Arthur's POV
Hayyyys
Dito ko sa tindahan nila Andy ,kakwentuhan ko yung Nanay nya .Mabait naman silang lahat sakin Ssiguro dahil mabait din ako sa kanila haha.
"Alam mo Mother ,Malas sa negosyo na nakayuko sa Lamesa "
Tinutukoy ko yung anak nyang si Andy na kasalukuyang nakayuko sa lamesa sa harap namin siguro dahil sa pagod .
Napatingin si Andy sa akin na parang sinasabing "Paki mo ba!"Siguroy di nya lang masabi sabi kasi nasa harap kami ng Nanay nya .
si Andy kapatid sya ng tropa ko si Andrew ,dalagita sya na parang takot sa tao at masyadong mahiyain .Kaya madalas ko tuloy napapansin haha balita ko nga asar na asar sakin tong batang to ay kulang nalang lasunin ako pag nagpapaluto ako..
"Mother Paluto nga ko Adobo "
"Andy luto mo daw si Kuya Arthur mo ng Adobong Baboy !"sabi ni mother
Tumayo na ito para gawin ang order ko pero lumingon muna ito sakin at nagsmirk ?Abat mukang may balak pa tong batang ito sakin.Pumasok na sya sa kusina tas nagumpisang magluto ,Umalis na din si mother maliligo daw sya ..Langya kinakabahan ako sa batang to baka mamaya lasunin ako . Pumasok ako sa kusina tas sinilip yung ginagawa nya
----*
Andy's POV
"Hep hep!!anong nilalagay mo sa adobo ko !!Lason?"
Napasibangot nalang ako sa sinabi nya , takot din palang malason to?
"Ohh wag mo naman salaulain yung pagluluto di porket galit ka sakin!"
Nagpapatawa ba sya?Napangiti ako ng palihim sa mga pinagsasabi nya.
"Hahahaha! "At yan na nga natawa na ko para kasing over acting sya masyado
Katatapos lang maluto ng ulam na inorder ni Arthur,at talagang binantayan nya ko hanngang matapos ako sa pagluluto.Tila ba wala talagang tiwala sa akin.
Inilapag ko na sa lamesa yung pinaluto nitong ulam.
"Oyy yung kanin ko!!"
"Eto na ..-____-"
Nayayamot nanaman ako ng dahil sa kanya.Kanina nya pa ko minamadali sa pagluto at pagsererve sa mga order nya tulad ngayun ,tarantang taranta ako ng dahil sa kanya.
"Wala ka bang tubig nabubulunan nako dito ohh"
Pagrereklamo nanaman nito.
Anu ba talagang nais mangyari ng lalakeng ito sakin?Binigyan ko sya ng tubig kasu nagkataon na wala kaming natatabing yelo kaya i have no choice kundi iserve sa kanya ito ng hindi malamig.
"Haru jusko wala bang malamig?"
At tama nga ang hinala kong magrereklamo nanaman ito.
"Wala."
Bakit ba pag sya umorder ninenerbyos ako?Arthur!Nakakainis ka!
---*
Kasalukuyan akong naliligo ng Nadinig ko ang boses nila Kuya, ni Kuya Arthur at pati narin asawa ni Kuya na si Ate Marie .
*Ikaw na ang may sabing ,Pagibig koy sayo parin *
Napapakanta pa ko habang naliligo , nakagawian ko na kasi simula pa ng bata ako.
"Tsk Langya kumakanta pa" Si ate Marie yun close kami non ,para na nga kaming tunay na magkapatid sa sobrang lapit namin sa isat isa.
"Walang Basagan!!Haha :)"
Opo naguusap kami habang nasa comfort room ako , magkatabi lang naman kasi yung kwarto nila Kuya sa banyo namin kaya dinig na dinig kung sino ang nasa kwarto at nasa banyo.
"Wag ka maligo sayang tubig!"
Naningkit ang mga mata ko ng madinig ko kung sino ang nagsalita .Si Arthur yun , sadya talagang mapangasar at pakielamero ang lalaking yon.
"Uyy wag ka ngang ganyan kaya naasar sayo yan ea !kulang nalang lasunin ka pagnagpapaluto haha "
Sabi ni Ate Marie Kay Kuya Arthur ?Paktay!
"Sino Lalasunin?"tanong ng Driver ni Kuya Arthur .
"Ako daw , tsk sinasabi ko na nga ba ihh .Magpapakabait na nga ko taena"
Dinig sa boses na to ang pagkayamot kaya hindi nalang ako umimik para di na lumala pa ang usapan.
----*
"Nay!punta lang po ako sa kabilang tindahan ,Bili lang ako ng cupnoodles :)"
"Ohh sino kasama mo?!"tanong ni Nanay na nakataas pa yung kilay.
Nakita ko si Ate Jona na papalapit sa pwesto ko haha kaya bigla ko syang hinila
"Si Ate Jona po kasama ko hehe"
Halatang nagulat si ito at napatingin sa akin,pinandilatan ko naman sya para magets nya ang nangyayari.
"Diba Ate?"
"Ahhh Opo Tita ,May Bibilin din kasi Ako ha ha ha "sabi nya na halatang kabado
"Ohh sige pero blisan nyo lang baka magkaroon ng customer"Sabi naman ni Nanay
Napangiti naman ako ng palihim.
"Opo Nay , mabilis lang kami."
Nang makalayo na kami ng tindahan,hindi nanamin napigilang humalakhak .
"Pfffft ...Pffftt Hahahahaaha !:D"
Sabay pa kaming napahalakhak ni Ate Jona ng makalayo kami kay Nanay.
"Hahahaha Salamat ha!"
"Wala yun!What's Are Friends Are For Hahaha !"
Si Ate Jona ,Pinsan ko sya at naging classmate ko din sya nung Highschool kami kaya Close na Close kami nyan.Dagdag pa na nasa isang Subdivission lang kami nakatira.
Nakabili na ko ng nais kong bilhin sa tindahan at ngayuy pabalik na sa bahay.
Habang naglalakad kami papauwi sa bahay , hindi ko sinasadyang makita si Kuya Arthur na patawid sa kalsada sa,sa canteen namin.Tila ba nawala ako bigla sa mood pagkakita ko sa kanya.
"Kainis Nakita ko nanaman yung mokong nayun !"
"Sino?"
"Wala . Regular Customer Lang namin ..Inis na Inis ako Dyan napaka Sungit tas epal Na Moody pa!"
"We?Baka Crush moyan :)"
Nagulat ako sa sinabi ni Ate at mabilis na itinanggi ang sinabi nya.
"Duling kaba Ea kasing Edad Lang yan ng Kuya ko ai!20 na po iyan "
"Oh kalma ,defensive ka masyado pinsan ,napaghahalata ka tuloy"
Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi nya para di na humaba ang usapan.
Nung malapit na kami nakita nya atang papalapit na ko , kaya napakamot sya sa batok nya at umalis na?Anong Problema nun ?Umiiwas ba sya sakin?
Nakakainis talaga sya!
An:thankyou for reading :)
BINABASA MO ANG
Seducing Stolen Moments
RomanceSometimes we cant fight for what we want to do even we know it was wrong. Sabi nga nila go with the flow lang, leave with the fullest.Kahit bawal kahit mali maikli lang ang buhay magpakasaya tayo habang may panahon. "Yes Arthur mahal na kita,kahi...