----*
Di ko talaga maiwasang titigan si Andy, kayputi at kayganda talaga ng batang iyon !Kaya hindi ko maiwasang matulala at tanawin ito sa malayo .Oo na manyak na ko sa paningin nyo,pero kasi kahit sinong lalake mapapalingon talaga sa kanya.
Nandito ako ngayun malapit sa kanila,nagsabit ako ng duyan dito sa puno para magpahangin muna.Kababalik ko lang kasi may work na ulit ako.
Nakita ko na ulit si Andy pabalik sa canteen nila ,muka kasing may kinuha kung saan.
Subukan ko nga itext sya ,Tignan ko lang kung magrereply may one week narin simula nung huli ko syang kinamusta ,at ang pangit pa ng naging ending.
"Ineng musta na dyan?"
Kahit ang gusto ko itype is kung musta na sya at kung kilala nya pa ba ko.
Naramdaman nya ata na may nagtext sa kanya kaya tinignan nya yung phone nya.As in tinignan lang!Period!
Nakita ko pa itong sumimangot bago nya itabi yung cellphone.
Grabe naman sya sa isnob sakin ,isip isip ko nalang.Siguradong hindi pa nito alam na nandito na ako.Napatingala ako sa langit , sadyang napakaganda pala talaga titigan ito kulay asul at napakalawak , nakakagaan ng loob .
Saglit akong napapikit ,biglang sumagi sa isip ko ang batang si Andy.
Sadyang napakasungit nya at tila ba isang tigre na napakahirap paamuhin .Para bang hindi tumatalab sa kanya ang kagwapuhan ko. HAHAHA
Nahinto ako sa pagmu munimuni ng naramdaman kong may papalapit sa akin.
"O Arthur ,tara muna sa baba at kumain .Alam kong di ka kumakain ."
Yung driver ko pala akala ko si Andy na, ASA pa more .
"Sige ho , sunod nalang ako."
"Sige ha , sumunod kana agad at ng hindi lumamig ang pagkain"
Tumalikod na ito at bumaba na sa canteen ,sumunod narin ako tulad ng bilin nya sakin.Sayang nga naman at baka lumamig ang pagkain.
Sa Canteen
"Hi Mother musta na ho?"
Bungad ko sa Nanay ni Andy ng pagkapasok na pagkapasok ko ng canteen.
"O long time no see , tagal mong walang trabaho a"
Ngumiti ito sakin saka tinapik pa sa braso ,buti pa ang Nanay ni Andy mabaet .
Napatingin ako kay Andy ,nakasibangot at di na naman nya ko pinapansin .Saan ba pinaglihi ang batang ito sa sama ng loob?
Natawa ako ng palihim sa naisip ko .
"Ineng baka pwede naman makiabot ng inyong pala at asarol"-Ako
"Sa likod nakalagay yun, kunin mo kung gusto mo"-Sya ni wala man lang sulyap sakin
Bahagya naman ako napasibangot,pinipilosopo nya ba ko o sadyang slow lang tong batang to?
"Di nga?Seryoso ka ba Andy?"-Ako
Humarap sya sakin ng naka kunot na ang noo .
"Yung alin ba?Yung Pala at asarol?Nasalikod nga .Kunin mo nalang,gusto mo ako pa kumuha?"-Sya
Napapadyak ako sa kaengotan nitong si Andy .
"Ang pala at asarol means spoon and Fork.Gets?Kakain kami hindi magcoconstruction haysss."-Ako
"E sasabihin mo lang kasi kutsyarat tinidor dami mo pa sinasabi!"-Sya
"Slow ka kasi"Bulong ko
"Anu kamo?May binubulong ka?"-Sya
"Wala kako ,panu nakasibangot ka kaya patatawanin sana kita kasu waley!Dyan kana nga!"-Ako
Iniwan ko na sya sa kusina at nagumpisang kumain.
ANDY'S POV
May Pa Palat asarol pa kasing nalalaman,hindi naman nakakatawa.
Nakakatanga Haha!Sinilip ko sya sa labas habang kumakain.
Napansin kong tila tumaba yung mukha nya pati narin katawan.
Halatang naalagaan ng husto sa kanila."Uy!Sino sinisilip mo dyan ha!-si Ate Jona habang papalapit sakin
"Sssshhh!Wag ka maingay "-Ako
"At bakit? Sino ba kasi yan?-Ate Jona
Sinilip nya na si Arthur kaya hinitak ko sya agad,baka kasi makita sya at mapansin,madamay pa ko.
"Hala!Ikaw ha!"Naningkit yung mga mata nya na para bang may kasalanan akong ginawa
"O?Bakit?"maang maangan ko naman
"Bakit mo sinisilip silip si Arthur?Sinisilayan mo sya ng palihim,tama ba ako?"
"Hindi!I've been just watching him,baka kasi tumakas?Oo!May utang pa kasi samin yan.Hehe."
"Sus!Nako Andy ha!Hindi ka magaling magsinungaling,itigil mo na yan, lagot ka kay tita pag nakita ka riyan."
"Anu kaba!Hindi nga !Bakit ko naman sisiliyan yan?"
"Malay ko ba,baka nagkakagusto ka na diyan,dahil lang lagi syang nagpapapansin sayo."
Tinitigan nya ko sa mga mata ,saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Wag ka sana madala ng mga matatamis nyang salita at gawa,ikaw lang ang kawawa"
"Hindi.."
Napahinto ako sa pagsasalita,saglit nagisip tila ba sinusukat kung anu nga ba ang dahilan at sinisilayan ko ito.Umiling iling ako para mabalik sa katinuan.
"Yaan mo hindi ko hahayaang mapalapit ang puso ko sa kanya,itatatak ko na isa syang pamilyadong tao.Dont you worry na."
Ngumiti ako at hinawakan sya sa balikat.
"Siguraduhin mo lang."
Tumango nalang ako bilang sagot.
"O sya tara na at baka matapos na sya sa pagkain at mahuli tayo rito."-Ate jona
"Sige"-Ako
---*
"Andy,magbihis ka muna at maggrocery,magdala karin ng wallet kasi malaking pera ipapamili mo for sure madami customer mamayang gabi"-Nanay
"Okey po Nay"-Ako
Nagbihis nako at nagdala ng wallet
"Nay alis na po ako ,kunin ko na po yung pamalengke at listahan ng bibilin"
"Eto o,dinagdagan ko yan,mamili ka narin ng gamit mo sa iskwela at isang linngo nalang ay pasukan na"
Napingiti ako sa sinabi ni mama,tama nga sya isang linngo nalang at pasukan na .
"Salamat po Nay :)"
Kinuha ko na ang pera at listahan at nilagay sa wallet na dala ko .
Tumawag na ko ng tricycle,akala ko iiisang byahe ni manong driver kaso may hinintuan syang pasahero,lalake ito,di ko pa mamukaan kasi di pa sumasakay,laking gulat ko nalang ng tumabi ito sakin at magsalita ito.
"What a coincidence "
Shit!Sya pa
Oo si Arthur nga ang kasabay ko sa palengke ,nayayamot ako kasi nagkataon pa na papunta rin syang palengke.
"Uy tayong dalawa nalang dito,ayaw mo pa rin ako kausap kala ko nahihiya ka lang pag may ibang tao haha!"
Hindi ko sya pinapansin,ayoko syang kausapin,sikip na sikip na ko rito sa pwesto ko!
Masyado kasing masikip dito sa loob ng tricycle,dikit na dimit tuloy yung braso namin sa isat isa."Uy pag di mo ko kinausap aakbayan kita rito,for sure wala kang kawala haha"-Arthur
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya .
Pakshit naman tong si Kuya Arthur.
Tinitigan ko sya ng masama.~~~
BINABASA MO ANG
Seducing Stolen Moments
RomanceSometimes we cant fight for what we want to do even we know it was wrong. Sabi nga nila go with the flow lang, leave with the fullest.Kahit bawal kahit mali maikli lang ang buhay magpakasaya tayo habang may panahon. "Yes Arthur mahal na kita,kahi...