Chapter Two

36 2 0
                                    

Nakatingin ang lahat kay Rhian habang naglalakad siya. Nagtatanong ang mga mata ng mga empleyado. Ngayon lang kasi siya ulit napadpad sa opisina ni Sean. May ari si Sean ng mga chains of hotels and restaurants. Ang building kung saan siya ngayon ay ang main office. Dati, halos araw-araw siyang nandoon para makita si Sean. Tumigil lang siya sa pagpunta nung nalaman niyang may girlfriend ulit si Sean. At iyon ay si Nikki na ex nito.

 "Hi Ms. Secretary. Si Sean? Nandiyan ba sa loob ng office niya?" Magiliw niyang bati sa sekretarya ni Sean. Kaibigan niya ang sekretarya nito kaya alam niya kung ano ang mga ginagawa ni Sean noon.

 "Ms. Yan-yan! Ikaw pala. Mabuti nga at dumating ka. Matagal ka nang hindi napadpad dito ah. Nandoon lang si sir sa loob at tingnan mo nalang. Nagpapaka-lunod na sa trabaho." Sumbong ng sekretarya sa kanya. Dumiretso na siya agad sa opisina nito. Walang sere-seremonyang binuksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang isang... ADIK?

 Gaga ka talaga. Si Sean lang iyan. Pumayat dahil sa hindi pinapakain ni Nikkki ng tama. Gaga ka talaga mag-isip. Dahil iyan sa hiwalay na sila ni Nikki.

 Oo. Alam ko iyan mind. Nagjo-joke lang ako. Hindi ako bobo kaya tumigil  ka kung ayaw mong dukutin kita mula sa ulo ko.

 Naputol ang self-talking niya ng biglang magsalita ang malaking mama na pumayat at napagkamalan niyang adik. Ang mamang minahal at mahal niya pa rin hanggang ngayon. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Ganyan kasi iyan kapag nariyan si Sean. She composed herself first and prepared her sweetest smile. Alam niyang wala ito sa mood kaya maghahanda na siya.

 "Ano ang ginagawa mo dito? Sa susunod, huwag kang pumasok ng basta-basta. Ayoko sa mga taong bastos. Puwede ka nang umalis Rhian." Sita sa kanya ni Sean ng hindi man lang siya tinitingnan. Napasimangot siya sa pakikitungo nito sa kanya. Umupo siya ng walang paalam sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa ni Sean.

 "Ganyan ba ang tamang pagbati mo sa akin? Kararating ko lang ah. Sean, malaki ang nabawas sa panimbang mo. Hindi ka ba pinapakain dito? May-ari ka nga ng mga restaurants dito pero mukha kang ginutom ng ilang siglo. Tatawag na lang ako at magpa-deliver." Akmang kokontra ito kaya inunahan niya na ito. "Huwag ng mareklamo sweetheart. Alam mong hindi tatalab sa akin ang suplado attitude mo. Kaya kung gusto mong umalis agad ako sa harap mo,hayaan mo ako." Mabilis siyang nagpa-order ng pagkain. Nang matapos siyang tumawag, sinulyapan niya ito at nakita niyang mataman itong nakatingin sa kanya. Kaya naisip niyang biruin ito. "Sweetheart, kapag ipinagpatuloy mo pa ang pagtitig sa akin, baka matunaw ako ng literal."

 "Bakit ka nandito Rhian?"

 "Well, nandito ako dahil gusto kong tulungan kang makalimutan si Nikki at sabihin sa iyo na kung ako sana ang pinili mo, wala kang pinagsisihan."

 "Hanggang ngayon ba naniniwala ka pa ring kaya kitang mahalin sa paraan na gusto mo? That's absurd. Si Nikki lang ang babaeng mahal ko"

 "Ouch. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw mangyayari iyon. At alam kong mangyayari talaga iyon. Just wait and see. Magigising ka nalang isang araw na ako ang iniisip mo at hindi si Nikki. Tumigil lang ako nang naging kayo. At ngayong wala na kayo, gagawin ko ang lahat. Hindi ako susuko." Determinadong wika niya.

 "You're impossible." Umiling pa ito na parang isang malaking joke ang sinabi niya.

 "I know I'm possible right. Oh sige dahil obvious naman na may ginagawa ka, aalis muna ako. Parating na ang in-order kung pagakain para sa iyo. Bye sweetheart." Ngumiti pa siya ng matamis bago tumalikod at tinungo ang pinto. Hindi siya manhid para hindi maramdaman na ayaw talaga nito sa kanya. Kaya talagang gagawin niya ang lahat. She loves Sean and will do everything to get his love.

Habang papalabas si Rhian ng building, namataan niya ang isa sa mga kasambahay niya na paparating. Tinawagan niya ang kasambahay na mag-luto ng masarap na pagkain para kay Sean.

 "Koring, halika. Bago mo iyan ibigay, may ididikit lang ako. Sandali." Mabilis siyang naghanap ng ballpen at papel at nagsulat. Pagkatapos, idinikit niya ito sa takip ng pagkain. Umalis na siya pagkatapos. Madami pa siyang tatapusin.

Nakahinga ng maluwag si Sean ng umalis na si Rhian sa opisina niya. Gusto niyang mapag-isa kaya ayaw niyang makita ang babae. Simula noon, hayagan ng sinasabi ni Rhian na gusto siya nito. Alam niya iyon pero kapatid lang ang turing niya rito. Nasasaktan pa rin siya sa pag-alis ni Nikki kaya isinusob niya ang sarili sa trabaho. Nag-angat siya ng ulo ng kumatok at pumasok si Vicky. Ang kanyang sekretarya.

 "Sir, ito na po ang pagkain na ipinadeliver ni Ms.Yan-yan. Sabi niya sa iyo lang daw ito dapat." Inilagay ni Vicky ang pagkain sa harapan niya at umalis na. Napakunot-noo siya ng matantong hindi galing sa restaurant niya ang pagkain. Siya ba ang gumawa nito?

Binuksan niya ang supot at nakita niyang may note doon. Hindi niya namalayang napapangiti siya sa simpleng note.

 Sorry. Hindi ako nag-luto nito. Pero don't worry. Dahil simula ngayon, ako na ang magluluto ng lunch mo. Eat this. Take care. Always remember that I love you. Smile sweetheart :)

Tanghali na nang magising si Rhian kaya dali-dali siyang nag tungo sa kusina para maghanda ng lunch ni Sean. Ayaw niyang malipasan ito ng gutom kaya talagang sinarapan niya ang niluto niya. Pagkatapos niyang magluto, naghanda na siya para sa pag-alis niya. Sigurado siyang magugustuhan ito ni Sean.

 Mabilis niyang tinahak ang daan papuntang opisina ni Sean. Kagaya ng nakasanayan niya, binuksan niya ang pinto na hindi kumakatok.

 "Good morning sweetheart! Ito na ang tanghalian mo. Kumain ka na. Gusto mo subuan pa kita?" Wika ni Rhian habang inaayos ang tanghalian ni Sean. Hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin kaya pinabayaan na lang niya ito. Halatang hindi siya welcome. "Uhm. Sweetheart, mukang busy ka. Kaya babantayan kita rito. Dito lang ako uupo sa sofa."

 "Rhian look. I'm busy and please. I don't need these. Busog pa ako. Katatapos lang ng business meeting ko. Umalis ka na lang. Hindi kita kailangan dito. Napag-usapan na natin ito kahapon diba?" Mukhang nauubos na ang pasensya nito. Kahit pagod, guwapo pa rin si Sean sa office suit niya. Mukha pa rin itong mabango.

 "Promise. I won't make noise. Isipin mo lang wala ako dito. Alam mo namang hindi ako basta-basta susuko diba." She gave him her sweetest smile ba para lang dito. "Oh, by the way, wag mong kalimutan na kainin yan. Babantayan kita."

 Hindi na ito nag salita pa at pinabayaan na lang siya. Siguro talagang ayaw nito sa kanya. Hindi kasi siya nito pinapansin. Tahimik niyang pinapanood ito habang nagtra-trabaho ito.

Chasing My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon