Chapter 4: My Superman?

30 0 0
                                    

Gwen's POV

Nag-stretch muna ako bago tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Dinial ko ang number ni Alexa.

Alexa: "Hmmmm?" Nagising ko ata.

Ako: "GOOOOOOOOOD MOOOOOORNIIIIIIIIIING!!! Rise and Shine!"

Alexa: "WALANG HIYA KA APYANG!!!! ANG AGA AGA NANG-IINIS KA!!"

Ako: "Relax! Relax! Ang ganda lang ng gising ko ngayon. Maligo ka na!!!!"

Alexa: "Tumahimik ka nga! Sige na, tulog muna ako. Geh."

Ako: "W-wwaaaii--"

Binabaan ako?! Psh.

Pagkatapos kong maligo ay kumain ako. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush tapo-- wait, bakit ko kinukwento sa inyo ang bawat detalye?!!! Fastforward nga miss author. =____=

"Good morning guard!"

"Good morning Gwen!"

Ang ganda ng gising ko ngayon!

"Good morning Olivia! ^___^" Ultimo mga maarte sa school nato binabati ko.

"Eh nauso mukha mo eh. Hindi na maganda morning ko." At lumakad sya papalayo.

"Ang sungit nun."

Pupunta ako ngayon sa library para mag-sulat na muna. Sobrang napaaga ata ako ngayon ng pasok eh.

Dahan dahan akong umakyat sa 3rd floor nang mahulog yung bag ko. Humakbang ako paatras para kunin yung bag ko sa baba pero..

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!" Nahulog ako. Ang sakiiiiiiit ng paa at pwet ko. Ang sakit talaga.

Sinubukan kong tumayo pero bakit ang sakit ng paa ko?

"T-tulong" Umiiyak na ako nyan. Ang sakit. Makakatayo pa ba ako?

"Ba't hindi ka nag-iingat?" May lalaking lumapit sa akin. Hindi ko nakita ang mukha niya kasi bino-block nung mga luha ko ang vision ko. T____T

Tiningnan niya ang paa ko.

"W-wag mong hawakan! M-masakit eh- HOOOOOY! Ibaba mo ko" Eh pano, binuhat ako.

At nang Makita ko ang mukha niya, ang gwapoooo!!! *O*

"Dadalhin kita sa clinic. Mukhang malubha yung itsura ng paa mo."

"Salamat."

Tinitingnan ko ang mukha niya. Ang gwapo gwapo gwapo niya pala. Para syang, superhero. Pero masgwapo pa sya kay superman! Napangiti ako.

"Bakit ka ngumingiti dyan?"

"A-ahh eh. Hehe m-may naalala lng ako! ^___^" Palusot ko. Haaaay.

"Ah, ano nga pangalan mo?" Tanong ni lalaki

"Bakit? Crush mo na ako? Wag na muna oy! Ang bilis naman ata!!"

"Eh kung ihulog kita" Niluwag niya ang pagkakahawak sa akin.

"W-waaag!! Maawa ka!" At napatawa sya.

"Hahahahhaa! You're so fun to be with." At nag smile sya.

"Alam mo? Ang cute cute cute mooo! Sarap mong pisiliiiin!!" At hahawakan ko na sana yung pisngi niya ng--

Tiningnan niya ako ng masama.

"Ah ehh.. ibig kong sabihin, thank you!! thank you for saving me hehehe ^___^V"

*PAGDATING SA CLINIC

Inilagay ako ni lalaki sa Clinic bed at umalis na.

Tinext ko si Alexa.

To: Alexa

Shing, nasa clinic ako.

BZZZZT BZZZZT.

Ang bilis maka reply ah.

From: Alexa

Ha?! anong nangyari sayo?! Pupunta ako dyan within 5 seconds!

"Anong akala niya?! Sya si the flash?! Hahhahahahahhahahahahaha--- Alexa?!! Ba't ang bilis mo?!"

Instead na sumagot ay tumakbo sya sa akin at niyakap ako.

"APYANG NAMAN EHHH. Ano bang nangyari sa yo?!!!"

"OA MO TE!! Hahahahah- aaraay!"

"Kita mo nang nag-aalala yung tao! First time mo kayang ma-clinic!!"

"Nahulog kasi ako sa hagdan."

"Hahahahahahhahahaha!!! Hahahahahahahah!!" Humahawak sya sa tiyan niya sa kakatawa. =____= Bipolar din tong babaeng to eh.

"Seriously?! Ang lampa mo kasi eh! Halika na! punta na tayo sa room."

"Ano kaba! Kita mo nang naka-bandage pa yung paa ko oh! At alam mo ba kung sino yung sumagip sakin?!"

"Sino?"

"Si superman ^___^ ARAAAY! Ba't mo hinawakan yung paa ko?!!"

"Wag ka ngang mag joke! T-teka, may Superman kana? Seryoso?! Nakakita ka na ng magpapakuryente sa kamay mo?! Magpapakilos ng mga kung anu anong bagay bagay sa tiyan mo?!"

"For now, Superman na muna. Pero, hindi ako pinawisan eh, Hindi nga ako nag blush. Alexa, ba't ang hirap humanap ng crush?! Gusto ko nang makuryente ehhh!!"

"Just wait muna ooy! Ako nga eh, kusa lang tumibok yung puso ko. Unconsciously, crush ko na pala si Rafael ^____^"

"Ang galing." Gustong gusto ko na talagang ma experience yang nararanasan ni Alexa. Baka abnormal ako. No no no no , HINDI PWEDE

"H-hoy! tigilan mo nga yan!" Eh pano pinupokpok ko ang ulo ko sa pader.

"Eh alexa, baka abnormal ako. Kasi wala akong crush"

"HAHAHAHAHHAHAHAAAHHAHAHAAH!!" Grabe =____= kulang nalang mag "rolling on the floor" nato eh.

"Hoy! anong nakakatawa?! Serious ako no!"

"Akalain mo?! Serious ka?!"

"Shut up!!!"

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"O pano, pasok muna ako ah?" Lumakad papunta sa pintuan si alexa

"Iiwan mo ako?!"

"Ay mahirap na kung dito ako mag-aral. Sige na, alis nako. Pupuntahan kita sa lunch time. okay?"

"Okay." =_____=

At tuluyan ng nakalabas si Alexa sa clinic.

BOOOOOORING.

"Ang ganda sana ng gising ko. Pero hindi ko akalaing mangyayari to."

Pumasok yung school nurse, si Ma'am Lina

"Kumusta paa mo, Gwen?"

"Ayos na po. Mukhang hindi na namamaga. ^___^"

May pumasok na lalaki. W-wait. familiar to ah.

"O? Kevin? An-- KEVIIIIIIIIN!!!" Natumba si Kevin sa sahig. Dali dali naming tinawag ni Ma'am Lina yung mga lalaking School nurse upang buhatin sya papubtang clinic bed.

Love between LinesWhere stories live. Discover now