Part II- Reporting Time

0 0 0
                                    

Dalawang linggo pagkatapos ng magkaroon sila ng bagong kaklase, nag-assign na kagad si Prof.Ava ng mga parts na irereport nila. At dahil si Elisse ang pinakamasuwerte sa kanilang tatlo nina Mia at Mara. Kaya heto pang-apat siya. Heto nga, at siya na ang magrereport.

Goodmorning Classmates! -masiglang bati ni Elisse sa kanyang mga kaklase.

Goodmorning din Elisse! -sabay-sabay nilang sabi.

Okay, my topic for today is all about individual differences. We all know that no two persons are alike..... -pagsisimula niya.

Hay, salamat natapos na report ko. -litanya niya habang dahan-dahang umuupo sa upuan niya. Pagtingin noya sa bandang likod, napansin niya na nakatingin pala sa kanya ang bago nilang kaklase. Nakatingin pero hindi nakangiti. Nung napansin niya na nakatingin si Elisse sa kanya eh siya na mismo ang nagkusang mag-alis ng tingin. Nagkibit-balikat na lamang si Elisse.

Congrats Elisse! -nakangiting sabi ni Mia.

Elisse, alam mo ba na engineering pala ang course niyang kaklase natin na nasa likod. -pabulong na sabi ni Mara.

Ah, talaga?! Electrical, Mechanical, Industrial o Civil? -pabulong na tanong rin nito kay Mara.

Electrical daw eh. -mahinang sabi ni Mara.

Kanino mo naman nalaman yan Mara ha?! -curios na tanong ni Elisse.

Ah, eh... kay... ano... -paputol putol niyang sabi

Kanino nga?! -may pangungulit na sabi ni Elisse.

Sa boardmate ko. Kay Icah. Kilala mo siya diba? -tanong sa kanya ni Mara.

Oo, natatandaan ko pa siya. Pinakilala mo siya sakin nung pumunta ko last time sa boarding house niyo. -sagot ni Elisse.

Yung bago niya kasing manliligaw eh, kaklase pala nitong kaklase natin. Kaya pala siya nandito eh, may back subject siyang isa. -may kahabaang pagpapaliwanang ni Mara.

Oh, tapos? -maikling tanong ni Elisse

Kaya siya dito napunta satin, kasi ito lang oras natin ang hindi conflict sa ibang subjects niya. -dagdag pang pagpapaliwanag ni Mara.

Ah, kaya pala. -maikli niyang sagot

Hoy, daldalan kayo ng daldalan ni Mara diyan ah!! Ano ba yan ha?? -pangungulit ni Mia.

Wala! Alam mo na yun eh nasabi ko na sayo yun kanina nung nagrereport si Elisse. -pangiting sabi ni Mara

Ah, tungkol kay Kuya na nasa likod natin. -nakangiting sabi ni Mia

Ah, so ibig sabihin habang nagrereport ako sa unahan eh kuwentuhan lang pala kayo ng kuwentuhang dalawa!!! -may pagsusungit na pahayag ni Elisse.

Hindi naman eh! -sabay nilang sabi.

Okay lang yun noh! -natatawang sabi niya. Tara na nga, kumain na muna tayo.

Ay, gusto namin yan. Tara na. -nakangiti at sabay nila sabi

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon