♡Sahara♡

1.9K 74 26
                                    

Dedicated to:

@kc_cauilan
@Des_Galleto
@xxxArahxxx

Jane's Pov

So this is it, Ito na yung araw para pag usapan namin yung mga mangyayari sa shoot namin sa Baguio. Hindi ko pa sinasabi sakanila sa papayag ako pero alam ko naman na diretso na dun ang mangyayari.

"Anak?" Dinig kung tawag ni Dad sakin mula sa labas ng aking kwarto.

"Yes, Daddy?"

"Andiyan na si Jeric sa baba hinihintay ka, Siya na daw maghahatid sayo papunta dun--" Natigil si Dad nang buksan ko ang pinto at ngumiti sakanya.

"Go on, Dad." Natatawa kung sabi.

''Siya na nga daw ang maghahatid sayo papunta dun sa AC Company kasi si Yoanna nauna na dun." Oh, I forgot to mention na mag pinsan din pala si Yoanna at Jeric. Small World.

"Paki sabi nalang po bababa nalang ako! Thanks Dad!" Sabay sara ko ulit ng pinto.

May photoshoot rin pala kami ngayong araw. Na hindi natuloy last week, Kaya after ng meet up namin sa AC Company, Itutuloy namin yung photoshoot.

"Good Morning,Beautiful." Bungad saakin ni Jeric nang makababa ako ng hagdan.

"And Good Morning, Handsome." Natatawa kung bati sakanya.

"Tara na, Baka malate ka pa." Sabay bigay niya ng daan sakin.

I wonder kung bakit hanggang ngayon wala parin tong girlfriend. No Girlfriend Since Birth pa tong lalaking to eh. Hahaha Don't get me wrong hindi siya bading. He's dating some girls around pero sa huli lagi niyang sinasabi sakin na wala daw talagang makakapantay sa babaeng gusto niya. Ayaw niya rin naman sabihin sakin, Tsk.

"Jane, Andito na tayo." Napatingin ako sa labad ng bintana. Andito na nga kami sa harap ng building.

"Ah, Yeah. Thanks for the ride Jeric! See yah!" Kusa na akong lumabas ng kotse niya. Hinantay ko pa muna siyang maka alis bago ako pumasok ng building.

"Good Morning, Ms.Garcia this way please." Alalay ng guard saakin.

"Thanks, Kuya." Sabi ko matapos niya akong ihatid sa 2nd Floor. Andito daw ang room kung saan kami mag uusap nila Mr.Alferez.

Bubuksan kuna sana ang pinto ng bigla kung narinig ang sinasabi ni Kuya Guard na siyang nakapag patigil sakin.

"Magandang Umaga, Mr. Monterial." My heart beats fast after I heard those words. Shit! Ba't di ako makagalaw!

"Good Morning din po, Alam niyo po ba kung saan ang--" Natigil siya nang marinig niya ang pag bukas ko ng pinto. Mas lalo akong kinabahan.

"Ah, Sa meeting po ba? Ayan po--" Hindi kuna narinig pa ang sinabi ni Kuya Guard dahil pumasok na ako ng Room.

"Bes!" Agad akong napalingon sa Right side ng sofa kung saan naroon si Yoanna na panay ang kaway sakin. Ngumiti ako sa ibang nasa loob ng kwarto at tumabi na ako kay Yoanna.

"Ba't di mo ko sinundo sa bahay?" Nakangusong tanong ko.

"Ahh? Hehe may kinausap pa kasi ako eh, Kaya hindi na kita sinundo sorry bes." Bigla siyang pinawisan sa simpleng tanong kung yun? Anong nangyayare dito? Tsk.

"Oh, Eh ba't parang kinakaba--"

"HINDI AH!" Napaka defensive naman nito hahaha.

"Okay, Sabi mo eh." Sabay kindat ko sakanya at itinuon na ang atensyon ko sa kakapasok palang nasi Luke at Mr. Alferez.

10 Days Being With My Ex-Boyfriend(Short Story)(AlDub)Where stories live. Discover now