Bente-syete

9.7K 139 0
                                    

pagpasok ko pa lang biglang lumiwanag ang paligid at nakita ko siya nakaupo sa lamesa at halatang hinihintay niya ako

"Para saan ang candle light dinner?" pinaupo niya ako at hinalikan sa noo

"Im very happy" napakunot ang noo ko sa sinabi niya

"Thank you for the special gift you gave me" lalo akong nagtaka sa sinabi niya, maya-maya pa ay may inabot na siyang box sa akin

"ANO TO?!" pagkabukas ko ay nakita ko ang puting bagay na kinatatakahan ko kung bakit meron siya

"Pregnancy test mo, simula nong ayaw mo na sa amoy ko doon ako nagduda na baka magkakapanganay na ako" naiyak ako dahil nauna niya pang nalaman kaysa sa akin at ibang klase rin naman ang pakiramdam

"Nanay na ko?!" naiiyak akong tumayo at niyakap siya at niyakap ko siya

" at tatay na ako" hinalikan niya ako at binuhat.
-----
Ngayon nandito kami sa bahay nila Ace para sabihin na lahat at mabuti na lamang ay masaya na rin ang mga magulang ni Ace sa hinatid naming balita

"Ma'am excuse me po may nagpadala po ng wine hindi ko po kilala kung kanino galing"

"Baka iyan na ang hinihintay kong padala ni Tita mo from states dont worry pwede kay Ivy to dahil mas marami ang juice kaysa sa mismong alcohol" agad naman itong kinuha ni Mommy Gina at isinalin sa mga baso namin

"Cheers?" ngumiti kaming lahat at sabay-sabay na nagcheers at ininom ang wine

"A--ah!! ACE! ANG SAKIT AH-AH!!!" nakaramdam ako ng matinding pananakit ng tiyan

"ACE SI AZIZ!!!" hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang sakit

"DALHIN NA NATIN SA HOSPITAL SI IVY!!" agad naman tumakbo ang katulong nila at ako naman ay binuhat na ni Ace

"Kumapit ka lang hon, kapit lang" sinakay na niya ako sa kotse niya at katabi ko naman si Queen habang hawak niya ang kamay ko.
Maya-maya pa ay nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyayari.

Paggising ko may iba akong naramdaman, magaan hindi na kagaya ng dati may nagbago, may nawala

"ANO NANGYARI?!" nakita ko si Ace at namamaga ang mga mata niya

"ACE ANO NANGYAYARI!!!" hindi ko alam o baka alam ko na ayoko lang marinig galing sa kanya

"Kamusta si AZIZ?!" tumulo ang mga luha niya at niyakap ako

"NASAAN ANG ANAK KO ACE!!" ayaw niya sumagot kaya naman pinagtatanggal ko lahat ng nakakabit sa akin at tumayo ako pero agad akong pinigilan ni Ace

"NASAN SI AZIZ!!!" umiiyak ako at hindi ko na alam ang gagawin ko
"Wala na siya, hindi ko alam kung sino pipiliin ko!" sinuntok-suntok ko ang dibdib niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko

napag-alaman ko na ang dumating palang wine ay hindi galing sa states at may halo itong pampalaglag
Ilang araw akong nagkulong at hindi kumakain, kahit sa libing ay hindi ako pumunta napakasakit lang kasi dahil nawala ang anak ko, anak namin ni Ace dahil sa kapabayaan ko. Alam kong matatanggap ko rin ito, hindi ngayon pero alam kong matataganggap ko sa paglipas ng panahon.

Bachelor's Tuxedo [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon