Chapter 2 ✔

45.1K 662 16
                                    

"Shawn please. Tigilan mo na 'ko." Madaling araw na naramdaman ko na naman ang mga kamay niya sa katawan ko. I'm still sleepy and sore. I want to rest my body and mind.

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at ang pagtulak ko sa kanya ng marahan dahil mas nilakasan niya pagpasok sa 'kin. I just closed my eyes and cried. It's all I can do anyways.

Nang matapos na siya, kailangan ko pang bumangon at pagsilbihan siya dahil may trabaho pa siya. Kahit gusto ko pang magpahinga inutusan na niya 'kong maghanda ng kakainin niya. Nahihirapan akong gumalaw dahil nahihilo ako pero pinipilit ko... kinakaya ko. Babalik din kami sa dati. Kailangan ko lang maghintay.




...




"Simula ngayon, babalik lang kayo dito sa bahay ko kapag sinabi ko. Don't worry. I will not deduct any amount from your salaries." Shawn said to the maids with authority. Tumingin naman siya sa akin na nasa gilid sandali bago nagsalita ulit. "One more thing, walang ibang makakaalam ng mga nakita, narinig at makikita niyo pa sa loob ng bahay na 'to."

Sumagot naman ng sabay sabay ang mga katulong kaya napayuko nalang ako. Maya maya pa ay umalis na si Shawn. At pagkarinig namin ng tunog ng sasakyan niya na paalis, lumapit agad sa akin ang tatlong katulong.

"Anak ayos ka pa ba? Gusto mo bang magpunta sa ospital?" Tanong sa akin ng pinakamatanda.

Tumulo na naman ang luha ko lalo na nang umiling ako. "Gusto ko man pong humingi ng tulong sa inyo o kahit kanino, ayoko kayong madamay."

"Pasensya kana anak wala manlang kaming magawa nang marinig ka namin umiiyak kagabi." Naluluhang sabi niya sa 'kin.

Tumango naman ako yumakap sa braso niya. "Okay lang po. Kakayanin koi to."



...




Agad akong tumakbo papunta sa pinto nang sunod sunod na may kumatok. "Sandali lang." Binuksan ko ang pinto at si mama ang nakita ko. I looked down. Ayoko siyang makita. Kahit nanay ko siya, sobra na ang mga ginawa niya sa akin. I hate her. But I can't loathe her.

"Kamusta na anak kong mayaman?" Itinulak niya 'ko para makapasok ng tuluyan.

Ano na naman ba'ng kailangan niya? Hindi pa ba siya masaya na talagang nasira na niya 'ko? Kulang pa ba?

"Buhay donya ka na ulit." Nakangisi niyang sabi at umupo sa couch. "Ang dami mo yatang pasa. Bagay sa'yo."

"May kailangan po ba kayo?" I asked, almost whispering.

"Kailangan ko ng pera. Wala na akong pansugal at baon ng mga kapatid mo." Deretso niyang sabi at nagsindi ng sigarilyo.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot sa kanya. Oo galit ako sa kanya. Pero hindi ko kayang mambastos ng tao. Ilang beses na 'kong binabastos, sariling pamilya at asawa, bakit ko gagawin sa iba?

"Wala na po akong pera. Hindi ko po nakuha yung bayad ko kagabi."

Basta kasi may kita ako, lahat ibinibigay ko sa kanila. Kulang pa rin kasi ang mga pinapadala ni Shawn noon para sa mga luho at bisyo nila.

She rolled her eyes. "Eh di kumuha ka sa asawa mo! Para saan pa't nag-asawa ka ng mayaman?! Boba ka talaga kahit kailan. Mana ka sa ama mo."

Gustong kumawala ng mga luha ko kaya yumuko na lang ako. "Wala po siya m-"

An Innocent AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon