Chapter 110

448 28 11
                                    

Walang humpay ang tawa ni nicole ng marinig ang kuwento ng kuya niyang may maliit na bukol sa noo kinaumagahan ng sabay silang mag almusal.

Ikinuwento ni Steven ang mga pangyayari sa kapatid at hindi nito mapigilang pagtawanan ang kuya niya na walang magawa kundi saluhin pang aasar ng kapatid.

" Waley ka pala kuya! My God! Binigyan ka na ng chance ngayon yan pa ang nangyari talo ka na naman hahaha!"

" Anong magagawa ko mautak si stephen! Naghubad na nga ako sa harap niya para madistract habang nagduduwelo kami, nakaisip pa ng paraan makatakas at pinagtawanan pako nag f.u sign pa. Nakakaasar na talaga!"

" So....susuko ka na lang kuya?!"

" Sinabi ko ba?!"

Humigop ng kape at kumain muna ng bread si nicole bago bumuwelo sa balak sabihin dito. Nakapagpasya na siya maging ang mga kaibigan na magtulungan na lang para maging masaya si steven at stephen na hindi pa nagkakausap ng maayos. Mahigit isang linggo na lang at kasal na ni zandro at pasko na rin. Kailangang maisakatuparan nilang magkakaibigan na mangyari ang lahat para maging masaya ang pasko at bagong taon ng dalawa.

" Alam mo kuya......sasabihin ko na sayo ang plano sana namin na turuan ka ng leksyon sa kadramahan mo.....since lumayo ka ang balak sana namin ay palayuin din sayo si stephen tuwing lalapit ka sa kanya....yung tipong mabubuwisit siya sayo.....kaso wala eh naunahan na kami.....nakita ka na niya mismo ulit sa sitwasyong iba na naman inisip niya....badshot kana sa kanya kuya."

"So....it means pati kayong magkakaibigan ay balak akong pasakitan?!"

" Hahaha! Peace kuya! Ok since alam mo na at nakikita ko naman na pursigido ka talaga sa balak mo sa kanya ay tutulungan ka na namin sa mga balak mong gawin at magiging kasabwat mo kami sa mga balak mo kay stephen."

" Yes! Siguraduhin nyo lang na magiging ok kami ni stephen."

" Ganern kuya! Mag effort ka ng todo! Alam mong hindi basta basta si stephen. Matalino yun! Titigan ka lang nun nababasa na ang iniisip mo noh! Isang bagay lang kuya oras na sinaktan mo at dinaan sa dahas si stephen kalaban mo kaming lahat!"

" Tangina anong akala m sakin nicole rapist!"

" Kuya, sa mga titig mo pa lang kay stephen namamanyak ka na eh....kaya naninigurado kami...kahit ganun siya, itrato mo siyang maayos lalo na pagdating sa bagay na ganun hehehehe."

" Loko ka!.......kaya lang may problema ako."

" Ano naman yun?"

" May mahal na daw siya at balak na niya itong sagutin dahil matagal na itong manliligaw niya."

" Sino?......si JC?!"

" Oo! Tangina yun balak pang agawin sakin si stephen! Kapal ng mukha mas guwapo ako sa kanya!"

" Hahahaha!......kuya ang OA mo hahahaha......walang manliligaw si stephen! Gawa gawa lang namin si JC!"

" Eh bakit yun sinabi nya manliligaw daw niya yun?!"

" Baka naman na mention mo kanya pangalang JC?"

" Oo.....kagabi nung nagmamakaawa ako na ako na lang huwag na si JC."

" Waaaaaaaa hahaha! Tanga ka talaga kuya hahaha! Nautakan ka ni stephen pinagtripan ka niya hahaha."

" So....it means walang bf si stephen walang Jc?"

" Confidently beautiful Yes kuya Hahaha! Stephen  is single!"

Biglang tayo at sigaw si steven na nakataas pa ang kamao.

I WILL TAKE YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon