Habang naglalakad na pauwi sina Mara at Elisse...
Mara, asan ba si Mia? Bakit hindi natin siya kasabay na umuwi ngayon? -nagtatakang tanong ni Elisse
Hay naku Elisse, wag mo ng hanapin si Mia. Kumerengkeng yun ngayon! -natatawang sagot ni Mara habang nakapameywang
Ha???? Sorry Mara, di ko gets. Pasensiya ka na, slow lang hehehehehe... -natatawamg sagot ni Elisse
Natatandaan mo ba yung ME (mechanical engineering) na crush na crush ni Mia? Yung lagi niyang hinihintay sa canteen. Ang maarteng kaibigan natin, gumawa lang naman ng paraan para makuha ang number nung lalaking yun! At take note friend, 2 months na palang katext nung malandi nating kaibigan yung lalaking yun, ni hindi man lang sinabi satin. -mahabang litanya ni Mara
Hahaha!! Hayaan mo na si Mia friend. Hindi naman niya pinababayaan ang pag-aaral niya kahit ganun siya. Tingnan mo nga DL pa rin tayong tatlo. Tska baka naman gusto talaga siya ni Mia, malay mo naman diba. Suportahan na lang natin siya, basta siguraduhin lang niya na ipakikilala niya satin si Mr. ME. -nakangiting paliwanag ni Elisse
Kunsabagay! Tara na nga Elisse, gusto ko ng makauwi agad eh. -may pagmamadaling sabi ni Mara
KINABUKASAN...
Elisse!!! Mara!!!! -may kalakasang tawag samin ni Mia
Hoy Mia!! Baka naman gusto mong hinaan kahit konti yung pagtawag mo samin! Tska bakit ba super excited ka ha??!! -iritableng tanong ni Mara
May sasabihin kasi ako sa inyo, interesting to mga mahal kong kaibigan. 😉 -masayang paliwanag ni Mia
Ano ba yun Mia? Tska may dapat ka talaga saming ipaliwanag noh.. Hahaha -natatawang tanong ni Elisse
Para sa'yo talaga to Elisse eh. -nakangiti niyang paliwanag
Ha?! Para sakin?? Ano ba yun?? -curious na tanong ni Elisse
Tungkol to kay Kuya, yung classmate natin sa Gen. Psycho. Yung nakaupo sa likod natin. Yung napakatahimik, yung kapag inaalok natin ng pagkain eh walang ibang sinasagot kundi "thank you" sabay ngiti ng konti tapos tahimik na ulit.
-mahabang paliwanag ni MiaOh, ano namang tungkol sa kanya? At bakit mo nasabing intended talaga for Elisse yang balita mo? -may kahabaan ring tanong ni Mara
Habang si Elisse 😐
Eh kasi nga ganito yu..... -Mia
Ang tagal naman... -singit ni Mara
Excited lang Te??!!! -pang-aasar ni Mia
Ano nga kasi yun? -tanong ulit ni Mara
Ganito nga kasi yun, diba nga nagkita kami ni Jay kahapon (with matching kinikilig na mukha) I asked him if kilala niya si Kuya na classmate natin sa Gen.Psycho and guess what girls??? -pabiting tanong ni Mia
What???!!! -sabay na tanong ni Mara at Elisse
Pinsan niya pala si Kuya na classmate natin. Schoolmate din sila nung highschool. Siyempre, sinamantala ko na rin ang pagkakataon kinuha ko na rin ang number niya. Hehehehe -proud na pagkakasabi ni Mia
And Why did you do that?? -maarteng tanong ni Mara kay Mia
Because it's the best thing to do and I think it's a good idea. No, I think it's a bright idea. -nakangiting sabi ni Mia
At pano namang naging bright idea ang pagkuha ng contact number ng isang tao aber?!!! -tanong ni Mara na may kasamang pagtaas ng kilay
Para magkaron man lang siya ng kaibigan at kakilala. Diba kayo curious kung bakit sobrang tahimik niya?! Cute naman siya, feeling ko nga kung mag-aayos lang siya mas pogi pa siya kay Jay eh. Pero siyempre, for me mas pogi pa rin si Jay. (Boogggsssshhh)
BINABASA MO ANG
What If?
Short StoryWhat if naghintay pa ko kahit konti? What if nalaman ko ng mas maaga na yun pala yung dahilan niya? What if naintindihan namin ang isa't isa? Pssssttttt..... Ate at Kuya, kayo ba may mga What if's din ba kayo sa buhay???