Chapter 5: Our second Chat

26 0 1
                                    

Alexa's POV

Nasa classroom na ako ngayon. May tatlong bakanteng upuan. Kay Kevin, sa bestfriend kong maganda (oo mabait ako ngayon), at tsaka si, wait, wala pa si Rafael?!

"Good Morning Class!" pumasok na ang teacher namin. At sa kasamaang palad, Chemistry ang first subject. Tapos 2 hours. galing no? T___T

Tumayo kami lahat. 

"Good Morning Ma'am Cynthia!" 

"Take your seats. Okay so our first lesson will be.." 

Wait. lesson agad agad?! 

"Excuse me ma'am! Wala po bang orientation? at tsaka introduce introduce?" Tanong ng isa kong kaklase

"Walang orientation. At since 3rd year nyo na dito sa school, I suppose kilala niyo na ang isa't isa." 

May lalaking pumasok. 

"Good morning Ma'am. Sorry I'm late."  Si Rafael. wow. kahit parang puyat yung mukha niya may appeal parin sya. 

"Oh, Mr. Williams. It's okay. Just go to your seat." 

Lumakad na si Rafael papunta sa seat ni.. wait, papunta sa upuan ni Apyang. 

"May nakaupo ba dito?" Patay. Sabi pa naman ni Gwen mag reserve ako ng seat para sa kanya. 

"Ahh, ehh.. wala! ^____^" Sorry Gwen, once in a lifetime tong makatabi yung crush mo. Hihihihi

"Thanks." 

At habang nag lelecture si Ma'am Cynthia, nabanggit niya ang mga rankings last year. Naku, ayaw ko talaga pag ganito ang usapan. Gustong gusto ko talagang ma top 1 sa buong university  pero top 2 lang talaga ako eh. E ano magagawa ko eh katabi ko ang top 1. 

"Mr. Williams, what was your GPA last year?" 

"98.56 Ma'am." Wow. ang laki. 

Nabigla ako kasi 94 lang yung sakin. At tsaka never kaming nag classmates ni Rafael. Hindi ko akalaing ang tali-talino niya. 

"Class, tularan niyo naman si Mr. Williams. Ang mga GPA niyo kasi last year, maliliit. I hope you will all catch up this year. Especially you, Ms. Alvarez, matalino ka rin." 

GULP. Sobrang na flattered naman ako nun. 

Lumipas ang isang oras ng lecture. Yes! isang oras nalang ang kulang at matatapos na rin tong boring na subject nato. 

Dahil ang boring nga, ay nag sulat ako ng kung-ano ano sa notebook ko. 

Nilingon ko ang katabi ko. Grabe, nakatuon talaga ang pansin niya sa teacher namin. At nag ta-take notes pa. 

Tsaka, ang gwapo niya rin pala kahit sideview. Ang tangos tangos ng ilong.

Umakyat na naman ang dugo ko sa mukha ko. Ang pula pula ko na ngayon. 

At dahil inspired ako, gagawa ako ng letter. Para sa kanya! ^___^ Pero sympre hindi ko ibibigay. 

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING" 

"Okay study for a long quiz next meeting. Good Bye Class!" 

"Long quiz?!! Ghaad. I hate Chem!"

"Ma;am Cynthia naman eeeehhh"

"No way."

"I love you too guys! Hahaha! Sige next meeting ha?" Ma'am Cynthia talaga =___= 

Recess na ngayon. Makapunta nga sa Clinic para bisitahin ang maganda kong bestfriend. 

Pagbukas ko ng pinto ng clinic, Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko. 

Love between LinesWhere stories live. Discover now