Chapter 107

427 30 68
                                    

Sa sala ay naguusap si andrei at stephen ng dumating ang mga magulang nila at kapatid na si zandro.

Agad na tumakbo si popoy para magmano na agad ding sumunod si benj ngunit humalik ito sa dalawang matanda at kay zandro.

" Asus! Di marunong magmano!" Si popoy.

" In our place we kiss, pero marunong din ako magmano. Nainggit ka siguro eh di mag kiss ka din!"

" Heh! Ingay mo miyawi!"

" Hay naku nay, kanina pa yan bangayan ng bangayan."

Maya maya tinawag ni zandro si benj at popoy.

" Alam nyo noong ganyang edad nyo si kuya zeke mo at papa mo.
..hindi sila nag aaway mahal nila ang isat isa. Kaya nga bestfriend sila."

" Tito....he always make fun of me....i dont like him."

" Pikon netohh! Eh binibiro lang kita kasi ang sarap mong asarin eh hahaha."

" Popoy.....hindi magandang ugali yan na magbiro o pagkatuwaan ang kapwa lalo pa sa isang bata pa na tulad ni benj. Tignan mo liit pa niya, parang kuya ka na nya eh."

" Sori po tito." Kiming yuko ni popoy. Nangingiting nakikinig at nagmamasid naman si stephen at magulang niya.

" Sige ganito na lang bati na kayo ha....embrace mo na popoy si benj."

Nagulat naman si popoy sa ipinapagawa ng tito niya samantalang inosenteng nakamasid lang si benj.

" Uyyy embrace na popoy hahaha" si andrei.

Lumapit naman si popoy at niyakap si benj na hanggang dibdib pa lang niya.

" Hayan very good parang nakita ko na ang eksenang ganito noon, di ba teptep." Sabay kindat ni zandro kay stephen na napangiti lang dahil si zeke at sya ang tinutukoy ng kuya niya.

" Hay naku doon na tayo sa kusina ng makakain na tayo."

" Kuya si ron?"

" Nagpababa na sa condo niya nandoon kasi mga pinsan niya dumalaw para sa detalye ng kasal namin baka daw may maitulong."

" Ah...buti naman di ka na bangag ngayon tulad kagabi hahaha."

" Oo nga....at buti naman ok ka na rin dahil kagabi pang best actor ka ng makita mo ang labidabs mo! Hahaha!"

Sabay naman na naghalakhakan ang lahat sa sinabi ni zandro maliban sa dalawang bata na walang alam at si stephen na naka pout sa pang aasar ng kuya niya.

Sa hapag ay patuloy ang usapan ng lahat hanggang sa nagsalita si benj na tahimik pero nakikinig.

" Tito zandro, you know what? Totoo yun sinabi ni tita ronnie na may mga monster sa tabi tabi. Nakakita kami ng monster sa park, sabi kasi ni tito stephen monster yun....pero guwapo po siya. Yun po tumakbo kami pauwi ng lumapit sa amin."

Hindi na nakareak si stephen sa bilis ng sinabi ni benj. Ngunit ikinawindang niya ng magsalita si popoy...

" Hahahaha di yun monster noh! Si kuya pogi yun hahahaha!"

Napatinging nakataas ang kilay ng lahat kay stephen na tila inaasar siya.

" Alam mo benj hindi yun monster. Si prince charming yun...hinahanap niya si sleeping beauty hahaha."

" Wowwwww! Sana makita na niya po si sleeping beauty!"

" Hay nakuuuu apo! Nakita na niya si sleeping beauty! Kaso si sleeping beauty ay umeechos pa! Umaarte pa ang beauty niya!" Sabay tingin kay stephen ng nanay niya.

I WILL TAKE YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon