Chapter 79

384 37 1
                                    

" Oh why are you all here?! Hi Guys, Nice to see you here steven and nicole." Inalalayan naman ni Lenard na makaupo ang daddy at mommy niya." kumusta ang dad at tito nyo?"

" Ok naman po sila tita. They are doing good together. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila, still they love each other very much."

" Thats true love steven.....true loves exist and theres no limitation on that kahit pa anong gender."

" Opo tita."

" By the way, anong agenda natin at sinundo pa kami nitong si Jannah sa mga work namin?" Ang daddy ni Lenard.

" Lets eat muna, kuya bago tayo magusap usap. Meryenda pa lang naman ito hehe."

" Ok.....by the way steven....tell your dad that i will call him one of this days. May business proposal ako sa kanya. The place is Batangas...beach resort ito. Nakita ko na yung place at napakaganda. Kaya lang yung mga dating me ari ng lupa ay sa ibang bansa na maninirahan. So ayun balak nang ibenta ang lupang iyon. Interested ako and gusto kong business partner ang dad at tito nyo. Kilala ko silang magagaling sa mga ganyan sa pakikipagdeal."

Natigilan si Steven, nicole at jansen sa narinig na Batangas ang place.

" Ummm sige po tito, sasabihan ko po si dad."

" Well, Hi nicole lalo kang gumaganda ngayon....balita ko kayo na ni Jansen? You look good together. But please prioritized your study first. Bata pa kayo, enjoy being a kid hahaha."

Napangiti na lang si Nicole at Jansen.

" Hay naku tita! Ewan ko ba, gagraduate na lang ako ang ganda ko pa naman pero wala pa ring nagkakamali sa akin hayyyyy!"

" Haahaha...jannah baka naman kasi masyado kang pihikan kaya ganyan."

" Tama kayo tita....Gusto kasi niyan ngayon ay yung tipong aanderin niya, siya masusunod."

" Tsee ka jaja!"

" Iha....huwag ganyan....kailangang ang babae hindi masyadong dominante."

" Sige po tita....kain lang po...para makapagusap na tayo later."

Pagkalipas ng halos bente minutos ay natapos din ang meryenda nila.

" Ummm.... Kuya, ate.....promise na hindi kayo mabibigla ha....cool lang po muna tayo."

" Ano ba yan mukhang napakaseryoso nyo..at ikaw lenard kanina ka pa tahimik at ang mata mo galing ka ba sa pagiyak?!"

Hindi lang umimik si lenard kundi yumuko siya.

" Kuya....nitong nakaraang mga araw kasi ay may natuklasang isang sensitibo at nakakagulat na bagay o katotohanan si Steven at Nicole sa isa nilang kaibigan at kaklase nitong si Jansen at Nicole."

" So? Anong koneksyon nun sa usapang ito, akala ko family matters ito?"

" Kuya, malaki at mahalaga ito."

" Teka.....sino namang tao ang tinutukoy nyo?"

Kinuha ni Lenard ng larawan ni stephen at ibinigay sa ama at ina.

" What about this guy?!"

" Siya po si Stephen John Valdez ang classmate namin ni Jansen."

" Then????!"

" Dad! Mom! Just try to look at the picture! Wala po ba kayong makita o maramdaman man lang?!"

Pinagmasdang mabuti ng daddy ni Lenard ang larawan ni stephen.

" Wait! I know he is a guy, medyo feminine lang kasi ang feature ng mukha niya......pero teka....may hawig siya kay Gail."

" Exactly Dad!"

I WILL TAKE YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon