Ang Classmate kong Siga
PAUNAWA:
“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pag kakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoo buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa, maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po :)”
By: AiTenshi
Chapter 3
“Ikaw pala” ang sabi ko habang papalapit kay Gerald
“kumusta kana?” ang sabi nya
“Ok naman ako, buhay pa naman.” Ang sarcastic kong sagot
“mabuti naman” ang sabi nya
“nag aalala kasi lahat ng mga classmate at mga guro natin dahil hindi ka pumapasok, kaya naisip ko na bisitahin ka dito sa bahay nyo.” Ang sabi nya habang iniikot ng tingin ang aming buong bahay
“anong problema mo?” ang aking tanong.
“hmmmm medjo maliit ang bahay nyo kumpara sa bahay namin, pero mukang comfortable naman dito” ang sabi nya
Parang nayabangan ako sa aking narinig. Kung tutuusin nga ay malaki na ang aming bahay, 2nd floor ito ay may maluwang balkunahe sa itaas. “sabagay isang hambog at mabayang na pambasang bully ba naman ang kausap mo. Ano pa bang ine expect mo!!??” ang bulong ko sa sarili
“oh bat ganyan ka makatingin?” ang sabi nya habang nahuli nya akong naka tingin sa kanya.
“wala!! Mayabang ka kasi!!” ang sabi ko
Natawa naman siya sa sinabi ko. “Hmmm nagugutom ako, wala bang pag kain dyan?? Hindi pa kasi ako kumakain” sabay lakad patungo sa kusina ng walang paalam
“teka teka” ang pag pigil ko sa kanya. “bahay mo na to?” ang sabi ko
“hindi ganyan ang tamang pag trato sa bisita” ang sabi nya habang naka ngisi ito
“oh sige na, maupo kana muna dito sa sala at mag papahanda ako ng pag kain”ang sabi ko
Agad naman siyang naupo sa sofa at inangat ang kanyang mga paa na animo hari. “hay iba talaga ang ugali nitong tao na to” ang sabi ko sa sarili ko.
“oh bakit nanaman?” ang sabi nya habang nahuli nanaman nya kong naka tingin sa kanya. “nababakla kana yata sakin tol eh” ang sabi nya
“hindi no. Antipatiko ka kasi, maangas ka, at mayabang din, naisip ko lang kung pano puputulin yang buntot ang sungay mo!” ang sabi ko
“hahahaha, takot ako sayo. So guardian angel kita?” ang sabi nya
BINABASA MO ANG
Ang Classmate kong Siga (BXB 2013)
RomanceIto ang Kwento ni Lee at ang Classmate niyang Siga. Ito ang pinaka unang kwento ginawa ko noong 2013 pa.Hindi ako ganoon kabihasa noong isinulat ko ito, kulang din ako sa ideya noong mga panahon na iyon. Itong kwento na ito ang nag papa alala sa aki...