FIVE Already Dead?

54 2 0
                                    

I opened my eyes and stand all alone. I hear the sound of the ambulance and the noise of some people. I checked my body if I have wounds or fractures but I have none. I was shocked, how that happen? When the car bangs in my body, the pain can make me die. But how could it be, that I'm still alive?

I was attacked by joy that I'm still alive, it faded when I scan my surroundings.

"Check her pulse!" I saw my body lying in a stretcher lifelessly. I have many wounds as I notice, and therefore some fractures. Am I dead? But, I think I'm not. My senses are still working, but is this my soul? My soul got out of my body? It's impossible.

I can feel the raindrops in my body, how come that I'm still alive? I see some black masked men currently get out of their luxurious black cars. I run as fast as I can to a nearest huge old tree.

"Geunyeoleul bohohabnida. Byeong-won naebu dong-an geunyeoui talchul-eul haja haji masibsio." (Translation: Guard her. Don't let her escape during inside the hospital.)

I hear his cold voice. The same voice ng lalaking tumatawag sa akin ng Venus. Nakakakilabot ang dala sa mga balahibo ko, kahit napakatapang mong tao. Kikilabutan ka pa din kahit anong gawin mo.

Sumilip ako ng kaonti at nakitang may kausap sya sa telepono. Takip na takip ang mukha nya dahil sa mahaba nyang buhok, natatakpan ang mga mata nya. Natatakpan ang kanyang bibig dahil sa mask. Wala akong naiintindihan sa pinagsasabi nila dahil korean ang gamit nilang lenggwahe.

Hindi ako umaalis sa aking pwesto habang inaantay sila na umalis kasama ang ambulansya na naglalaman ng katawan ko. Nalilito ako sa mga nangyayari? Paanong naging dalawa ang katawan ko? Kakaiba sa aking mga karanasan.

Naglakad lakad ako kahit hating gabi na sa kalsada, walang katao tao ni kubo wala kang maaninag. Tanging tunog ng mga insekto ang iyong maririnig at hampas ng mga sanga ng puno dahil sa lakas ng hangin. Napakalamig ng paligid, pero hindi naman ako giniginaw.

Parang napakabilis ko yatang maglakad at napapunta ako sa isang bayan.

"Iha anong nangyari sa iyo?" Nagtatakang tanong ng isang ale at tarantang ibinaba ang dala nyang bayong na mukhang naglalaman ng mga gulay.

"Naliligaw ho ako ale, saan po papuntang San Pablo?" Nanlaki ang kanyang mga mata na parang nakakita ng multo.

"San Pablo iha? Napakalayo ng iyong pinanggalingan, ika'y nasa Sta. Rosa ngayon. Napakalayo ng iyong lalakbayin, mas maganda kung ika'y manatili muna sa akin pansamantala." Ani nya. Igagaya nya sana ako papunta sa kanyang tinutuluyan ng may nararamdaman akong kakaiba kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ah ale, saan po ba may cr? Ihing ihi na po kasi ako."

"Ah ganun ba? Ayun ang pinakamalapit na cr dito." Sabay turo nya sa isang public comfort room. Habang naglalakad ako papunta doon ay sumusunod sya sa aking likuran. Mukha namang mabait si ate kaya hinayaan ko nalang. Pagkapasok ko palang sa loob ay nilock ko na agad ang pinto at tinignan ang paligid.

Nakakita ako ng bintana kaya nagmamadali ko itong binuksan. Tumingin ako sa baba, isang dagat ang sasalo sa akin pag ako'y tumalon.

Bumalik ako sa pinto at idinikit ang tenga ko. Pinapakainggan ko dahil mukhang may kausap si manang.

"Is she inside?"

"Good." Mabilis pa sa alas kwatro na lumapit ako sa bintana. Kinakalabog na nila ang pinto para mabuksan ito.

"Gotcha." Narinig kong nagclick na ang pinto kaya hindi na ako nagdalawang isip pa. Na tumalon sa napakalalim na dagat, napakalamig ng temperatura nito.

In just a second my body splashed on the cold water. The rain is still pouring heavily, hindi ako makaahon dahil malakas ang alon. This is a very long journey for me.

I can't breathe, the darkness is eating my body. I closed my eyes and see bodies that is pure of fresh bloods.

"Venus."

---

Pag dilat palang ng mata ko ay napaubo na ako. Lumabas ang tubig sa bibig at ilong ko, my body is all wet. The clouds are still dark, the whole place is dark.

Lumingon lingon ako sa paligid at nakita kong malapit lang ako sa isang highway. Napangiwi ako sa amoy dahil nakakasuka ito. Tinakpan ko ang aking bibig at ilong para maiwasan na mapasuka.

Dahan dahan akong umahon sa mababaw na tubig at hinanap kung saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon. Habang palapit ng palapit ako sa isang malaking trunk ng puno na nakaharang na sa halos kalahati ng highway.

Hindi ko na nakaya ang amoy at napasuka ako sa isang tabi.

Nakakadiri at nakakatakot ang itsura ng bangkay ng isang lalaki. Nangingitim na ang buong katawan pero hindi inuuod. Malayo ang pwesto nya sa akin kaya siguradong pag mas lumapit pa ako sa kanya ay siguradong mas mabaho na ang bangkay niya.

Gumalaw ang mga paa nya kaya nagitla ako sa kinakatayuan ko. Pag baling ko ng tingin ko sa kanya ay nandiri ako lalo. Naglabasan ang mga maiitim na ugat at ang balat nya na maitim kanina ay maputi na. Para syang zombie pero parang hindi.

Wala naman syang kagat sa kahit anong parte ng kanyang katawan. Pero ng mapadaan ang mata ko sa batok nya may dalawang tuldok na mapulang mapula.

Napatigil ako sa pagsusuri sa kanya ng makita kong nakatitig sya sa akin. Ang buong mata nya ay kulay itim at isang puting bilog ang nasa gitna.

Naglabasan ang kanyang dalawang mapuputing pangil sa bibig.

Isa lang ang maiisip ko, isa syang bampira?

RUN (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon