Part I- First Encounter

0 0 0
                                    

    Mia, kumain na muna tayo wala pa naman tayong prof eh.  Sige na pleasssseeee.... may pangungulit na sabi ni Mara habang busy kaming tatlo sa pakikinig sa kuwentuhan ng iba naming mga kaklase.

     Elisse, ano pwede pa ba tayong bumili? Di pa kaya tayo malalate? tanong ni Mara

    O sige, mabilis lang naman tayo eh.  Kawawa naman tong si Mia, namumutla na. Hehehe
nakangiting sabi ni Elisse

     Pero teka, Mia sigurado ka ba na nagugutom ka o gusto mo lang pumunta ng canteen para makita mo yung crush mo na engineering student!? Umamin ka!? may pagtaas pa ng kilay na tanong ni Mara

    Hindi ah! Tska mamayang 5pm pa start ng klase nun eh. Hehehe bleeeehhhh kinikilig na sabi ni Mia

     Akmang kukurutin ni Mara si Mia, na agad namang pinigilan ni Elisse

    Oy oy oy! Tama na yan, tara na at baka dumating na si Mam Ava. -saway ni Elisse sa dalawa

    Habang naglalakad sila sa canteen eh patuloy pa rin ang kulitan ng dalawa.  Eksaktong pagbalik ng tatlo at pagkasayad na pagkasayad ng mga puwet nila sa mga upuan nila eh dumating si Prof.Ava. 

   Mabait si Prof. Ava at medyo may pagkamahinhin. Pero siyempre, nagagalit din. Magaling siyang magturo, hindi nakakakaba. Yung iba kasi nilang prof, nakakapanginig ng tuhod eh. Hehehe at siyempre marami silanh natutunan dahil General Psychology ang subject niya. 😉

    Goodmor....
naputol ang sasabihin ni Prof.Ava ng may biglang kumatok sa pinto.  May isang lalaking estudyante na nag-abot ng papel sa kanya.  Hindi man lang ito nagsalita, nakayuko lang ito natatakpan ang mukha ng sobrero na hindi alam ni Elisse kung anong tawag. Pagkabasa ni Prof.Ava sa inabot nitong papel, sinabihan na niya ito na mamili na siya ng kanyang uupuan.
     Nagpalinga-linga muna siya, tumingin sa kanan, sa kaliwa, sa unahan at sa likuran.  Laking gulat nilang tatlo na sa likod nila siya  umupo.
     Sila kasing tatlong magkakaibigan ang nasa kahulihan sa kaliwang linya.  Mas gusto nilang ditong umupo, kasi alam niyo na. Hehehe

    Sa buong oras ng klase nila eh hindi man lang nila narinig magsalita ang estudyante na nasa likuran nila.

Ano kayang course niya? Bakit nasa klase namin siya? Ay, ewan bahala na nga siya. palihim na pagkausap ni Elisse sa kanyang sarili

Pagkatapos na pagkatapos ng klase nila tumayo na ito at nakayukong lumabas ng pinto.

Ang weird naman niya! Ang sabi ni Mia..

Oo nga eh. segunda naman ni Mara.
Si Elisse naman ay nagkibit-balikat na lang.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon