Ang Classmate kong Siga
By: AiTenshi
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po :)”
Chapter 2
Mistulang tinamaan ako ng isang malakas na kidlat ng makita ko ang mukha nya na naka tingin at naka ngisi sa akin. Binalot ako ng matinding takot habang nag lalakad siya palapit sakin. Hindi ko malaman ang aking gagawin nung mg oras na iyon. Namalayan ko nalang na naka upo na siya sa bakanteng silya katabi ko.
“Kumusta kana?” ang sabi nya na parang matagal na kami mag kakilala
Hindi ako sumagot, ni hindi ko nagawang tingnan siya. Marahil ay namumukaan nya ako o natatandaan pa ang kanyang ginawa sa bakanteng lote. Maya maya pa ay dinikit nya ang kanya mga labi sa aking tenga at bumulong ito..
“Oh wag ka matakot sakin, hindi naman ako kumakain ng tao eh, pumapatay lang” sabay ngisi na animo dyablo.
Binalot ng kaba ang aking pag katao.. “shit, tarantado to ahh, mukhang hindi ako titigilan ang hindi ako napapatahimik.” Ang sabi ko sa aking sarili habang naka yuko. Binibilang ko ang bawat pag patak ng minuto at hinihintay ko na mag uwian na para maka takas na ko sa taong ito.
Hanggang marinig ko ang aking pinaka hihintay na bell. Hudyat iyon na tapos na ang klase. Dali dali akong lumabas at tumakbo papuntang gate ng campus. Halos tumulo ang pawis ko sa sobrang nerbyos. Nang mapansin ko na naka sunod siya sa akin at tawa ito ng tawa. Napapansin kong tumatawa din ang mga studyanteng nadadaanan ko. Pero hindi ko sila pinansin at agad akong sumakay ng tricicle pauwi ng bahay.
Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag palit ng damit. Nakita ko ang isang papel na naka dikit sa aking likod at naka sulat ay “Bakla ako!!!”. Agad sumagi sa isip ko kung bakit nag tatawanan ang mga tao sa paligid ko at kung bakit siya tawa ng tawa habang naka sunod sa akin. Nilamukos ko ang papel at tinapon ito sa basurahan.
Hindi ko alam kung bakit siya nag transfer duon sa aming paaralan, pero isa lang ang sigurado may kinalaman iyon sa akin. Dahil siguro gusto na nya ko patahimikin dahil narin sa aking nasaksihan noong nakaraan buwan.
Sobrang gulo nan g sitwasyon, pilit ko tuloy tinatanong sa aking sarili kung ano ba ang magagawa ko para tigilan na nya ang pag sunod nya sakin!
Ewan..
Kinabukasan ay papasok nanaman ako sa campus. Nakita ko agad siyang nag aabang sa gate. Sino kaya ang inaabang an ng taong ito. Lumapit siya sa akin at nag pakilala ito.
“Ako si Gerald. Anak ako ni Congressman Sanchez, ngayong kilala mo na ko alam mo na siguro kung saan ka lulugar.” Ang sabi nya
“Ahh Gerald pala ang pangalan ng hambog na to. Eh ano ngayon kung anak siya ng congressman?’ bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Ang Classmate kong Siga (BXB 2013)
RomansIto ang Kwento ni Lee at ang Classmate niyang Siga. Ito ang pinaka unang kwento ginawa ko noong 2013 pa.Hindi ako ganoon kabihasa noong isinulat ko ito, kulang din ako sa ideya noong mga panahon na iyon. Itong kwento na ito ang nag papa alala sa aki...