Full Credits: Book Cover (Main) By: Katalonia
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po :)"
Cover by ChaseTae
Ang Classmate kong Siga
By AiTenshi
Ginabi nanaman ako ng uwi dahil sa lakad ng barkada. Im sure pagagalitan naman ako ni erpat nito. Dudugo naman ang tenga ko sa walang humpay na sermon. Alas 11:40 ng hating gabi iyon habang ang buwan ay nakatunghay sa aking pag lalakad. Sa kabilang kanto lang naman ang bahay namin kaya hindi ito masyadong kalayuan kaya nag pasya akong gamitin nalang ang aking mga paa upang tahakin ang daan pauwi.
Sa di kalayuan ay makikita mo ang isang bakanteng lote at isang sirang gymnasium. Sa totoo lng natatakot ako dumaan duon dahil daw pugad iyon ng mga espirtu at multo. O kaya naman kung walang mga bad spirit ay masamang tao naman ang nag hihintay sayo. Nakakatawang isalaysay pero pag tapat ko sa lugar na iyon ay kumaripas ako ng takbo at wala nang lingon lingon pa.
Isang mahaba at bakanteng lote ito at dahil sa malaki ito ay mahabang lakaran ang aking tatahakin. Isang malaking pag subok para sa akin ang dumaan duon sa ganitong dis oras ng hating gabi. Naalala ko tuloy yung mga pinapanood kong horror movie.. "nggiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii, nakaka takot!!"
Tumataas ang balahibo ko sa takot ng mga oras na iyon ng may narinig akong isang impit na sigaw. "tulungan nyo ko". Nagimbal ang aking pag katao "baka si lotus feet iyon!!!" Ang sabi ko sa sarili ko. Waaaa hindi ako lumilingon.. "kaya mo yan Lee, kaya mo yan!!" ang sabi ko sa sarili ko habang pinapalakas ko ang loob ko.
Maya maya pa ay lalong lumakas ang sigaw.. "tulungan nyo ko!!" at ngayon ay sigurado na ako na isang lalaki ang sumisigaw at nang hihingi ng tulong. May narinig din ako ng mga tao parang nag tatawanan. Siguro sila yung drug addict duon sa kabilang kanto na sinasabi ng mga classmate ko na mapanganib.
Hay!! Sa wakas naka lagpas na ako ng bakanteng lote. Tagaktak ang aking pawis, butil butil ito ay pakiramdam ko ay sinabuyan ako ng malamig na tubig. Habang napahinto ako at napa isip. Ano kaya at sino ang sumisigaw na iyon. Parang naka ramdam ako ng kaunting pagka konsensya sa aking ginawa. Guilty ako kaso natatakot akong madamay pa. Ilang segundo rin ako nag isip dahil na rin may nag bubulong sa kabilang parte ng utak ko na tingnan kung ano ang nanyayari.
"hay shit!! Bahala na si batman!!" ang bulong ko sa sarili at nilakasan ko ang aking loob. Sabagay naisip ko rin na pag tumakas at natakot ako ngayon ay habang buhay na kong matatakot at tatakas. Kelan ko pa haharapin to.. ito na ang chance ko na harapin ang fear ko.
Napansin ko ang loob ng bakanteng lote, dito naka tayo ang luma at medjo sira sira ng gymnasium. May mga sirang pader ito at ilang pang sirang pintuan. May ilaw naman sa loob kaya medjo maliwanag ang paligid. "parang awa nyo na, tama na!!" iyon ulit ang narinig kong boses at galing ito sa loob ng lumang gym.
BINABASA MO ANG
Ang Classmate kong Siga (BXB 2013)
RomanceIto ang Kwento ni Lee at ang Classmate niyang Siga. Ito ang pinaka unang kwento ginawa ko noong 2013 pa.Hindi ako ganoon kabihasa noong isinulat ko ito, kulang din ako sa ideya noong mga panahon na iyon. Itong kwento na ito ang nag papa alala sa aki...