Part III- His Voice

0 0 0
                                    

Goodmorning Class! -malambing na boses ni Prof. Ava

Goodmorning Prof. Ava! -sabay-sabay nilang sagot kasabay ng ngiti

Mukhang masaya kayo ngayong araw ah! Anong meron mga future teachers? -ngingiti-ngiting tanong ni Prof.Ava

Wala naman po Prof! - maarteng sagot ni Lester, isa sa mga kaklase nilang beks
Nagkibit-balikat na lang si Prof.Ava at muli silang hinarap.

Okay, before we start let us know who are our reporters for today.
Mr. Nakpil, Ms. Cruz and Ms. Sarmiento. Ready na ba kayo? -pag-iisa-isa ni Prof. Ava.

Yes Prof. -sabay na sagot nina Chriza Sarmiento at Mila Cruz.

Schedule pala ngayon for reporting si Kuya na nasa likod natin noh? -pabulong na sabi ni Mia sa dalawa ni Mara at Elisse.

Nakpil pala ang surname niya. -nakangiting comment ni Mara.

At si Elisse, kibit-balikat na lang ang sinagot. Natigil ang pagkukuwentuhan nilang tatlo ng biglang magsalita ulit si Prof. Ava.

Okay, class let's start. Let's start with Mr. Aironne Nakpil -nakangiting sabi ni Prof. Ava.

Kasabay ng pagtawag ni Prof. Ava sa pangalan niya ay ang saktong pagtayo rin niya. After 1 minute of preparing his report, hinarap na niya ang klase.

Ang mga mukha nina Elisse nung humarap siya eh ganito 😯😯😯😯😯😯😯😯😯😯😯

Oh my Elisse!!!! Ang cute pala niya!!!! -kinikilig na bulong sakin ni Mia.

Hoy Mia tumigil ka nga diyan! -paninita ni Mara sa kanya.

Pero Elisse grabe!!! Ang cute nga niya talaga sobra!!! Bakit ba kasi ngayon lang natin siya natitigan eh! -kinikilig na parang naiihi na sabi ni Mia

Simple lang ang sagot Mia, kasi nga diba lagi siyang nasa likod natin! Adik ka talaga! -pangiti-ngiting sagot ni Elisse

Naputol ang pagbibigay nila ng kani-kaniyang komento ng magsalita na siya.......

Goodmorning.... -sabi niya

Pagkasabing-pagkasabi niya ng greeting niya eh ang sabay-sabay rin na pagtili ng lahat. Gulat na gulat sa napakaganda niyang boses.

At silanh tatlo, na hindi man kasama sa iba na nagpaghiwatig ng direktang paghanga sa boses niya ay ganito ang naging reaksiyon 😮😮😮
Kasabay ng biglaang reaksiyon ng lahat eh, ang pagkagulat din ni Prof. Ava sa naging response nila sa simpleng "goodmorning" palang niya. Pano ba namang hindi ganun ang magiging reaksiyon ng iba, eh sa loob ng 3 semesters eh sa 10 nilang mga kaklase na lalaki, 7 ang beki, 1 ang may asawa na at 2 ang may gender confusion pa. First time,  na may cute na tunay na lalaki, na engineering ang course na may nagsalita sa harap nila.  Alam niyo na kapag education ang course.

Grabe na talaga to! OMG Elisse at Mara!! Ang cute na niya, ang ganda pa ng boses niya! -mas kinikilig na sabi ni Mia

So, ipagpapalit mo na si Mr. Mechanical Engineer kay Mr. Electrical Engineer? -natatawang tanong ni Elisse

Oo nga?!! Ano ha?? -segunda ni Mara sa sinabi niya

Hmm, kapag siguro hindi niya ako pinansin ng tuluyan.. -maarteng sabi ni Mia

Gaga ka talaga!! -sabay nilang sabi ni Mara

Okay class, you better listen. You may proceed Mr. Nakpil-seryosong sabi ni Prof. Ava.

Okay, Ma'am. My topic for today is all about person's Intelligence Quotient or I.Q. -pagpapatuloy niya

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon