. "Bad day?"

"Nakita ko si Ara," sabi ko. He froze. "Grabe siya kung makatingin sa'kin. Akala mo ako 'yong third party."

Hinawakan niya 'yong kamay ko at mukhang may sasabihin siya pero inunahan ko na siyang magsalita, "Na-brief mo ba siya nang maigi na girlfriend mo ako at hindi lang kaibigan?"

He nodded strongly, "Alam niya 'yon. Alam niyang matagal na tayo. Alam niyang ikaw ang mahal ko. Ipinipilit niya lang ibalikt 'yong nakaraan namin kaya pakiramdam niya siya parin." He kissed my hands apologetically, "Mariel ikaw lang naman talaga eh." Inamin ko naman na naligaw ako saglit pero tinuro ng puso ko 'yong daan."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ko, "Please naman maniwala ka sa'kin. Ngayon pa ba?"

"Ayon na nga eh," I said. "Ngayon mo pa ginawa sa akin 'to. Ngayon mo pa ipinaramdam sa'kin 'to! Tanggap ko sana kung nung mga bago- bago pa e, pero hindi! Five years 'yong lumipas Mico. Bakit ngayon pa?"

Umiiyak na rin si Mico, "Diba napag-usapan natin na magsisimula tayo uli? Diba dapat kalimutan na natin 'yong nangyari at magsimula ulit? Bakit tayo bumabalik dun?"

"Because I'm not confident with our relationship anymore," I told him while pulling my hands from his. "I don't trust you."

"Ayoko 'yong taong naging ako after ng mga nangyari, Mico," I added. "I started doubting your sincerity. Sinasabi ko sa sarili ko na naniniwala ako pero at the back of my mind alam ko na hindi."

Patuloy ang pag-iyak ni Mico sa mga naririnig niya sa akin.

"Please, Mariel. Please." Mico begged. "Papatunayan ko talaga sa'yo na ikaw lang. Hayaan mo lang ako please."

I shook my head and wiped my tears, "I've had enough feeling this way. I just need some space to think everything through."

"Ayoko," sabi niya declining my request. "Kasi pag nangyari 'yon, mawawala ka sa akin nang tuluyan. At hindi ko kaya 'yon."

Memory Lane by SGwannaBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon