Nuebe

16.5K 209 1
                                    

Nagsuot lamang ako ng dress na pasteled blue at nag takong

"Tara na?" inoffer niya sa akin ang braso niya bilang signal na sabay kaming bababa

"Kaya mo ba?" tumango ako sa kanya at ngumiti pero ang totoo mahirap maglakad ng maayos.

pagbaba namin pumunta kami sa restaurant at sa lamesang mahaba may mga tao na roon at may nakita rin akong may edad na nalalaki at babae pero masasabi kong ang groovy pa nila manamit

"Nandito na pala si Ace" umupo kaming dalawa sa bakanteng upuan na kukumpleto sa kanila

"Hi Sofia" ngumiti ako kahit hindi naman ako si sofia
kung titingnan ang pamilya nila parang napakapormal at lahat sila ay may pinag-aralan
napansin kong kanina pa tumitingin sa akin ang isang lalaki sa tapat namin pero dahil nga nahihiya ako umiiwas ako ng tingin sa kahit na sino sa kanila

"Hindi manlang ba kayo magpapakilala sa kanya?" ngumiti sa akin ang babaeng may edad na and I assume mama niya

"By the way iha yung nakikita mo sa hapag ay mga kapatid ni Al" AL? sino si Al?
" Ako yun wag kang ignorante Al pinaiksing Alas" bulong naman ng katabi ko na hindi ko alam kung may kapangyarihan ba o talagang showy lang ako

tinuro ni Queen ang mga kapatid nila at pinakilala nila ang isat-isa
yung may white hair 'yon daw si King ang panganay sa lahat tumingin siya sa akin at nakipagkamay mukhang mabait naman siya pero mature na rin kung tatanungin ako kung ilang taon na siya ang tantsa ko nasa 29
yung nakapolo naman na blue at nakabrush up ang buhok 'yon naman daw si Jack ang sumunod kay Ace nakipagkamay lang din siya at bumalik na sa pagkain
yung bunso naman daw ay si Spade at kung titingnan nasa 15 palang ito.

" this is our mom and dad" mukhang masayahin silang pamilya at si Ace lang ang seryoso
" Anong feeling na ikakasal ka na Queen?" biglang tanong ni King at tumahimik naman ang lahat

"Hindi masaya" tumingin si Queen kay King hindi ko talaga alam kung nagbibiruan lang sila o seryoso sila dahil tumawa lang silang dalawa
pagkatapos namin magdinner ay agad naman silang nagpaalam

"Sofia, ingatan mo si Al wag mo na siya sasaktan ulit" ngumiti ako at niyakap ang mama niya bakit pakiramdam ko may something at sasaktan ulit? hindi naman kami magkakilala ni Ace at never naging kami

"Tara na!" sigaw ni Ace habang nakapamulsa

"Atat to teka lang" nagpaalam na ako kay Ma'am Gina

"Wag po kayong mag-alala ako po bahala kay Ace" ngumiti siya at umalis na ako naman tumakbo papunta kay Ace nang bigla akong matapilok

"Damn it bat ba hindi ka nag-iingat!" sinigawan niya ako tsaka binuhat ng lovers carry hanggang sa makaabot kami sa hotel room namin.

Bachelor's Tuxedo [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon