Sophia's POV
Maingay, magulo, at iba't ibang kulay ng mga ilaw ang sumalubong sa akin sa stage. Naluluha na naman ako pero pinigilan ko. Lumapit ako sa pole at sinimulan na ang pagsayaw. Maraming lalake ang lumalapit sa stage at sinusubukan akong abutin kaya nilalayuan ko nalang. Gusto ko nang tumakbo paalis pero nakita ko sa isang sulok ang manager ng club kaya wala akong nagawa kundi mas galingan ang pagsayaw.
Hindi ito ang unang beses pero kahit pa siguro ilang taon ko nang ginagawa 'to, hindi pa rin ako masasanay. Hinding hindi ako masasanay sa ganitong klaseng trabaho. Hinding hindi ako masasanay na ituring na pokpok. Hinding hindi ako masasanay na nagmumukhang malandi sa bawat damit na sinusuot ko.
Natapos na ang kanta kaya dali dali akong bumaba ng stage. Pero bigla nalang may humablot sa braso ko at madiin na hinawakan. I looked at man and I saw him... my husband.
"Shawn..." I whispered and my eyes became watery. He's back. Bumalik na siya. Bumalik na ang mahal ko... bumalik na ang kasiyahan ko.
Pansin ko ang talim ng titig niya pero niyakap ko siya kaagad. I burst into tears. Tatlong buwan Shawn... bumalik kana.
Hindi na 'ko nagtaka nang marahas niyang kinalas ang yakap ko sa kanya at kinaladkad paalis. Sino ba naman kasi ang lalaking matutuwa kapag nakita niya ang asawa niyang sumasayaw sa night club at nakasuot ng malaswang damit?
Hindi siya nagsasalita. Alam kong galit na galit siya. At hindi ko siya masisisi. Lumuluha ako sa sakit at takot pero masaya ako na nandito na siya. Maiintindihan niya rin lahat. Ipapaintindi ko. Hindi maiaalis sa akin ang tuwa na nandito na siya.
Bumalik na ang asawa ko. Makakaalis na rin ako sa kalbaryo ko.
...
Kaagad na sumalo sa 'kin ang malamig na sahig ng kwarto dahil sa lakas ng sampal niya. I cried in pain and fear. "Shawn, pakinggan mo 'ko please. Ipapaliwa-"
"PUTANG INA! Tatlong buwan lang ako nawala nagpaka-puta kana!"
Hindi ako nakagalaw dahil sa mga sinabi niya. Puta? 'Yon na ba ako sa kanya? Wala siyang alam.
"Hindi na ba nakaya ng libog mo? Ha?!"
I stared at him. Yung mga mata niya, puro galit at pandidiri ang meron. "Shawn makinig ka please..." I sobbed. "Hindi ko ginusto 'to!"
"Hindi mo ginusto?! You almost spread your legs in front of men! Don't tell me that because I always send you money! It's not the money that you want, it's sex right?!"
"Shawn hindi! Please makinig ka sa akin." Tumayo ako at lumapit sa kanya kahit alam kong masasaktan niya 'ko. "Makinig ka please. Nang umalis ka namatay si tita. Nawala kayong dalawa na nagpapahalaga sa 'kin. Si mama ang kumukuha ng mga ipinapadala mo. Ikinulong niya 'ko. Hin-"
"Kaya ka naglayas at pumasok sa club?" He sarcastically said.
Agad naman akong umiling. "Hindi Shawn. Pinilit niya 'kong ipasok sa club na 'yon noo-"
"PESTE! She told me everything. She sent me pictures of you, with your different customers!"
Halos bumagsak ako sa sahig dahil sa mga narinig ko. Hindi niya naiintindihan pero hindi siya nakikinig.bSumasayaw ako sa club pero hindi naman ako sumasama sa mga customers. Paanong may mga pictures akong gano'n?
"Hindi kana nahiya! I married you in assurance of my love for you. All I asked for you is to wait for me! Ano lang naman yung pagpunta ko sa Canada para ipangalan na ni dad ang business sa 'kin... para sa atin!" He shouted at my face and gripped my arms.
"Shawn maraming nangyari." Humahagulgol ako pero pinilit kong magsalita. "Pinagmalupitan ako nila mama Shawn. Pi-"
"Maayos na kayo two months before I left! Wag kang gumawa ng kasinungalingan mo!"
"Shawn please-" Naputol ang sasabihin ko dahil sa mas malakas niyang sampal. Napahiyaw nalang ako nang hilain pa niya ang buhok ko habang nasa sahig ako.
"You whore! I'm very disgusted to you. Hindi ka aalis sa bahay ko. Hindi na kita asawa tandaan mo 'yan. You're nothing but a bitch to me."
At saka niya 'ko binitawan ng marahas. I held my arms and check. May mga pasa na 'ko. Ang sakit pero mas masakit ang nangyayari. He misjudged me. Puno na ng galit at kasinungalingan ang isip at puso niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko dahil sa pagbalik niya sasaya na uli ako. Pero parang mas lumala.
Hindi ako lumaki sa pagmamahal ng ina dahil siya mismo ay galit na galit sa akin dahil sa pag iwan ng tatay kong British sa kanya. Kapatid niya ang nagmamahal sa akin. Si tita Aileen, wala siyang pamilya at ako ang tinuturing niyang ank. Halos sa kanya nga lang ako nakatira dahil binubugbog lang ako ni mama. Pero sa kasamaang palad wala na siya, magtatatlong buwan palang. Si tita at Shawn lang ang nagmamahal sa akin. Pero mukhang wala na.
Tatlong buwan, umalis noon si Shawn dahil ipapasa na sa kanya ang business nila. Kinailangan niyang pumunta sa Canada, kinailangan niya 'kong iwan. Pero pinakasalan niya 'ko kahit kakabente ko palang at twenty seven na siya. Ibinigay ko ang lahat lahat sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. Pero kasabay ng pag alis niya ang pagbabago ng lahat. Namatay si tita dahil sa aksidente. Ang akala ko noon na pagkakasundo namin ni mama, hindi pala totoo. Nagpapadala ng pera at mga gamit si Shawn pero si mama ang kumukuha. Lahat kila Kia at Mara napupunta, sila ang mga kapatid kosa ina. Ipinasok niya 'ko sa isang club at pinagkakitaan. Pero mabuti nalang at mabait ang may ari no'n. Kung alam niyang hindi namin kaya ang trabaho, sayaw lang ang pinapagawa niya.
And there is that one night, one terrible night... something I would never forget happened... I was raped. Kilalang kilala ko ang lalaking iyon. Gusto kong magdemanda at magsumbong. Pero sino'ng maniniwala? Sino'ng karamay ko? Wala. Mayaman siya at maimpluwensyang tao. Si Shawn lang ang alam kong makakatulong sa akin. Pero ano'ng nangyayari? My Shawn's gone. Puro pandidiri nalang ang meron sa kanya.
Tumayo na 'ko at nagpunas ng luha. I fixed this filthy dress. Puno ng hirap ang buhay ko. Kailan lang ba 'ko sumaya? Noong buhay si tita at noong mahal pa ako ni Shawn. Hindi ko alam kung paano ko mapapawi ang galit niya sa akin. His mother left him before to have another man than his father, they knew na pinerahan lang niya ang tatay ni Shawn. Galit siya sa mga gano'ng uri ng babae. At kabilang na ako doon.
Ayoko siyang sukuan. Kung kailangan kong bumawi sa kanya araw araw maisalba lang ang marriage namin gagawin ko. Hindi ko hahayaang mawala sa 'kin ang nag-iisang taong nagmamahal sa 'kin.
...
BINABASA MO ANG
An Innocent Angel
Ficción GeneralAng pinakamasakit sa buhay ng isang tao ay ang mahusgahan. Lalong lalo na kung galing ang mga maling paghuhusga sa mga taong mahal mo; pamilya... at asawa. Simula palang hindi na ako tanggap ng pamilya ko. I found my happiness in my husband's pr...