Thirty-four

63 1 1
                                    

Khadix's POV:



This is the day. Nang laban namin sa pa band contest ng bayang ito. Two and a half days lang kami nag practice at sa tingin ko ay matutogtog namin ng maayos ang napili naming kanta.

Samantala. Hindi parin namin nakikita si Sandro matapos niyang malaman ang relasyon nina Sabrina at Ishii, pero alam ko pinuntahan na siya ng dalaga kahapon para kausapin. Kinausap narin nila sina Dada at Tita Sarah tungkol sa nakatago nilang relasyon. Hindi naman nakakuha ng pag tutol sina Ishii sa magulang ni Sabrina dahil alam kong naiintindihan sila ng mga ito.

Iniimpake na namin ang mga instrumento at ilang gamit. Nag simula narin kaming mag bihis.

"Uy, wala akong purong puti na long sleeve." Nag aalang sabi ni Cylle. "May halong itim ang damit ko"

Napag isipan kasi naming mag suot ng long sleeve white polo na pinaparisan ng black walking short at sneaker shoe. Formal rocker ang tema namin.

"Okay lang yan bansot." Saad ni Ishii. "Yung akin nga may linya sa tagiliran."

"Its okay Cylle ang mahalaga naka polo ka."  Sabi ko din.

Matapos mag ayos nag punta na kami sa plasa kung saan gaganapin ang laban. Alas sais emedya na sa relo at mag uumpisa ang palabas ng alas syete.

"Handa na ba ang lahat?" Tanong ng organizer. Narito na kami sa backstage. "Ihanda nyo na ang mga gamit nyo, okay?"

Tumango kami.

"Tsaka nga pala, anong pangalan ng grupo niyo?" Tanong muli sa amin.

Oo nga pala kailangan ng group name. Napatingin ako sa apat na hirap mag-isip ng grupo namin.

"Missters." Sagot ko.

Napalingon sila sa akin.

Napa maang pa yung organizer. "O-okay? Pero mga babae kayo?"

"Ganito po kasi ang spelling." Isinulat ko sa papel ang pangalan na naisip ko.

"Miss•ters?" Basa niya. "Ayos ah.. tugma."

Lumapit sa akin yung apat.

"Ano yung pangalan natin?" Tanong nila.

"Misster. With the spelling of m.i.s.s.t.e.r. Gets?"

"Ahhhhh." Sabay na tango nila.

Tama naman diba dahil mga gwapo kaming mga babae.

Habang narito kami sa likod at hinihintay ang seremonya ng pagbubukas ng programa. Pinuntahan kami ni Sabrina.

"Guys." Tawag ng dalaga. Lumapit siya sa amin. "Ready na ba kayo?"

"Oo." Tugon namin.

"Mabuti. Mag dasal muna tayo." Aya niya.

Sa pamumuno ni Sabrina. Nagdasal kami ng mataimtim. Kasabay din nun ang sari-sarili naming hiling.

Ang gusto ko lang naman ay, magawa namin ng maayos ang pagkanta. Bunos nalang kung magustohan o maipanalo namin ang laban.

"Amen." Huling bigkas ni Sabrina. Nag sign of the crossed na kami. "Galingan nyo. Pero lagi niyong tatandaan, hindi man kayo ang manalo para sa akin kayo parin ang the best."

Napangiti ako sa magandang sinabi niya.  Napapalakas niya kasi ang loob ko maging ng apat— siguro?

Isang halik sa noo ang ginawad ni Sabrina kay Ishii bago siya umalis.

Habang nag hihintay. Nakakuha kami ng atensyon sa ibang banda na katunggali namin.

"Tss...kung makatingin naman ang lalaki na to. Akala mo kung sino. Isang baba pa ng paningin niya sasapakin ko na talaga siya." Saad ni Mython habang nakatingin sa isang lalaki.

Misster's  (Lesbians Story) |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon