Chapter 1: Bad Start

47 2 0
                                    

Chapter 1 : Memorable First Day

Gwen's POV

takbo..

takbo..

takbo..

Ano bayan, ba't ba ang haba ng hallway ng school nato?! Phew! nakakapagod ding tumakbo.

"Excuse me!! Excuse me poo!!" hay salamat, tatabi rin pala.

Pinabilisan ko pa ang takbo ko. Papunta kasi ako ngayon sa clinic para kumuha ng first aid kit. Iniwan ko muna yung lalaking sugatan sa may likuran ng school. Naawa ako eh.

Sino ba kasing gumulpi sa kanya!

Nang pinabilisan ko pa ang pagtakbo ko, may nakita akong teacher na papalabas na galing sa classroom. Biglang ng Slow-mo ang paligid.

Hindi!! Hindi to pwede! Sofiaaa wag mo syang banggain!!! Teacher yan!

Sinubukan kong pahinaan ang pagtakbo ko.. pero huli na.. nabangga ko na. Biglang nagliparan ang mga dala dala niyang libro at agad naman akong nahulugan nito. Bakit ang daming bituin?! Teka?! Nasa langit na ako? Hindiiiii! Hindi pwede!!! May tutulungan pa akong lalaki! May broadway pa! Tapos J.S prom! Naku naku kailangan ko ring grumaduate! T____T

Bumalik ako sa katinuan ko nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.

“MS. TORREEEESSS!!!!!!”

Napalingon ako kay Ma’am Mosqueda. Hehe.

Nag-peace sign ako kay ma’am pagkatapos ay tumayo kaming dalawa.

“Ma’am! Sorry po talaga ma’am! Hindi ko po sinsadya! “ Malapit ng tumulo ang mga luha ko sa sandaling iyon, bukod sa napakasakit ng ulo ko ay maraming estudyante ang nakapalibot sa amin. So embarrassing!

“Alam mo bang ang sakit sakit ng likod at tuhod ko?! Bago lng ako nagpa-therapy para sa mild stroke ko last week tapos ganun ganun nalang?! Ha?!” Grabe sya kung makasigaw ha. Tapos ang laki laki ng mga mata niya. Parang papatayin ako.

“Ma’am, sorry ho talaga. May tinutulungan po kasi ako eh tap—“

*RIIIIIINGGGGGGGGG*

“O sya sge, palalampasin ko muna to para sa ngayon Ms. Torres. First day na first day binibwisit mo ako. Haaaaaay.. O mga estudyante, magsipunta na kayo sa mga klase niyo.”

“Naku pooooo! Ma’am! Salamat! Maraming Salamat!!!” Yayakapin ko na sana sya nang pinigilan niya ako gamit ang palad niya.

“O sge pumunta ka na sa klase mo”

“Ma’am I love you so muuuuuch!!!!!” Grabe ang saya saya ko! ^___^

Umalis na si Ma’am Mosqueda. Nung nasa malayo na sya ay naririnig ko parin ang mga sinasabi niya.

“Mga kabataan ngayon! Ang dali- daling bitawang ang salitang “I love you”. Palibhasa hindi pa naka experience ng true love. Makatawag nga sa honeybabes ko” Kinuha niya ang phone niya

“Oy honeybabes ko!! Alam mo ba—“

Nag-acting akong sumuka. Wow naman -_____-

Naglakad ako papunta sa klase ko nang matandaan ko yung lalaking nasa likuran ng school.

“Patay!!!”

Tumakbo na naman ako. Hahaaay. Okay na to! Nang maka-exercise man lang ng konti. ^_^

Kevin’s POV

Nakatulog ako—sa ilalim ng puno. Yaks, hindi cool tingnan. Tumingin ako sa relo ko.

“8:10 am na?! Psh.”

Pumunta ako sa first class ko. Mukhang papasok akong may pasa sa mukha. Tss.

----------------------------------------------

“Mr. Diaz! Why are you late?! At—at—bakit may pasa ka?!! Napaaway ka?!” Ang cliché ng tanong -____-

Pumasok ako ng hindi sya sinasagot.

“Mr. Diaz! Pumunta ka sa Clinic ngayon na! Hindi kita papapasukin sa klase ko kapag hindi mo ako bibigyan ng Clinic slip., maliwanag?”

Hindi ko parin sya sinagot. Umalis na ako sa classroom at pumunta ng clinic.

*SA CLINIC*

Gwen’s POV

“Salamat po Ma’am Lina!” Ang ganda talaga ng school nurse namin! Ang bait bait pa!

“Walang anuman Sofia”

“Naks! Ang ganda nyo po talaga! Idol ko po beauty nyo!”

“Wag ka ngang ganyan! Mas maganda ka pa nga sa akin eh!”

“Naku nambola pa. Hehehehehe Sge po! Alis na po ako!”

“Sige ^__^”

Palabas na ako ng clinic ng makasalubong ko yung lalaking tinulungan ko kanina.

“H-hoy! Ikaw pala yan! Ba’t mo ko pinuntahan dito? Sabi ko naman sayo magpahinga ka lang dun eh! At tsaka—“

Nag head to toe ang lalaki sa akin. Tapos nilampasan niya lang ako. Narinig ko rin ang sinabi niya.

“Hindi kita kilala”

O___O Aba’t tarantado tong lalaking to ah!

“HOY! TINULUNGAN KITA KANINA TAPOS MAKAKALIMUTAN MO LANG YUNG MUKHA KO?! Yan ba yung “Thank you” MO?! HA?!”

“Ah ikaw pala yun. Geh.”

SO GANUN NALANG YUN?! TUMAKBO PA AKO KANINA TAPOS NAKABANGGA TAPOS NAPAHIYA AKO TAPOS HULI PA AKO SA KLASE KO NGAYON. GANUN NALANG PALA YUN -____-

Nilapitan ko yung lalaki tapos ibinigay sa kanya yung first aid kit WITH FORCE. Oo! Binangga ko sa tiyan niy—wait. Ang tigas! Parang mawawasak yung box.

Yung mukha ng lalaki parang nagulat. Akala niya lang palalampasin ko yung paglimot niya sa akin? Pwes!!

“Alam mo bang may tahi pa ako diyan?” Natigilan ako dun.

O_____O

“F-fresh pa ba yung tahi? Heheheh ^___^v”

“Oo, kahapon pa nga eh.”

O_____O at sa mga segundong iyon, napaisip nalang ako sa sarili ko. Panu kung galing tahi yun kasi may appendicitis sya? 

“May appendicitis ka ba?”

“Oo..”

O___________________O Delikado yun. Sobrang delikado. Ano nang gagawin ko?! Mahal pa naman yung mga casket. Tapos yung mga may design baka wala ng discount. Tapos kung sa Pryce Gardens mahal rin! Nakooooo

“Ah eh.. S-sorry. Pwede bang patingin nung tahi mo?” Kasi baka na open yung tahi gawa nung first aid kit na binangga ko sa tiyan niya huhuh.

Pero imbis na ipakita nya yung tahi niya ay nag smirk lng sya.

“Sa girlfriend ko lang pinapakita ‘tong abs ko”

O____O

“Aba’t—“

Hindi na ako nakaimik kasi tuluyan na syang pumasok sa clinic.

“AISSSH! Napaka hangin naman nung taong yun!” Padabog akong pumunta sa first class ko. Late ako T______T

Love between LinesWhere stories live. Discover now