Chapter 2: "Heaven Pose"

42 0 0
                                    

CHAPTER 2

“APYAAAAANG!”

Napalingon ako. Si Alexa pala!

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ‘wag mo kong tawagin ng ganyan pag nasa school tayo?! Nakakahiya!”

“Ano kaba Pyang! Ang unique nga e—araaay!!” Binatukan ko nga

“Eh kung tawagin rin kaya kita sa nickname mo?!”

“Sge ba! Cute naman ang nickname ko eh! Kaysa sayo! Parang binagsakan ng pyangaw tapo—“

“Ano ba yan, 3rd year highschool na wala paring ka poise poise kung mag-usap tong dalawang to.” Psh. Si Olivia pala. Ang pinakamaarte sa balat ng school nato =___=

“Oo nga. Tapos yung mga nicknames nila napaka-Eww. It makes me want to puke rainbows.”

“Oo nga.”

“Like Duh?!” At sumang-ayon naman ang mga alagad niyang ubod ng kaartehan rin.

“Halika na Pyang, umalis na tayo.” Umuna ng lumakad si Alexa

“Teka lang. Reresbakan ko muna tong mga to” Bulong ko.

“Wag na! Baka makaabot to sa mama mo pag napaaway tayo”

“Please! One time lang! Promise!”

“Aish, sge ka. Dito lng ako sa likod.” At pumwesto si Alexa sa likod ko.

“Hoy kayo mga palakang mahilig maglagay ng make-up!! Ano bang pakialam niyo ‘pag ganito kami mag-usap ng best—“ Wait. Bakit dumami sila?! O____O

“Heheheheh, naku pyang, parang ang dami nilang back up ha.” Bulong ni Alexa

“o-oo nga eh.. hehe pano nato?” natatarantang tanong ko

“Alam mo na ang gagawin” nag wink ‘sakin si Alexa

“O ano?! Hindi ba kayo lalaban?! Ang we-weak niyo nama—HOOOOY!”

Kumaripas kami ng takbo ni Alexa. Wow. Bakit ba palagi akong tumatakbo? Papayat siguro ako nito eh =__=

-------------------------------------------------------------------

*SA CAFETERIA/CANTEEN

“Ang hirap naman nyan Alexa eh!”

“Ano kaba! Sinimplify ko na nga yung problem tapos hindi mo parin makuha?! Naku, wala kanang pag-asa Pyang.”

Nag-aaral kami ngayon ng Trigonometry. Ewan ko ba kay Alexa kung bakit gusto niyang mag-aral kami eh kasta-start palang ng klase. =_____=

“Bakit ba tayo nag-aaral?! Eh 1st day palang ah!”

“Pyang naman eh! Nabasa mo ba sa bulletin board?”

“Ang alin?” Nag-sip ako sa Chuckie ko.

“Sabi dun, ideal girl ni Rafael Vince Williams ang nag-aaral palagi! Specifically math! Kaya eto! Nag-aaral tayo!”

“Wow ha, inilagay pa sa bulletin board. Gaano ba ka importante yang taong yan?”

“Ewan ko. Heartthrob? Tsaka ang gwapo nga namang nilalang. Perperktong perpekto yung mukha!” Namumulang kwento ni Alexa pagkatapos ay nag sip sa kanyang juice.

“Crush mo?”

 *cough

 *cough

 *cough

“A-ano ka b-ba! Hindi no! tatak NCSB yata to!”

“Deny deny ka pa! Nasamid ka nga eh!” Tukso ko sa kanya

“Hindi nga eh!”

"Nandito syaaaaaaaaa!"

“Omg sabi ko sayo eh! Sinusundan niya ako!”

“Hindi! Ako ang crush niyan!”

“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa”

“Ang ingay ingay naman ng mga babaeng yan! Hindi na nahiya!” Sabi ko kay Alexa.

“Hoy Alexa!” Bakit hindi ako pinapansin nito?!

Ah kaya pala. Nandito pala yung crush niya.

*TSSSSK!* (a/n camera click yan! Wag nang magtanong! Hehe ^____^)

“Hahahahahhahahahahahaha!!!!! Hahhahahahahaha!!!”

“Hoy idelete mo yan!!! Hoy Apyang bruhilda kaaa!”

“Hahahahhahahahaha!!! Tingnan mo nga tong itsura mo! Para kang nasa Heaven!! Tapos ang pula pula ng mukha mo! Ano bayan! Hahahaha!!” Grabe, halos lumuluha na ako sa kakatawa dito!

“I DELETE MO SABI EH!!!!” Nahawakan niya ang camera pero nilayo ko ito agad. Para kaming mga batang nag-aagawan dito.

“Hahahahahha!! Ayoko nga--- OMG!”

Natapon lang naman ang camera. Sa ulo niya. Oo, sa ulo ni Rafael Vince Williams.

O___________________O

Hindi kami maka-kilos ni Alexa. Naging statue kami. Literally, pero joke lng yun.

Si Rafael naman, parang wala lang sa kanya. Parang, hindi sya nasaktan.  Kinuha nya ang camera tapos tiningnan ito.

O____________O si Alexa yan. At namumula pa! Hahahahah!! Exciting to!

“Ah—eh—nagpra-practice kami niyan!! Oo! Practice! Para sa.. ah—“

“Sasali kasi siya sa Drama Club! Yang sa picture na yan, “Heaven pose” Yan! Ang galing no?! Sabi ko naman sayo Alexa ang galing mo eh!” Siniko ko sya at tinadyakan sa ilalim ng mesa.

“Ah .. ehh.. Oo! Sasali ako. Pwede na  ba yang pose na yan?” Wow, nagbago ang tono ng boses niya. Lumalandi si Alexa? Hahahahahah!! Ang saklap!

Audition mamaya, mga 5:00 pm. Sali ka ha?” Si Rafael yan. Napanganga ako. Wow. Sya ang coordinator?

Ano ba  tong pinasok namin!

“Ah.. oo hehe.. sge! ^__^” At nagbitaw si Alexa ng napaka sweet na smile.

Love between LinesWhere stories live. Discover now