"Anagram, gusto ko ng bumitaw sa pwesto." Napatigil sya sa pagsusulat, tinanggal ang eyeglasses. Kumunot ang noo nya at nagulat sa sadya ko sa kanya.
"Aqua, nakapasok ka na. Napagtagumpayan na maging leader ng Anaconda. Anong sasabihin ng nakakataas na Mafia na bumitaw ang pinakamagaling na gangster underlings nila? Konting konti na nga lang makakapasok ka na sa Mafia." The old man stated. I sighed heavily, I can't take the risk na madamay ang pamilya ko. Never.
"Anagram, hayaan nyo na ako.'' Umiling iling pa sya sa mga sinabi ko. Alam ko namang once I get inside the world of gangsters mahihirapan na akong lumabas, paano pa kaya kung pumasok pa ako sa mas nakakataas? Ang mundo ng Mafia, paniguradong lulusot ako sa isang maliit na butas at matutusok ng napakadaming karayom.
"Pumapayag na ako." Nawalan ako ng tinik sa lalamunan sa sinabi nya.
"Pero may kapalit yan." Namawis ang kamay ko sa dinugtong nya, knowing that old man. Lahat ng bagay may kapalit, pag malaki malaki din ang magiging kapalit pag maliit maliit din.
"Lalaban ka sa susunod na gang war." Mas kinabahan ako, dahil may posibilidad na mamatay ako doon. Elimination iyon or death game.
"Maari ka ng makalabas." Tumayo na ako at nagbow. Tunalikod na ako sa kanya at naglakad papalabas.
"Wag na wag mong kakalimutan to Aqua. Hindi ka pa malaya pag bumaba ka sa pagiging leader ng Anaconda, mamari kang huntingin ng mga Algeria." Pagkalabas ko ng pinto ay namutla na ako sa kaba. Ang mga Algeria, sila ang namumuno ng Mafia at kaming mga gangster ay isa nilang underlings.
Ang mga Algeria ay ang mga pinunong mahilig makipaglaro ng taguan sa kaaway. Pakonti konti ka nilang hahabulin hanggang sa mahulog ka sa sarili mong butas. Wala silang sinasanto, at isa silang mga demonyo.
Isa lang akong leader ng magagaling na gangsters ang Anaconda, kaya bakit nila ako huhuntingin? Nagserbisyo ako sa kanila ng maayos, hindi ako sumaliwa sa kanila. Mas kinabahan pa ako dahil wala pang nakakakita sa mukha nila, maaring papalapit sila sa akin.
Pagkadating ko sa bahay ay wala pa ang mga kamag anak ko, nagtungo ako sa malaking lawn at humiga sa damuhan. Napaka ganda ng langit ngayon, I hope na malalampasan ko din itong problema ko. May biglang humarang sa mukha ko na isang papel.
Epilogue in Manila
07/30/16
Buy your tickets nowSunod kong tinignan ang pangalawang page.
Exo in Manila
07/30/16
Buy your tickets nowI crumpled the paper at itinapon sa tabi. Walang kwentang papel, ano itutulong ng mga koreanong yon sa problema ko? Mahilig lang naman sila mag make up na parang babae. Tas sasayaw at kakanta pa. Sus.
"Ate!" Halos mabingi ako ng magsigawan ang tatlo kong nakababatang kapatid at niyakap ako ng mahigpit.
"Fire! Ice! L!" Sigaw ni mom.
"Hindi na makahinga ang ate nyo." Tumawa silang apat bukod sa akin, napangiti lang ako ng kaonti.
"Kamusta ang outing nyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo.
"Ate pinagtulungan ako ni kuya Ice at L." Pagsusumbong ni Fire, sinundot ko ang tagiliran nya dahil sa sumbong nya.
"Fire 16 ka na, you're acting like a kid!" Ice shouted, pinigilan kong tumawa sa sinigaw ni Ice. Tumawa naman ang kakambal ni Ice na si L, piningot ko ang tenga nilang dalawa dahil mukang sasakit ang tenga ko dahil sa kanilang dalawa.
Dahil pag di ko sila pinatahimik malamang magaaway nanaman silang tatlo at maririndi ako sa lakas ng boses ni Fire.
"Aray, aray ate." Sabay nilang sagot. Tinigilan ko ang pagpingot sa tenga nila at binigyan ng tig isang batok.
"Isang taon lang tanda ko sainyo, makaate kayo gago." Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa inasta ng kambal. Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay, nadatnan ko sila lolo't lola, ang mga pinsan ko, ang mga tyuhin at tyahin, at ang kapatid ko na nakain sa malaking lamesa.
"Kayong tatlo nalang ang hinihintay, Aqua kain na." Pag yaya ni mom, naupo na ako sa isang bakanteng upuan at nagsimulang kumain. Ganun din ang ginawa ng kambal, si Dad ayun laging hawak ang phone dahil sa business. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko ang caller ID at nakitang tumatawag si Zeus, tumayo ako sa upuan.
"Excuse me." Naglakad ako papalabas ng bahay at pinindot ang answer.
"Aqua." Napakalamig ng boses nya. Masamang balita pag tumawag si Zeus.
"The high council have heard the news that you are leaving the gang of Anaconda." Napasuklay ako sa buhok ko sa kaba.
"Be ready for what will happen." Namatay ang tawag, si Zeus mahilig magbigay yan ng babala. Nakita ko na sya pero may maskara ang mukha, isa syang Mafia Reaper ang tagapagbantay ng mga Algeria.
Magsalita sya ay may tono ng pagiging koreano, hindi marunong magtagalog at kaunting ingles lamang ang nalalaman. Kinakabahan ako sa maaring mangyari bukas, masisilayan ko pa kaya pagkatapos ng labang iyon ang araw?
----
Credits to chaelincl_21 sa cover.
BINABASA MO ANG
RUN (ON HOLD)
AksiAqua is not your typical girl. Walang gustong marating sa buhay, at dating leader ng Anaconda. Umalis sya sa pwesto dahil sa mga pangyayaring di nya matanggap. Dahil doon nawala ang lahat sa kanya, walang natira ni piso. Ng nagtagpo ang landas ng d...