SEOKMIN
"Hyung naman! Bilisan mo na malelate tayo nyan eeeee!"
"Lee Chan. Sandali lang kase di pa nakaayos ang hyung mo"
"Hyuuuung! Bilis na! First day of class po tas late tayoooo!"
"Eto na tapos naaaaa!"
"Tsk! Chan! Seok! Bat ba ang ingay ingay nyo ha? Ang aga-aga oh!"
"Cheol hyung? Di ka po papasok?"
"Hindi Chan kaya wag ka ng magtanong. Mukha ba akong naka-uniform ha? Minsan nga wag magtanong pag obvious na yung sagot, parang tanga e"
Napayuko naman si chan sa sinabi ni cheol hyung. Ay grabe sya oh. Pati baby namin inaaway.
"S-sorry hyu-hyung."
Alam kong paiyak na si chan. Hays, bata pa talaga ang baby namin.
Nagulat na lang ako ng may tumamang kaserola kay cheol hyung
"Kingina mo cheol! Wag mo ngang sigawan yung anak ko!! Wag mo siyang pagsalitaan ng ganun. Ako nga hindi ginagawa yun e, ikaw pa kaya?"
Mukha namang nag sink in kay cheol hyung ung sinabi niya kay chan kanina.
"Sorry baby"
Woah. Si cheol hyung yung tipo ng tao na hindi magsosorry kahit na siya ung may kasalanan. Himala at nagsorry to kay chan.
"Okay lang hyung, sige una na ko. Seok hyung hantayin kita sa labas"
Nakita ko naman na hindi nagustuhan ni cheol hyung ung reaction ni chan. Awtsuuu. Nahurt talaga yung bebe ko.
"Ah. Una na rin ako. Bye guys"
"Bye seok. Ingatan mo si chan ah? Mamaya pa kase kami papasok ni vernon at hao"
"Sige han hyung"
Pag labas ko ay nakita ko si chan na umiiyak.
"Bebe tahan na. Masama lang ang gising ni cheol hyung okay?"
"Ang weak ko hyung. Napagsabihan lang naman ako pero naiiyak ako"
"Haaays. Bata ka pa bebe ko okay? Kaya ganyan. Hmmm. Tara na pasok na tayo para makakilala ka ng bago mong friends. Yeheeeeeey!"
"Talaga hyung?? May makikipag-kaibigan sa tangang tulad ko?"
"Bebe ko. Di ka tanga okay? Ang talino mo kaya at ang bait pa"
"Pero sabi ni cheol hyung"
"Wag kang maniwala dun okay? Tara naaaaa"
Pero bago kami umalis ay napatingin ako sa bintana. Haysss. Parang tanga si cheol hyung dun na nakasilip. Bahala na siya sa buhay niya.
--
Kaagad naman kaming nakarating ni channie sa school. Pleadis High, school na pinapangarap ng lahat ngunit iilan lamang ang nakakapasok.
"Hyuuuuungie! Tignan mo yun oh"
Napatingin naman ako sa sinabi ni channie. Holy shdmwhamkamwhs! What the fuck?!!
"Ang gwapo nya no hyung?"
Nakatulala pa rin ako. Hindi pa rin mag sink in sa akin ang lahat.
"Hoy hyung! Tara na! Mamaya mo na siya titigan!"
Dahil wala pa rin ako sa sarili ay hinila na ako ni chan pero bago un ay napatingin ako sa pangalan sa uniform nya.
Hong Jisoo, my first crush.
--
yups. Flashback ahead. Huahua.
Give seoksoo some love. Ahek.
Dedicated to
elf_eating_bacon thanks for the comments. I love ur jicheol ff. Ahe!Seoksoo? Seokwoo? Soonseok? Ahe. Can't choose.