SIX Aqua the janitress

66 3 0
                                    

Akala ko ay sa akin ito nakatitig, ng biglang may kinakain sya sa kamay nya. Puso ito ng tao, nanlaki ang mata ko.

Dahan dahan akong umakyat ng puno, buti nalang at makakapal ang mga dahon nito. Kakaibang nilalang ang nakikita ng mga mata ko. Hindi sya mukhang zombie or aswang. Pero nakakapagtaka dahil sa unang mapapansin mo ay isa syang zombie dahil nangingitim ang buo ngang kalanman.

Pero pag kadaan ng ilang minuto ay puputi ang kanyang balat at nangingitim ang kanilang ugat.

Napansin kong may tali ang puno kaya isinama ko ang katawan ko sa pagtali sa puno para hindi ako mahulog. Dito muna ako magpapalipas ng magdamag.

----

Nagising ako dahil sa mga tunog ng mga makina ng sasakyan. At tunog ng mga wangwang, kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at tumingin sa buong paligid.

Ay ano ba yan! Puro dahon lang ang nakikita ko! Sumandal muli ako sa matigas na kahoy na kinahihigaan ko at ipinikit muli ang aking dalawang mata.

Napabalikwas ang katawan ko dahil naalala kong nasa itaas nga pala ako ng puno. Putang ina! Buti at hindi pala ako nahulog! Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. Maingat kong tinanggal ang sarili ko sa pagkakatali sa puno. At walang prenong bumaba sa damuhan.

Strong winds welcomed me. It's very cold, Christmas is soon right? I sighed, where are they? My three siblings? All alone in this dark world. Hungry, thirsty, I hope their fine.

Rescuers caught my attention. May daladala silang bodybag at takip na takip ang mukha nila ng mga masks. Napatakip ako ng ilong ko sa baho ng amoy, masusuka ka pag wala kang pantakip ng ilong at bibig.

"Help!" I shouted. Pero pagtitig palang nila sa akin ay napansin ko ang kakaibang tatak sa kaliwang dibdib ng soot nilang damit. Alegria Mafia. I was about to run, pero nandilim na ang paningin ko at nakaramdam ng hapdi sa batok ko.

---

Nagising ako ng makarinig ng mga hiyaw. Hiyaw na parang hihilahin ka papalubog ng lupa. Hinanap ko ang mga hiyaw para sila'y aking matulungan. Lumingon lingon ako sa paligid at wala akong nakita. Napadpad ako sa mga libingan ng mga patay, dikit dikit ang mga nakalibing na mga patay.

Naririnig ko pa din ang mga hiyaw, naririndi na ang dalawa kong tenga. Naglabasan ang di ko malamang nilalalang galing sa ilalim ng lupa. Sinisigaw nila ang pangalan ko.

"Aqua!" Pagtawag nila ng paulit ulit. Tinakpan ko ang tenga ko at nanakbo papalayo. Gumagapang ang mga naagnas nilang kamay sa aking mga paa. Hindi ako makatakbo dahil lumulubog na ang mga paa ko sa lupa.

"Tulong!" Naiiyak kong sigaw at natataranta na dahil paunti unting kinakain ng lupa ang kalahati ng katawan ko.

"Tulong!" Muli kong hiyaw. Unti unti akong kinakain ng lupa at sinama ng mga bangkay na naagnas na.

"Tulong!" Napaupo ako sa pagkakatulog at pinagpag ang buong katawan ko sa takot. My whole body is covered with sweats and my breath is getting heavily. Mahigit ilang minuto bago ako kumalma, nagtaka ako kung nasaan ako.

Nasa isa ako sa mga rest house ni daddy, at napansin kong ito ang binili nyang condo na iniregalo nya sa akin. Papaano ako napapunta dito? Tsaka? Napapikit ako sa hapdi ng batok ko. Basta ang importante ay ligtas ako, hindi ko nalang iisipin kung paano ako napapunta dito.

Kinapa ko ang side table at hinalungkat ang mga laman nito. Nakakapa ako ng isang parang malapad na notebook at malamig. Inilabas ko ito, yung cellphone ko. Dito ako naglagi bago ianunsyo kay Anagram na bibitaw na ako sa pwesto. Kaya malamang at dito ko naiwan ang cellphone ko.

Binuksan ko ito at nakitang may charge pa ng 89%. Inilagay ko ito sa bulsa ng soot kong short. Tumayo ako at binuksan ang bintana. Kakasikat palang ng araw, anong araw ba ngayon? Tinignan ko ang kalendaryo sa telepono ko. July 28 palang ang araw ngayon, kailangan kong maghanap ng mapapagtrabahuan.

Naligo na ako at nagayos ng sarili. Tirik na tirik ang araw paglabas ko ng naglalakihang building ng condo. Saan ako magsisimula? Nakakita ako ng nagtitinda ng dyaryo kaya lumapit ako dito.

"Bata pabili nga." Naglalaro sya sa tablet nya at hindi ako pinansin.

"Pabili!" Sigaw ko. Napabalikwas sa sa pagkakaupo at inis na tumingin sa akin.

"Ano ba bibilin mo?" Halos pagalit nyang sabi. Aba itong batang to ah!

"Pabiling Dietabs! Nakikita mo namang dyaryo ang ibinebenta mo ah!?" Di ako nakapagtimping sumigaw sya. Napakamot nalang sya sa ulo at kumuha ng isang dyaryo. Inabot nya sa akin ang dyaryo kaya kinuha ko ito.

"Magkano?" Tanong ko, hindi sya agad nakasagot dahil biglang may pumingot ng tenga nya.

"Hoy bata ka! Bakit ka nagbebenta dyan!? Hala sige! Uwi!" Napailing nalang ako at binasa ang mga laman ng dyaryo. Nakita ko ang mga laman ng job hiring, halos naglalakihang kumpanya ang nangangailangan. Part time job lang ang kailangan ko, pambili lang ng mga gagamitin sa araw araw.

Isang mababang posisyon nalang ang pinili ko. Kaya tinignan ko ang address nito at nakitang sa isang sikat na mall ako magtratrabaho. MOA, ayun doon ako magtratrabaho! Mga ilang kembot lang yun simula dito.

Sumakay agad ako sa isang jeep at nagbayad na. Kinuting ting ko muna ang dyaryo habang hindi pa ako nakakarating. Muntikan na akong mapalayo ng bigla akong sumigaw.

"Babye po!"

---

"Ikaw, magjajanitress?" Takang tanong sa akin ng babaeng manager. Napatungo ako at nagsalita muli.

"Ano ho bang masama?" Napailing nalang sya at nagsimula muling magsulat.

"Sige, tanggap ka na. Ang sahod mo ay kada araw, 250 yun." Tumango nalang ako bilang tugon dahil inaayos ko pa ang mga papeles ko.

"Sige ho salamat ho." Tumalikod na ako at binuksan ang pintuan.

"Teka lang." Napatigil ako at muling lumingon sa kanya.

"Bukas ka magsisimula." Hindi na ako sumagot at tumalikod na sa kanya. Nakakahiya talaga kanina sa jeep! Imbis na para po ang masabi ko, babye po! Pinagtawanan tuloy ako ng mga pasahero.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RUN (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon