Cylle's POV:
Tamang handa lang kami ng mga gamit namin sa pagtakas. Paisa-isa namin itong inaayos para hindi kami mahalata ni Dada.
Tapos na kami mag hapunan nang may mga taong nagpunta dito sa bahay at kinausap si Dada tungkol sa mga gumagalang rebelde.
Ang totoo naki-tsismis lang kami habang nag uusap sila.
" Ano daw? Ano daw?" Panay kalabit ni Ishii sa balikat ko.
Narito kami sa likod ng dingding bago ang sala.
Nilingon ko siya. " Papaano ako makakarinig ng maayos kung panay ang kalabit mo sa akin." Nakasimangot na turan ko. " Tanga ka na naman. Dun ka na nga sa kwarto!" Himasik ko pa.
Sumimangot si Ishii. " Siguraduhin mo lang na may masasagap kang balita ah." Mataray na sabi nito, saka niya ako tinalikuran.
Nakaka-asar. Ang kulit niya kasi, wala na tuloy akong maintindihan sa kwentuhan nila ni Dada.
Itinigil ko nalang ang ginagawa ko dahil wala akong madinig sa usapan nila. Kaya si Khadix nalang ang dumiskarte.
Pumasok naman ako sa kwarto habang nag aabang yung tatlo sa amin.
" Ano daw yun? Anong meron?" Tanong ni Mython.
" Wala akong naintindihan eh. Pero si Khadix gumagawa na ng paraan."
" Hay! Ano ba yan. Baka mapurnada pa yung pagtakas natin ah."
Naupo nalang din ako sa kama. Mukhang tama si damulag. Hindi kami makaka-alis ngayon pero sana naman makagawa parin kami ng paraan. Dahil ayaw ko na talaga manatili dito.
Ilang minuto din ang tinahimik naming apat nang biglang dumating si Khadix dito sa kwarto, mabilis pa sa kwago ang pag ikot ng mga ulo namin patungo sa kanya dahil sa inaabangan naming balita.
" Ano na? Makaka-alis ba tayo?" Tanong agad ni Ishii.
Ismid ang natangap naming sagot kay Khadix.
" Anong sagot yan Khadix? Ibigsabihin hindi tayo makakaalis dito?" Paninigurado ko naman.
Bumuntong hininga sya. " What do you think? Masaya ba ang sagot ko?" Mataray na sagot nito. "At, oo! Baka hindi tayo makakalayas ngayon dahil sabi ng isa sa mga taong kausap ni Dada, delikado na lumabas ng bahay."
Hay!
Hindi to maari! Kailangan makagawa kami ng paraan para maka alis dito. Hindi pwedeng humaba pa ang panahon ng pananatili namin sa mala empyernong bahay na'to!
" Ano na ang plano?" Malungkot na untag ni Spencer.
" If we keep going, madedelikado tayo. But, if we decide to cancel it and plan to do it by next day, well...baka maging safe tayo." Payo ni Khadix.
" Ayaw ko nang magtagal pa ng mas mahaba sa bahay na to." Malungkot na sabi ni Mython.
" Ako din." Si Ishii.
Hay! Sino bang may gusto pang mag stay ng matagal sa bahay na to. Kaso may punto naman si Khadix, baka kung ngayon namin gagawin ang plano ng pagtakas. Ay, baka paglamayan na kami kinabukasan.
" Hay! Ano ba yan!" Himutok ko. Ang hirap mag decide.
Saka para narin naman kaming nasa kamay ng mga rebelde sa kaparusahan na ginagawa sa amin ni Dada araw-araw. Yun nga lang di kami makakatay.
" Gumagala lang naman ang mga rebelde, diba?" Si Mython.
Ha? Bat niya tinatanong yan? "Tanga ka na naman damulag! Oo, naglalakad kung saan-saan. Alin ba sa salitang GALA ang hindi mo naiintindihan ha?" Singhal ko.
Sumama agad ang paningin niya sa akin. " Alam ko yun, kumag! Ang ibig kong sabihin...malay natin kung sa malayo lang ang gala nun, edi pwede pa tayong umalis!"
" Pero paano kung hindi?" Kontra naman ni Spencer.
" Edi forever tayo dito!"
Sabay-sabay lang kami napanbuntong hininga.
Tama. Dahil dun mas magtatangal pa kami dito na sa bawat araw sorpresa lahat ang mga ipapagawa ni Dada.
Hay naku naman!
Muli kaming nanahimik at ang pagkatok ni Dada sa pinto ang bumasag sa amin.
" Yes Dada?" si Khadix, pagkabukas ng pinto.
" I-lock nyong maigi ang mga bintana at pinto nyo. Dahil may mga rebeldeng gumagala ngayon. At kung may ingay kayong madinig sa silong agad nyo akong puntahan sa kwarto. Maliwanag?"
"Yes po." Sabay-sabay naming sagot.
Matapos kaming payuhan ni Dada, umalis na siya at muling nag tungo sa sala.
Sinundan namin siya ng silip sa pinto. Kausap parin nito yung mga tao na kausap nya kanina at ngayon may kinakausap na siya sa cellphone na ibinigay ng kasama niya.
" I think this is serious, we should cancel it." si Khadix.
" Bakit natatakot ka ba sa balita?" si Mython na tila di parin uurong sa plano.
" Oo, dahil mahal ko pa ang buhay ko. Ikaw kase, patapon na...kaya none sense narin kung mamatay ka!"
" Anong sabi mo?!"
Hay naku naman!
Nagkukwelyuhan at nag aangilan na sina Khadix at Mython dito sa gilid namin.
Parang gusto kong tadyakan ang mga pagmumukha ng dalawang to. "Kung maaway nga kayo, lumayo-layo nga kayo sa akin. Nasasanggi ako!" Angil ko sa kanila.
"Epal!" Sabay na sagot nila.
Sinamaan ko nga ng tingin ang dalawa, ang tigas ng mga mukha eh. Ako pa talaga tong epal?
Napansin ko naman ang pagmukmuk ni Spencer sa isang sulok na tila malalim ang iniisip.
Lalapitan ko sana siya ng magkabunguan kami ng ulo ni Mython.
Putsa!
" Ang sakit!" Agad na reklamo ko, para akong nahihilo sa tigas ng ulo ng damulag na'to.
" Ano ba ginagawa mo bansot?! " Reklamo niya.
Abat siya pa tong galit?!
" Paharang- harang ka kase sa daan. Alam mong pader sa lapad yang katawan mo. "
Nakakairita si Mython siya pa tong may ganang mainis. Siya na nga tong nakapanakit.
Naupo nalang ulit ako sa kama habang naghihimas ng ulo kong pumipintig sa kirot.
" Plano na guys? " Si Ishii.
Walang umiimik maliban kay Mython na isinukbit na ang bagpack sa likod niya.
Desidido talaga siya?
" Bahala kayo dito. Basta ako aalis. "
Humanap ng tyempo si Mython. Nang masigurado niyang wala ng tao sa sala saka siya lumabas ng kwarto namin. Sinundan lang namin siya ng tingin.
Bakit parang gusto ko ring gawin ang ginagawa niya. Tsk!
Bahala nalang kung ano ang mangyari. Kung mamatay, edi mamatay. Kesa naman hayaan ko lang na manatili kami dito.
Isinukbit ko narin ang bagpack ko at humanap na din ako ng tyempo gaya ng ginawa ni Mython. Nang tahimik naman ang kabahayan. Sumunod narin akong lumabas ng kwarto.
" Huy...guys?"
Rinig kong sambit. Hindi ko na nilingon kung sino man yun.
Bukas ang pinto dito sa sala. Pagkadungaw ko nasa labas na si Mython at lumilinga sa paligid saka tahimik na tumakbo.
Masundan na nga si damulag.
Bahala na talaga...
Kinakabahan ako pero, heto na to. Wala ng atrasan pa.
*****************\
Yown....after ilang years nakapag update din...hahaha...salamat corona( quarantine days...)
Hi guys, kamusta naman...Andyan pa ba kayo?
BINABASA MO ANG
Misster's (Lesbians Story) |✔
Teen FictionSa buhay mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Yung mag iistay at halos kasundo mo sa lahat ng trip. Pero paano kung ang mga kababata mo mismo at kinakapatid mo pa ay silang madalas mong makaaway? "Lumaki kaming magkakatunggali. Hindi magkasundo a...