Seducing Stolen Moments - 8

71 14 7
                                    

-----*

"Mama! Gising na daw po sabi ni Papa breakfast is ready!"gising ng mga anak ko sakin habang niyuyugyog ako para tuluyang magising.

Napabalikwas ako ng mga realized kong si Arthur nag handa ng umagahan.
PATAY mukang tinanghali ako ng gising.

"Goodmorning Mama!Tara na po kain na tayo,naghihintay na si Papa"Pangungulit ng mga anak ko

"Eto na nga po"inakay ko sila papunta sa kitchen

"Goodmorning Mahal breakfast?"sabi nya habang ngiting ngiti ,proud na proud sya sa ginawa nya.

Kahit naman ako nagulat sa ginawa nya.Ngayun lang kasi nya ulit ginawa sakin ito.Yung Last time is yung bagong kasal palang kami.Nakakatuwa lang ang saya ko simula pa kagabi na dumating sya.

"Anu tatayo ka nalang ba dyan?Haha"

Lumapit sya at inalalayan ako sa lamesa at pinaupo na sa pwesto ko ,pumwesto na rin sila ng mga anak ko.

"Anung nakain mo at ikaw ang nagluto ng umagahan natin?"Tanong ko haha,kasi naman sobrang nakakgulat lang.

"Bakit masama bang pagsilbihan ko yung Mahal ko paminsan minsan?Besides dont ask me kung anu kinain ko kagabi alam mo naman kung sino este ano."sabay smirk sakin

Namula ko bigla para kaming bagong kasal ,nakakamiss lang yung ganto.
Hinawakan ko yung kamay nya .

"Thank you Mahal ko "i smile

"Iloveyou so much"Dagdag ko pa

Tumango sya at hinalikan yung kamay ko.

"Kain na tayo "at yun na nga kumain na kami ng sabay sabay ,ang saya ko talaga.

-----*

ANDY'S POV

"Nay!Alis na po ako"pagpapaalam ko kay Nanay,pinapagrocery nya kasi ako.

"O sige anak pakibilisan lang at madami tayong customer"

"Opo Nay"

Umalis na ko para mamalengke, hays paulit ulit lang yung ginagawa ko ng mga nakaraang araw.

Pagkagising ko sa umaga,pupunta na kong canteen at maglilinis,magluluto,
maggrogrocery at tutulong kay Nanay.
Araw araw ganun ginagawa ko,parang nakakaboring na.

*beep beep*

Ohh?May nagtext?Dali dali ko kinuha yung cellphone sa bulsa ko para tignan kung sino yung nag message and guest who? Si Kuya Arthur.

Matagal tagal narin simula ng umuwi sya sa kanila.
Siguro may isang linggo narin.
Bakit kaya naisipan nya ko itext.

"Hey!Musta na dyan?"-Mokong

Abat anu meron bakit nangangamusta sya?Baka naman pabalik na sya dito.

"Ayus lang,Himala na ngamusta ka?Pabalik ka na ba dito?"-Ako

Reply ko sa kanya,tutuk na tutok yung mata ko sa screen phone ko kahit umaalog sa tricycle waiting him to reply again.

"Wala lang masama ba kamustahin ka?Saka wala dito asawa ko kaya nakakapagtext ako haha :)"-Mokong

E?So takas lang yang pagtetext nya.
Grabe naman takot na takot sa asawa.

"Ganun?Bakit naman? Anung masama sa pagtetext sa ibang tao? Katakot naman pala?"-Ako

Nagreply naman agad sya.

"Gaga!Syempre maghihinala satin yun!Baka di na ko pabalikin sa trabaho sakali"-Mokong

Ha?Maghihinala para saan? Hala daig pa namin may tinatago bigla ah!Loko talaga to.

"Maghihinala?Walang tayo. Saka walang meron satin at isa pa hindi mo kaylangan kamustahin ako!"

Nakakainis lang kasi,parang kung anu anu yung iniisip nya samin dalawa.

*beep beep*

Nagtext ulit sya pero di ko na binasa at tinabi ko na sa bulsa ko yung cellphone,saka nasa palengke na ko.Mas magandang di ko nalang sya pansinin.

After ko mapamili lahat ng pinapabili ni Nanay.
Umuwi nako agad para naman may katulong si Nanay sakaling maraming customer.

----*

*Riiiiiinnnnngggg Riiiiiiiinnnnng*

Napabalikwas ako ng marining kong may tumutunog at nagvivibrate sa bulsa ko.
Pagtingin ko sa cellphone ko si Kuya Arthur nanaman!Anu bang problema nito bakit kinukulit ako?!
Di ko sana sasagutin kaso si Nanay , baka marinig nya na may tumatawag at tanungin kung sino.

I swipe the answer call

"Hello?"-Ako

"Ohh hello!Di mo kasi sinasagot text ko kaya tumawag na ko"-Mokong

"E bakit ba? Anu ba kailangan mo?"-Ako

"Bakit ba ang sungit mo nanaman sakin?Tignan mo todo takas pa ko sa asawa ko para lang kamustahin ka"-Mokong

"Sino ba kasi nagsabing kamustahin mo ko?Saka bakit sinisekreto mo sa Asawa mo yung mga kinakamusta mong tao?Daig mo pa nambababae sa lagay mong yan!"-Ako

"Hindi ah! Selosa lang talaga asawa ko kaya di ko maiwasang mag sikreto ,yun lang yon "-Mokong

"A basta ! Busy rin akong tao kaya pwede ba wag ka basta basta tumatawag sakin?Baka si Nanay pa makasagot ng tawag mo at kung anu pa isipin."-Ako

"E di nag tatago ka rin haha!" sabi nya ,nakarinig ako ng mahinang tawa sa linya .

"Hin--"

Naputol yung sasabihin ko ng may nagsalita sa kabilang linya .

"Sino yang kausap mo Mahal?" dinig kong sabi nung babae sa kabilang linya

"Ah wala , Yung driver ko to tinanung ko lang kung may byahe na ulit kami .
Hello?O sige po salamat nalang kuya text mo nalang ho ako pag meron na salamat Bye"-Mokong

*Toot toot toot*

Pinatay nya na.Malamang asawa nya yun,Takot na takot e at kelan pa ko naging driver? Hinayaan ko nalang at tinuloy ang pagtulog ko .

ARTHUR'S POV

---*

"O kala ko hapon pa kayo uuwi?"Ako

Bigla kasi syang dumating habang kausap ko si Andy .
Nagulat tuloy ako at binabaan ng telepono yung isa ,for sure narinig nya rin na tinawag ko syang driver ko .
Ugh!Sira ka talaga Arthur!

"E kasi wala ka kasama dito.Minsan ka na nga lang nandito tapos iwanan ka pa namin ,so we decided to stay here nalang.Bakit ayaw mo ba narito kami?"-Sya

Pagpapaliwanag nya .
Yan na naghinala na,Tatanong tanong pa kasi ko e.
Tumayo na ko at lumapit sa kanya

"Okey tara nga dito .Tinanung ko lang naman kasi diba nagpaalam ka na pupunta kayo kila Inang?Sige na manuod nalang tayo ng Tv "-Ako

Panlalambing ko sa kanya ,napakaselosa kasi talaga nitong si Kristine.
Siguro dahil narin sa pagmamahal nya sakin.

Bakit kasi kahit nandito nako sa pamilya ko di ko parin matiis na isipin si Andy.
Baka paghinalaan na ko ng asawa ko kakatext at tawag sa kanya.
Sana lang tawagan na talaga ko ng driver ko para naman makita ko na ulit sya.

Seducing Stolen MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon