Nobody's worth losing yourself for.
AC
Nagluluto ako ngayon ng hapunan. Yung tatlo ay nasa kanya-kanyang trabaho kaya ako na ang natitira sa bahay. Sa aking pagluluto ay naka laglag ako ng baso, kaya pinulot ko at sa di inaasahan ay nasugatan ang kamay ko. Ang tanga ko parin.
Pinagpatuloy ko ang aking pagluluto at dumating na ang bunso.
"Ma, Good evening. San sila papa at ate?";habang nilalagay ang bag niya sa sofa.
"Hindi pa dumarating, di ba sila nag text sa iyo?";sabay kong nilagay ang mga plato sa lamesa.
"Hindi ma eh. Hihintayin natin sila?"
"Gutom ka na ba? Mauna ka na lang hihintayin koyung papa at ate mo.";at umupo naman siya.
"Sige ma :)" at ngumiti rin ako.
~~
Tapos ng kumain si bunso pero wala parin silang dalawa. Hindi naman yun masyadong matagal umuwi eh. Magtetext yun sakin kung matatagalan man siya.
San ka naba mahal?
"Ma, kumain ka muna, baka magkasakit ka pa niyan.";tumingin lang ako sa kanya.
"Ma, wag ka pong mag-alala darating naman yun sila papa eh. Yun, si ate tumatawag sabi ko sa yo ma eh. :)";sabi niya habang sinasagot ang ate niya. Pero kinakabahan talaga ako.
"Anooo?"; gulat niyang sabi. Mas lalo akong kinabahan.
"bakit anong nagyari?"; binaba niya na ang phone niya at ang last na dinig ko lang ay.
Hospital.
~~
*ting ting.
Tunog ng makina na nakasuporta sa aking asawa. Inatake daw siya sa kanyang opisina. Salamat at may dumaan sa office niya at tinulungan siya. Papunta narin sila mama dito. Ang mga anak namin ay pinauwi ko muna, pagod sila at may trabaho pa sila. tutulungan naman daw nila ako nina mama at papa sa pagbabantay kay lucky.
"Mahal? Kapit ka alng okay? Wag mo kong iwan."
Kailangan ko siya sa buhay ko. I need him. I need you Lucky. :(