bumalik sa normal ang buhay ko, pumasok ako sa school at winelcome naman ako ng mga kaibigan
"Sino ba si Ace friend?! bat hinahanap ko siya kaloka na-coma ka na nga nakuha mo pang maglandi" tumingin ako kay dana ng masama
"Actually hindi ko rin alam kung ano nangyari sakin eh" nagkatinginan sila at hinila ako palabas ng school
"May kakilala ako baka maipaliwanag niya sayo" dinala niya ako sa isang lumang bahay, kung tutuusin nakakatakot talaga eh kaso kailangan ko malaman ang totoo
"Tuloy kayo" sabi ng matandang sumalubong samin, natakot pa nga kami e muntik na akong tumakbo palabas
umupo kami at tiningnan niya ako"Ikaw ang may kailangan" napa wow ako kasi alam niya
"Opo" kinuha niya ang kamay ko
"May nagkagusto sayo, Ace ang pangalan" tumango ako at nangilabot
"Nagpaalam siya sayo dahil babalik na siya sa katawang lupa niya, pareho kayong naging kaluluwang ligaw ang pinagkaiba niyo lang ay alam niya na mawawala siya pero hindi ka niya maalala at ikaw naman hindi mo alam ang nangyayari kaya maalala mo siya" napanganga ako at natulala
"Nagkataon lang na nagsalubong kayong dalawa"
"Paan--"
"Nagkagusto siya sa kakambal mo pero ikaw ang nakasama ng kaluluwa niya kaya ikaw ang minahal niya kaya pinilit niyang mabuhay para mahanap niyo ang isat-isa" hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatakot wala akong alam dahil blangko ang utak ko
Umuwi ako nang umiiyak pero lumuwag ang kalooban ko dahil nalaman ko ang totoo
pagkapasok ko palang ay nakita ko na si Sophia"Nagising na pala si Al ma"
napalingon ako sa kanya
"Yung manliligaw mo?" tumango siya at may pinakitang picture kay mama pero hindi ko na tiningnan kaya dumirecho na ako sa kwarto ko
pumasok ako kinabukasan na maga-maga ang mata"Drama mo naman besh, magkikita pa kayo ng Ace mo kaloka ka" wala ako sa mood makipag-usap sa kanila at sakto namang nanjan na ang professor
"Okay, since nalate ka na Ms. Paranya kailangan mo mag OJT for 300 hours" may binigay siyang papel sa akin
"Alas Publishing and News Central?" tumango ang prof ko
"Buti nalang kailangan nila ng katulong ngayon dahil kababalik lang ng boss nila" parang pamilyar yung pangalan ng company na to
"Okay po ma'am thank you po" kinuha ko ang contact number at tinawagan ito
"Dali! nagriring na!" inabot sakin ni ally ang cellphone niya at kinuha ko naman
"Hello, goodafternoon po maga-apply po ako for OJT"
"ughh. fuck" napatingin ako sa cellphone at chineck ang number tama naman
"Hello?"
"Come to my office tommorrow dont disturb me again" binaba niya ang phone
"Ano sabi?!" tumingin silang lahat sakin"Umuungol siya bakit ganun?!" natawa silang lahat at hanggang sa pag-uwi inaasar nila ako
"Ayan kagagaling mo lang sa coma kung ano-ano na iniisip mo" tumatawa sila habang naglalakad kami pauwi
BINABASA MO ANG
Bachelor's Tuxedo [SPG]
Romance"Gentleman by day, Philospher by night, Pervert by choice rebel by faith"- Ace Cordova "I loved three things-- a joke, a glass of wine, and a classy man" -Ivy Paranya