Chapter 7 The Wedding

33 4 3
                                    

Mike POV

After namin makapag-usap ni Ethan, umuwi na ako.

Masyado ako nadala nggalit at muntik ko na masabi na may anak sila ni Eisha. Err.

Higit sa lahat, wala pa ako tulog! ERRR! Gusto ko na talaga matulog. Papasikat na ang araw.

Buti hindi tuloy ang kasal namin nung kung sino man 'yon. Dapat ngayon 'yun eh.

At ngayon, nakapantulog na ako, at nagpapahinga na lang ako sa kama ko! Waaaah! Ang sarap matulog!

@@@

*SA SIMBAHAN*

"Hello Mika?" Sino 'yun?

Tumalikod ako para harapin ang lalaking tumawag sa dyosa ng kagandahan at nakita ko si Aerenel.

"I Love you." sabi niya. Napasinghap ako sa gulat. M-mahal niya ako?

Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya. "Totoo?!" hindi ako makapaniwala.

"Oo." he said in a sweet seductive bedroom voice. Napalunok ako. Eto na ba ang first kiss ko?

Dahan-dahan na naglalapit ang aming mga labi ng biglang....

"Itigil ang kasal!" sigaw ng isang babae sa may pintuan ng simbahan. Naglalakad ito papunta sa altar.

Napalingon lahat ng nasa simbahan sa gulat sa babaeng sumigaw.

"Akin siya! Ako! Ako ang mahal niya!" sigaw ni Aerenel. Ano bang nangyayari?! 

"Ako ang nakatadhana sa kaniya kaya akin siya!" ngayon ay nasa harap na ang babae at hinila ako.

Pagkahila niya ay hinalikan niya ako ng madiin. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"I now announced you, husband and wife." at nagpalakpakan ang mga tao.

WHAT?! THIS CAN'T BE!!!! HINDI 'TO MAKATARUNGAN!!!!!

@@@

"No! No! Wag! Hindi Pwede!" 

"Uhm!" sabay hampas ng isang nakabilog na news paper.

"Awwww! Daddy! It hurts you know!" sabi ko. Napabalikwas ako sa lakas. Nagising ang diwa ko. Ang sakit! Ang lakas ng pagkakahampas! ARGH!

"You know-you know sinasabi mo diyan? Eto gusto mo? Ang ingay mo! Naririnig ko sa baba ang kakatili mo diyan! Para kang BAKLA!" sabi ni Dad

Daddy kung alam mo lang. Haha Kung alam mo lang may anyong sirena ako inside. Hoho

"Dad naman? Ako? BAKLA?! Hindi ko nga magawang tumingin sa mga lalaki eh!"

Kasi tinititigan ko! 

"Kasi sa babae lang nakafocus ang isip ko!"

Yah right! Nakafocus sa heels nila, sa dress, gown! Inggit ako! Kares!

Tinignan ako ni Daddy na parang nanghihinala, "Saan ka galing kagabi? Baka nambabae ka?!" sabi niya.

"Po?" waah! Alam ba ni Daddy na umalis ako kagabi? "Dad alam mo naman na hindi ko magagawang mambabae!"

Kasi manlalalaki ako! Hoho

"Kasi may mapapangasawa na ako! Hindi ko siya kayang pagtaksilan! Hindi ko kayang saktan emotionally ang mapapangasawa ko!"

Kasi Sasabunutan ko siya! Pisikal ang pananakit ko! Kalmutan! Sampalan!

Tinignan ako ni Dad na parang di naniniwala. "Siguraduhin mo lang ah!"

Sumaludo pa ako. Haha. Daddy kung alam mo lang, nakapilantik ang daliri ko kamay at paa! Hoho

At umalis na si Pudra. .  Haaay! Ligtas ako dun ah.

Naalala ko bigla si Best, ow. Musta na kaya si Best? T.T Sana ok siya dun. 

Ayoko pa siya tawagan eeeh! Basta gusto ko mamiss muna niya ako ng sobra! Hihi. Dalahirang gaga kasi ang drama!

Bumangon na ako.. 7AM na sa orasan. 2 hours lang ang tulog ko. Aww. Gusto ko pa mahiga pero gising na gising na ang katawan ko. Amp! Si daddy kasi eh.

Pero weird ng panaginip ko ah. Papakasalan daw ako ni Aerenel? Waaaah! kinikilig ako!!! hihihihi

Magkikiss na kami eh! Sayang! Kahit manlang sana sa panaginip pero hindi pa rin natupad! Ampft!

END OF POV

ETHAN POV

"You may now kiss the bride." sabi ng pari.

Eto na. Eto na talaga ang pinaka hihintay ko. Eto ang halik na magla-lock sa kaniya sa akin. Lock talaga? Syempre! Tatapon ko sa Picific Ocean ang Susi para hindi na mabuksan pa ng iba.

Nagpalakpakan ang mga tao ng magdampi ang labi namin. Walang makakapantay sa saya na nararamdaman ko ngayon.

Nakikita ko sa mata ni Angela ang saya. Alam ko mahal niya rin ako.

"I love you." sabi ko nang maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you too." she said at humarap na kami sa mga tao na kanina pa kilig na kilig sa amin.

***

Natapos ang kasal. Sa simbahan kami kinasal pero hindi kasing engrande ng ibang kasal kasi madalian lang 'to.

Konti lang naman ang bisita. Ang pamilya ko, mga pinsan, tito at tita pati yung mga maids namin sinama ko na para naman dumami sila. Yun lang. Wala si Daddy at Mommy. I tried to contact them pero wala. Parang binasura na nila ako pero hindi naman pumapalya ang supply ng pera ko. Hehe. Ok na sa akin 'yun. Kahit kelan naman hindi sila naging magulang sa akin. Sanay na ako. Kailangan ko na lang mag-trabaho ng mabuti para ipakita sa asawa ko na karapat dapat ako sa kaniya. Si Lolo din, nasa langit na siya pero alam ko na ginagabayan niya ako.

Matagal-tagal na din ang hinintay ko para makasama si Angela ng ganito. Hindi na rin nagpakita ang lalaki na kasama niya sa kwarto. 2 weeks na ang nakakalipas simula nung nagkabati kami ni Angela at ngayon ay asawa ko na siya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas! Akin na siya! OFFICIALLY! Hehe. Alam ko iniisip niyo paanong nangyare ang kasalan. Eh kasal kami ni Eisha, Alam niyo naman ang nagagawa  ng pera. At para kay Angela gagawin ko ang lahat.

"Gela, ang saya ko." I said. Sinagot niya ako ng isang ngiti.

Hindi ko mapigilan na halikan ang mga labi na iyon na gustong gusto ko makita na nakangiti.

I kissed her passionately. She answered my kisses at naramdaman ko na unti-unti niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ko.

"Wait." i stopped her. 

"why?" iritableng sabi niya.

"You know na hindi pwede diba? Ayoko saktan ang magiging anak natin." paliwanag ko.

Oo. Magkakaanak na kami. At ako ang Ama. Sinabi din ni Angela na walang nangyari sa kanila nung lalaki na kasama niya sa kwarto at naniniwala ako sa kaniya. Kaya sigurado ako na ako ang ama. 

"Pwede pa yan." pilit niya at pinagpatuloy ang paghubad sa damit ko pero pinigilan ko siya. Ayoko gumawa ng bagay na makakasakit sa anak namin.

"hmp!" at humiga na siya sa kama na nakatalikod sa akin. Huminga ako ng malalim at nahiga na rin sa tabi niya at niyakap ko siya mula sa likod.

END OF POV

Short Ud...  :) "

HDNLB (Hanggang Dito Na Lamang Ba?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon