Someone's POV
Naipaghiganti na kita matagal na, hindi mo lang nadarama pero mas gusto ang ginawa ko sa kanya at alam kong ito ang hiling mo bago ka kinuha ng lupa"Pinatay ko na ang dahilan ng kasiyahan nila Sophia" nakangiti kong kinausap siya kahit na alam kong hindi niya na ako sasagutin
"Sana maging masaya ka na"
"Mahal pa rin kita at alam kong minahal mo ako kahit na ang ating relasyon ay puno ng pagpapanggap mananatiling ikaw ang mahal ko at ako ang Lem na nagmamahal sayo"
ACE's POV
Bigla na lamang akong nakaramdam ng pananakit ng ulo at napaupo ako sa waiting area ng hospital. Hindi ko alam pero may mga imahe akong nakita sa utak ko...FLASHBACK
Noong araw na iyon nakatanggap ako ng text galing sa kung sino na kailangan ko bumaba sa parking lot dahil may malalaman ako, kaya naman agad akong pumunta sa lugar na iyon at may naririnig akong nagsisigawan
"Hanggang kailan ako magpapanggap na pinsan mo Sophia?!"
"Konting panahon na lang, kinukuha ko pa ang loob ni Ace para makuha ko na ang pera niya" hindi namin napansin na nasa tabi na pala namin si Ace
"Anong nangyayari?! Sophia! Ano ibigsabihin nito?!" Hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko ngayon,may galit at sakit dahil sinugal ko ang sarili ko sa relasyong lokohan lang kaya agad kong hinigit ang kamay niya at pinasok sa kotse
"Totoo ba ang sinabi mo kanina?" tumingin ako sa kanya para sa sagot ngunit di siya nagbitaw ng kahit na anong salita
"TOTOO BA SOPHIA?!" umiiyak siya at alam kong iyon na ang sagot sa kanina ko pang tinatanong
"DAMN IT SOPHIA! MAGKANO KAILANGAN MO? MAGKANO BAYAD SA GABI-GABI KONG PAGKAMA SAYO? ISANG MILYON? DALAWA? MAGKANO!" hindi ko napigilan ang sarili ko at pinaharurot ang kotse ko
"Ace tama na, ibaba mo nalang ako. Sorry Ace" tumingin ako sa kanya habang humahagulgol siya
"Ginago mo ko, ngayon sasabihin mo saking tama na?!" lalo kong binilisan ang pagdadrive at pinipilit naman niyang agawin ang manibela sa akin
"IVY?" natulala siya sa sa harap at tuluyang sumalpok ang kotse namin sa isang gater at may natamaang babae.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Bachelor's Tuxedo [SPG]
Romance"Gentleman by day, Philospher by night, Pervert by choice rebel by faith"- Ace Cordova "I loved three things-- a joke, a glass of wine, and a classy man" -Ivy Paranya