Chapter Three

31 2 0
                                    

"Naku! Rhian Blaire! Three weeks ka nang nanliligaw kay kuya pero hanggang ngayon, basted ka pa rin." sermon sa kanya ni Shin. Three weeks. Three weeks na siya nagpabalik-balik sa opisina ni Sean pero walang nangyayari. Hindi siya nito kinikibo. Pinapayagan nga siyang manatili sa opisina nito ng sandali ngunit hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin. Minsan, naisipan niyang pumalahaw ng iyak -siyempre drama lang iyon- pero pinalayas siya nito dahil naririndi na raw ito sa ingay niya. Eh, isang beses nga lang nangyari iyon.

"Malapit ko na rin makuha ang loob ng kuya mo." wika niya, pero alam naman niyang hindi iyon totoo.

"Malapit?! Aba! Mukhang aabutin ka ng Semana Santa sa ginagawa mong iyan eh. Tapos sasabihin mong malapit na?!"

"OA ka ha? Bakit kasi hindi mo ako tulungan?"

"Anong hindi?! Anong tawag mo sa araw-araw na pagtawag ko sa iyo para sabihin sayo ang ginagawa ni kuya kapag umuuwi siya, ha?!" doon kasi ngayon tumutuloy si Shin sa condo unit ni Sean upang mabantayan nito ng mabuti ang mahal niya. 

"Ang ingay mo. Aalis na ako. Ihahatid ko pa itong lunch ni Sean sa office niya. Bye" hindi na niyang hinintay si Shin na makapagsalita at umalis na siya agad.

Handa nang pumasok si Rhian sa opisina ni Sean ng pigilan siya ng sekretarya niyo. Nagtaka man ay hindi na siya nagsalita. Hinihintay niya ang sasabihin nito.

"Uhm Ms.Rhian, wala po si Sir eh. Umalis siya papuntang Japan. Emergency meeting daw po."

"Emergency meeting sa Japan?" sa pagkaka-alam niya, si Shaun ang may hawak ng branch ng kompanya ng pamilya nito doon pero dito pa rin nananatili si Shaun. Hindi na siya nagsalita pa at binuksan ang pinto ng opisina ni Sean. Wala nga roon ang binata. Wala siya sa mood kaya umalis na rin siya agad at tinawagan si Shin. Matapos ang tatlong ring, sinagot na rin nito ang tawag.

"Bakit hindi mo sinabing umalis si Sean? Shin Mi. Saan pumunta si Sean?" bungad agad niya sa kaibigan.

"Sasabihin ko naman talaga sa iyo eh. Kaso bigla ka na lang umalis."

"Tell me. Saan pumunta ang kuya mo? Sinundan niya ba si Nikki? Please Shin tell me." nalungkot siya habang iniisip na sinundan talaga ni Sean si Nikki.

"Ah.. eh.. Rhian.. I'm sorry." okay. Alam na niya ang sagot.

Kakauwi lang ni Sean galing Paris at wala siyang napala. Pumunta siya sa bahay kung saan naninirahan si Nikki pero hindi siya pinansin nito. Nasaktan man, araw-araw niyang sinusuyo si Nikki pero walang nangyayari kaya umuwi na lang siya dito sa Pilipinas.

Pagpasok niya sa kanyang opisina, napakunot-noo siya ng makitang may nakahandang pagkain para sa kanya. Ibig sabihin, araw-araw siyang pinupuntahan ni Rhian para dalhan siya ng pagkain? Lumapit siya sa mesa at tinikman ito. Mukhang bagong luto pa at masarap. Tamang-tama hindi pa siya kumakain kaya kakainin niya na lang ito.

Sarap na sarap si Sean sa pagkain ng biglang may pumasok sa pinto kaya naibuga niya ito. SAYANG! 

"Sean!! Ikaw nga! Mabuti at naisipan mo nang umuwi dito. Sabi ng sekretartya mo may pinuntahan ka raw na isang business meeting. Masaya ako at sa wakas may kakain na ulit ng mga niluluto ko. Hindi na ulit masasayang. Ito nag dala ako ng dessert. Siguro wala ka ng problema tungkol sa kompanya niyo diba?" Si Rhei lang pala. Hindi sinabi ni Shin sa kanya kung saan siya pumunta? Pero bakit may lungkot ang mga mata nito. Ngunit sandali lang niya nakita ito dahil napalitan na ito ng kasiyahan.

"Kumakain ako. Wag kang istorbo. Kung ayaw mong mapalabas ng opisinang ito."

"Dito na lang ako uupo sa couch. Huwag kang mag-alala at tapos na akong kumain." nakangiting sabi nito.

"Tss. Hindi kita tinatanong. Wala akong pakialam kung hindi o tapos ka nag kumain. Wag kang maingay."

"Aye, aye, aye Captain Sean. Ubusin mo iyan ha? Nakakapagod kayang magluto lalo na at hindi ako sigurado kung may kakain o wala. Kaya dapat lang na ubusin mo."

"Shut up!"  bulyaw niya rito dahil nagsisimula naman itong mag-ingay.

Tinakpan na ni Rhian ang bibig nito dahil baka magalit pa siya lalo.

Tapos na siyang kumain ng biglang mag ring ang cellphone ni Rhian. Nakita niyang napakunot noo ang babae at biglang nanlaki ang mga mata nito habang nakatutok sa screen ng cellphone nito. Natatarantang nagpaalam ito na lumabas at tuluyan ng umalis. Akala ko ba gusto niya ako? Hindi pa nga ko nagpapasalamat sa kaniya ee. Umalis na siya agad. Tss.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Rhian ng makita niya kung sino ang kaniyang caller. It's Luke! His suitor for three years and his boss! Natatarantang nagpaalam siya kay Sean na umalis. Wala siyang narinig mula rito kaya tuluyan na siyang umalis ng opisina nito. Hmmph. Hindi ko man lang natanong kung nagustuhan niya ba ang luto ko dahil tuloy-tuloy lang ang kain niya. Nagpasya siyang sagutin ang tawag habang patungo siya sa kinapaparadahan ng kaniyang kotse.

"Hello boss?" Nag-aalinlangan niyang sagot.

"RHIAN! WHERE THE HELL ARE YOU? MAY TRABAHO KANG INIWAN DITO KAYA BUMALIK KA NA DITO. RIGHT NOW!" Kahit liniligawan siya ni Luke, very professional pa rin ito sa kanya pagdating sa trabaho.

"Uhm. Yes boss. I'm on my way na nga eh. Traffic lang."

"Traffic or Sean? You know I don't tolerate lame excuses Rhian. Get back here. May pagagawa ako sayo." Kalamado na ang boses nito. Ibig sabihin hindi na ito galit sa kanya.

"I bought your favorite cupcakes. So don't be mad okayy?" She smiled.

"Are you bribing me? Bumalik ka na." And................pinatayan siya ng boss niya. Ang bai ng suitor ko.

Chasing My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon