Thirty-two

56 2 0
                                    

Spencer's POV:



Naghahapunan na kami dito sa malaking bahay ni Dada. Pakiramdam ko para akong don sa isang teleserye dahil sa tema ng bahay niya.

"Alam nyo ba, isang malawak na lupa lang ito dati. Dito rin kami madalas na magkasalubong ng Dada niyo noon. " Kwento ni Tita Sarah.

Yung huling araw na nakita ko si Dada sa manila. Yun pala ang araw na napag pasyahan niyang manirahan dito. Dahil nakilala na niya ang babaeng mapapangasawa niya.

"Siguro Tita, masungit ang una nyong impression dito kay Dada?" Saad ko.

Napatingin tuloy sa akin si Dada Jein. Napa iwas naman ako ng tingin dahil medyo nakaramdam ako ng kaba sa titig niya.

Natawa si Tita Sarah sa sinabi ko.

"Ang totoo si Mommy ang mataray noon at tahimik na tao naman si Dad." Sagot ni Sabrina. "Alam nyo bang ako ang unang nakakilala kay Dad."

"Ha?" Si Ishii.

"Ilang taon pa lang ako noon at madalas maisugod sa clinic dahil sa kalikutan, lagi akong nagkakasugat sa paglalaro ko. At si Dad ang laging nag gagamot noon sa akin." Kwento si Sabrina.

"Alam nyo bang naging tambayan ni Sab ang clinic noon dahil kay Jeyin." Sabat ni Tita.

"Oo, naalala ko nun. Naiinis kana sa akin Mom, sa tuwing sinusundo mo ako sa clinic."

"Hulaan ko. Dun nag simula ang love story ninyo ni Dada, Tita Sarah. Tapos, itong si Sab ang may dahilan." Kumento ni Cylle.

"Tama. Naalala ko hindi pa kami magkasundo noon ni Jeyin."

"Dahil napakasungit mo." Sabat ni Dada Jein.

"Syempre. Hindi pa kita lubos na kilala ng mga panahon na yun tsaka laging nakatambay sa clinic mo si Sab, na hindi ko malaman ang dahilan."

"Bakit ba lagi kang nakatambay sa clinic ni Dada, ha Sab?" Si Mython.

"Dahil napakabait niya." Bigla napakunot ang noo namin sa sagot niya. Mabait, di nga? "Parang siyang prinsepe sa libro na nababasa ko. At nung panahon na yun. Kailangan ni mommy ng prinsepe sa buhay niya."

"Lalaki talaga ang tingin mo noon kay Dada?" Si Cylle ulit. Nakikinig lang ako at si Dada sa kanya.

"Oo, hindi ko naman kasi alam na may ibat-ibang kasarian noon. Masyado pa akong bata para maintindihan yun. Pero nung nagkaedad ako, i embrace it. Wala namang masama kung ano ang sekswalidad ng isang tao. Ang mahalaga ay ang kabutihan ng puso niya."

Ah, kaya pala wala siyang paki alam kung mga lesbian kami. Nagkagusto pa nga siya kay Ishii.

"Okay, tama na yang kwentuhan natin. Dalian nyo nang kumain para makapag pahinga na tayo." Sabi ni Dada Jein.

Madaming nga palang kwarto sa bahay na to. Pero mas pinili naming lima na mag istay sa iisang silid. Nasasanay na kami na natutulog sa iisang kama.

Mapatapos kumain, napiling tumambay nina Cylle at Khadix sa biranda ng bahay. Tumabi naman ako sa kanila.

"Uy, ano pinag titsismisan nyo dyan?" Tanong ko.

"Wala, namimiss ko lang yung silong ng bahay ni Dada saka yung punong malaki sa bakuran niya." Sagot ni bansot.

"True." Napa buntong hininga si Khadix. "Spencer, gusto mo na bang umuwi sa manila?" Tanong niya.

Napa isip ako. Oo nga nuh, masyado na pala kaming nag tatagal dito.

"Okay lang, madami na naman na akong clip sa lugar na to."

"Napag usapan kasi namin ni Cylle na magpaalam na kina Dada para umuwi ng manila."

Misster's  (Lesbians Story) |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon