Jein Henry's POV:
Parating na dito sa bahay ang mga kaibigan ko. Mga magulang ng mga bata. Tinawagan ko sila kagabi matapos mapag pasyahan ng mga bata na mag paalam sa akin para makabalik na sila sa manila.
Pumayag ako dahil alam kong natutunan na nila ang mga dapat nilang malaman. Sa totoo lang natutuwa ako habang nasasaksihan ko ang unti-unti nilang pag babago. Matapos ng gabi na hinanap ko sila sa gubat, panahon na gusto na nila umuwi dahil sa pagod sa pananatili sa puder ko. Tumakas sila, na halos ikinabaliw ko dahil sa takot na baka mapahamak sila sa kamay ng mga rebelde. Mabilis ko nung hininge ang tulong ng mga kaibigan ko dito. Mabuti nalang at tumugon sila kahit na delikado.
Nang gabing yun nalaman ko ang saloobin ng mga bata. At dala ng pagka immature nila naisip nila ang delikadong desisyon na yun. Naawa pa nga ako sa pag iyak nila nung ipaputok ko ang nag iisang bala sa shot gun ko. Wala naman talaga akong balak na saktan sila nun. Tinakot ko lang.
Pero simula ng gabing yun, nakita ko na sila mag bago. Nakumbinsi pa ako lalo nung magpaalam sila sa akin kung pwede pa ba silang manatili sa bahay ko.
Hinayaan ko sila at hinayaan ko rin sila makilala si Sabrina. Dahil naisip ko na baka makatulong sa kanila ang anak ko para sa tuluyang pag babago. Nabalitaan kong nag aaway sila pero kalaunan nagkasundo rin. Lalo na si Mython at Cylle. Silang dalawa ang pinaka pilya sa lima. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing nalalaman kong itinatakas nila ng sasakyan kong owner jeep papunta sa bayan para lang mangbabae. Hay! Hindi naman ganun ang mga magulang nila kaya nag tataka ako kung saan nag mana ang dalawang batang yun.
Hindi narin ako nagulat nung malaman kong may relasyon si Sabrin at Ishii. Halata naman sa kilos nila kahit pag takpan pa sila ng apat. Napag pasyahan ni Sarah na hayaan ang mga bata na tuklasin ang sarili nilang kapalaran.
"Jeyin." Tawag ng misis ko. "Narito na sila."
Tumayo na ako sa pag kakaupo para salubungin ng mga kaibigan ko.
"Jein!" Yakap sa akin ni Carlos. Humiwalay ako. "Kamusta?" Tanong niya.
"Okay lang, mas gwapo parin sayo." Biro ko, natawa lang siya.
Kompleto pala ang barkada ko. Si Carlos ang papa ni Cylle. Si Andrew ang daddy ni Katherine, Si Merrill ang mommy ni Antonette, si Akita ang mama ni Isabell at Harold ang tatay ni Spencer na madalas mag ikot sa buong mundo.
"Harold?" Pagtataka ko. Bibihira lang kasi itong magka oras sa akin.
"Kamusta Jein?"
"Oh, buti may oras ka pang dalawin ang kaibigan mo?"
"Hahaha, ikaw naman." Pakamot ulo itong umakbay sa akin. "Mag iistay na nga ako dito sa pilipinas eh. Para makasama ko pa kayo ng madalas."
Wildlife videographer kasi ang taong to ng national geographic. Kaya madalas kung saan-saang bansa napapadpad.
"Saka nga pala nasaan na ang mga asawa nyo?"
Hindi na pala nila isinama dahil bonding daw ito ng magbabarkada.
Talaga naman...
Dinala ko sila sa tabing dagat kung saan madalas naming pasyalan noon. Dito kami nag babonding sa tuwing hinahanap ko sila. At madalas din silang tumakas sa mga asawa nila para lang mapuntahan ako.
Well, masasabi ko kung saan nag mana sa hilig na pagtakas ang mga inaanak ko.
Sinabi ko na kay Akita na karelasyon ng anak niya ang anak ko. Nagulat siya pero hindi naman umalma.
Masaya lang kami nag bonding sa buong maghapon. Dun ko lang din nakita ang saya ng mukha ng mga kaibigan ko nung napansin nila na magkakasundo na ang lima. Na lagi nilang pinoproblema. Puro sumbong nga nakukuha ko noon kapag nangungumusta ako.
"Iba ka talaga Jein. Tama talaga ang disisyon namin na ipadala dito ng limang yan." Sabi ni Merrill.
"Kamusta naman yung gabi na tumakas sila?" Tanong ni Carlos. Naikwento ko nga pala sa kanila ang nangyari nun.
"Hmm, tulad ng sabi ko sa inyo. Natakot sila nun sa palabas ko."
"Haha, baliw ka parin talaga hanggang ngayon. Ang hilig mo parin manakot at manutok ng kung anu-ano?"
Kinindatan ko si Carlos. "Alam mo yan, at nadali din kayo nyan."
Natawa lang kami.
Namiss ko silang kamasama ng ganito, yung kwentuhan lang at tawanan. Simula kasi na may kanya-kanya na kaming pamilya eh naging madalang na ang oag kikita namin.
"Oh paano, uuwi na kami." Paalam nila sa akin. Nakauwi na kami dito sa bahay at kanya-kanya na sila ng karga ng gamit sa sasakyan.
"Siya sige, mag ingat kayo. Tsaka nga pala, pwede ko bang makausap muna ang mga bata?"
Lumapit sa akin ang lima na parang iiyak ang mukha. Kahit kailan talaga ang mga batang to, laging madrama.
"Bat ganyan ang mga mukha niyo? Uuwi na kayo sa manila ah." Sabi ko.
"E, kasi Dada Jein mamimiss namin kayo." Sagot ni Spencer.
"Pwede nyo naman akong dalawin dito kahit kailan nyo gusto."
"Talaga Dada?" Si Mython. Naku! Isa pa ang higanteng batang to.
Tumango ako bilng sagot. Tinignan ko naman si Isabell. "Ishii, nasabi mo na ba sa kanila na hindi ka pa babalik?"
Nagpaalam kasi siya sa akin kanina kung maari pa siyang mag istay ng higit pa para makasama si Sab.
Napangiti si Ishii. "Hi-hi....Dipa Dada eh." Hinarap niya ang mga kababata. "Ayun nga guys, tulad ng sabi ni Dada mag iistay pa ako ng dalawa pang linggo dito bago bumalik ng manila. Nag paalam na ko kay Mama at pumayag naman siya."
"Sus, dahil yan kay Sabrina no?" Si Cylle.
"Hi-hi..." Nahihiyang ngiti ni Ishii.
Tumikhim ako. "Inaasahan kong hindi ko na mababalitaan na nag aaway parin kayo. Sana ang nabuo nyong pag kakaibigan dito ay dalhin nyo saan man kayo mapunta."
"Yes po Dada." Tugon nila.
"Mabuti."
Naglakad na ako pabalik sa mga magulang nila. "Mag iingat kayo sa byahe."
Humalik na sila sa pisngi ni Sarah at niyakao nila ako.
Nakakatuwa, hindi ko na sila kailangan pang takutin. Kumukusa na sila ngayon.
"Babye po Tita Sarah. Babye Dada."
Kumay na ako nang nagsimula ng umandar paalis ang mga sasakyan nila.
•••••••••••••••••••••••• Fin •••••••••••••••••••••
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
😄, hi guys. Thank you sa pag subaybay ng kwento ko. Medyo mabilis nga lang ang pagkakatakbo pero maganap naman. hihi, may sarili ding kwento ang mga tauhan neto. Sana mabasa nyo din.P.S: Salamat muli, please vote and spread...😘
BINABASA MO ANG
Misster's (Lesbians Story) |✔
Teen FictionSa buhay mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Yung mag iistay at halos kasundo mo sa lahat ng trip. Pero paano kung ang mga kababata mo mismo at kinakapatid mo pa ay silang madalas mong makaaway? "Lumaki kaming magkakatunggali. Hindi magkasundo a...