Chapter 70

419 34 13
                                    

After lunch ay niyaya na muna ni stephen sa kuwarto niya ang mga kaibigan. Hinayaan na lang niya na manggulo ang mga ito sa mga nakikitang bagay sa kanyang silid. Hanggang sa nangialam na si ronnie ng mga cds niya at kumuha ng isa at isinalpak ang ang isa sa player.

Nang matapos ang palabas lagpas isat kalahating oras at bumaba muna si stephen para magpahanda sa nanay niya ng inumin at ng sitsirya. Hinayaan ulit niya si ronnie na mamili ng cd na panonoorin. Sa sofa ay nandoon si ronnie, jansen, sa lapag si andrei sa isang bean bag. Sa kama ay prenteng nakahilata si steven habang nakaupo lang si nicole na yakap si popoy.

Isang cd na may nakalagay na ToMy Bestfriend Stephen, Love Zeke.

" Ay Bongga itey, ano kaya ang laman nito ma watchikels nga!"

Saktong pagsimula ng palabas ay siyang pagpasok ni Stephen na nabigla sa nakita sa tv niya.

Ang cd na naglalaman ng huling video ng kanyang bestfriend na si Zeke. Hindi nakagalaw si stephen sa may pinto. Ang mga kaibigan naman niya ay tutok ang mata sa pinapanood. Habang tumatakbo naturang video ay hindi napigilan ng mga kaibigan ni stephen na mapaluha sa pamamaalam ni zeke at ang huling awitin nito sa kanyang bestfriend.

Sa may pinto ay nakasandal lang si stephen na tahimik ding lumuluha sa di niya inaasahang makita ulit ang cd. Napatingin si Ronnie sa pinto at agad niyang nakita si stephen. Kaagad siyang lumapit dito at niyakap ito.

" Im sorry fwend hindi ko sinasadya. Akala ko kasi kung ano lang."

" Ok lang, kasalanan ko din naman diko niligpit yan ng maayos. Ok lang yan at least nakita nyo na ang bestfriend ko noong bata pa siya."

Hinawakan na ni ronnie si stephen sa kamay at hinila na itong umupo sa kama para makausap uli sa kanyang nakaraan.

" Fwend ilang taon diyan si zeke?

" 12 lang siya niyan."

" Omaygawwwd! 12 sya nyan?! Ang pogi na niya sa edad na yan! Para na siyang 15 ah!"

" Malaking bulas kasi siya, di ba british nga ang papa niya."

" Alam mo fwend, nakakaawa na nakakahinayang. Mukhang ang bait bait pa naman ni zeke."

" Oo mabait talaga yung bestfriend kong iyon. Sandali may kukunin akong personalized photo album na ginawa niya noon. Mga picture namin noong hindi pa ako nakakakita."

Tumayo si stephen at tinungo ang drawer sa baba ng kanyang cabinet kung saan naroon ang mga album niya. Muli siyang umupo at sa sofa naman. Nasa gilid niya si ronnie at jansen. Sa kabilang gilid ay si nicole. Sa lapag lang si andrei na nakikipagharutan kay popoy. Sa kama na nasa likod ng sofa ay naroon si steven na nakadukwang sa may balikat ni stephen. Sinimulang buksan ni stephen ang album at ang bumungad doon ay ang larawan nila ni zeke kung saan ay apat na taon lang siya at si zeke ay limang taon. Kuha kung saan ay birthday ni zeke.

Nanlaki ang mata ni stephen sa nakita at maging si nicole na sabay pang nagsalita ng....

" IKAW YAN STEPHEN??!!!"

" Grabe naman fwend nabingi aketch."

" Ay hindi ako yan! Ikaw yan steven hahaha!" Pangaasar ni stephen sa binatang nasa likod niya.

Nagkatinginan naman ng makahulugan si nicole at stephen.

Aliw na aliw naman si ronnie sa mga larawang nakikita lalo na ang mga stolen captured photos ni stephen na kuha ni zeke ng lumalaki na sila.

" Wala ka bang picture noong mas bata ka pa stephen?" Usisa ni nicole.

" Ay meron, kaso an liit ko pa dun mukha pa akong girl hahaha. Mga 3 yrs old ako mga unang kuha sakin ni tatay." Sandali ha kunin ko.

I WILL TAKE YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon