Number Four

204 3 8
                                    

Tricia's POV

"Patricia, pa'no kung hindi matagumapy gagawin ng kuya mo?"

"Don't worry Pril, magaling 'yun si kuya. He can do whatever he wants or desires. Kumain ka na lang diyan. Okay?" Nginitian ko si Pril at parehas kaming kumain na ulit.

Kilala niyo na siguro ako 'di ba? Ako si Tricia. Patricia Denise Hernandez. Alam niyo namang kapatid ko si Ace Hernandez 'di ba? I mean, STEP brother. But, not really. 'Yun kasi 'yung sinabi sakanya ni papa dati nung magkita kita kaming lahat. Saktong araw ng aksidente na ikinamatay nila. 'Yun din 'yung akala ko dati pero... hindi pala.

Oo, second si mama. Hindi siya 'yung asawa ni papa. Masakit man sabihin at isipin pero 'yun 'yung totoo. Nag-karoon sila ng affair dahil sa isang accident. Noong oras na mamamatay na daw 'yung nanay ni papa, andun din si mama. Si mama naman daw, isinugod 'yung kapatid niya dahil na-aksidente. At doon na nagsimula ang lahat.

Matagal din silang nagsama. Lagpas ng 3 taon. At oo, ganun katagal nila tinago ang relationship nila. Pero isang araw, hindi inaasahang malasing si mama sa isang party at nangyari ang hindi dapat mangyari. Nabuntis si mama sa lalaking hindi niya kilala. At ako, 'yung pinagbubuntis niya.

Buong akala ni papa, anak niya 'ko pero, hinayaan lang 'yun ni mama. Hindi niya sinabi. Kahit nung araw na 'yun, hindi. I remember that day in a flash inside my head. Hindi na kaya ni papa, nako-konsensiya na siya. Nagharap harap si mama, ang mama ni kuya at si papa. Sinabi sakanya ni papa na magkapatid kami at 'yun din naman ang alam ko. Pero biglang kinausap ako ni mama, sinabi niya 'yung totoo. I didn't say a single word to anybody kasi ang sabi ni mama, secret lang daw 'yun. Tinanggap namin ang isa't isa dahil wala na namang magagawa. Ihahatid kami sa bahay noon pero gusto ko pa ng ice cream. Kaya pinasama sa'kin si kuya at bumili kami. Naiwan silang tatlo sa car ni papa. Noong pabalik na kami, biglang may apoy 'yung kotse. Madaming tao. Umiiyak ako. Umiiyak din si kuya. Alam na namin ang nangyari at wala kaming nagawa.

"Huy. Ano ba 'yan. Kumain ka na. Kahit walang paa 'yung orasan tumatakbo 'yan 'no." Sinita na 'ko ni Pril. Nakatulala na pala 'ko.

"Wala 'to. Ikaw naman." Natawa na lang ako bigla tapos kumain na ulit.

"Pattyyyyyy! Lunch?"

Tumingin ako sa nagsalita na 'yun at... Hay nako. Si Marvin. Pfft. Hanggang kelan ba mangungulit 'to? Sabi naman kasing ayoko sakanya eh. Pilit pang lumalapit sa'kin. =________=

"Marvin, 'di ba sabi ko naman sa'yo tama na?"

"Pero hindi ako titigil hanggang hindi mo 'ko nagugustuhan."

"Marvin 'wag mong saktan ang sarili mo. Don't you think you've done enough? You don't deserve someone like me."

"Bigyan mo na kasi ako ng chance, please?"

"Lalo ka lang masasaktan. Okay? Sige na, tama na Marvin. Ikain mo na lang 'yan."

Umalis siya ng nakayuko. I feel so bad. But if I tell him I love him, that wouldn't make me any less bad. I would feel worse. Mas mabuti niyang alam niya 'yung totoo 'di ba? I've been loving someone secretly.

"Bakit mo naman tinaboy 'yung tao? Ang tagal na niyang nanliligaw sa'yo ah? Alam mo, kung ako sa'yo, sasagutin ko na 'yun."

"Hindi ko naman mahal 'yun eh. Ni hindi ko nga siya gusto eh."

"Gwapo naman siya. Matalino. Matangkad. Mayaman. Ano pa ba hinahanap mo?"

"'Yung meron 'yung lalaking mahal ko."

Ace Hernandez: The Christmas Heart breaker [SHORT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon