Di pa din maalis sa isip ko ang misteryosong lalaking yun. Hindi si papa yun dahil sabi ni manong halos ka-edad ko lang. Eh sino? Siya ba ang nagdala ng bulaklak kay mama? Argh! Stop with those, Kesha. Kinakain na naman ako ng kuryosidad ko. Tsk.
I check on my phone. May mga texts don si Kylie kung gaano siya kasaya sa concert. Kainggit. At may isa din doon na text galing kay Mark.
Mark:
Where are you? Are you already home?
Agad akong nagtipa ng sagot.
Me:
I'm on my way.
Chineck ko ang oras. And what the ... Alas nwebe na pala ng gabi!
Saka ko lang napansin na parang ako na lang ata ang naglalakad sa kalsada. Walang mga bituin at mukhang uulan pa. Tanging mga ilaw lang sa iilang poste ang nagsisilbing liwanag ko. May CCTV naman siguro dito diba? Diba?! God!
Habang naglalakad ay parang may napansin ako sa isang eskinita. At dahil isang dakilang usisera ang bida sa kwentong ito, pinuntahan ko ang eskinita. Nakakarinig kasi ako ng ilang ingay at parang may nag-aaway.
Nang medyo may naaninag akong mga tao, halos mapasinghap ako sa kinatatayuan ko. Isang lalaking duguan ang ngayo'y tinututukan ng baril ng isang lalaking naka-leather jacket. Kawawa naman siya!
"Please! Maawa na kayo. Wala sa akin ang hinahanap niyo!"
Muntik na akong mapahiyaw ng hatawin ng isa sa mga goons ng baseball bat ang binti ng lalaki na naging dahilan ng pagkakaupo nito. Ano ba 'tong pinapanood ko ngayon? Live torture?! Oh, Lord!
"Wala ha? Talagang wala?! Eh kung unahin ko kaya muna ang pamilya mo bago ikaw?! Ha?! Sabagay. Mukhang masarap ang asawa mo. Pwede patikim muna?"
Aba gago pala 'to ehh! Hayop ang manyak! Calm down, Kesha! Calm down!
"Wag! Parang awa mo na. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Hahanapin ko yon! Parang awa mo na. Wag mong gagalawin ang pamilya ko. Mahal ko sila."
"Mahal ko sila"
He's a great man. I wonder ganyan din ba ang daddy ko? Yung handa akong protektahan no matter what.
Dahil sa pagdadrama ko ay bigla kong nasipa ang lata na nasa harap ko kaya't nakagawa ako ng ingay. Mabuti na lang at nakatago agad ako sa likod ng basurahan.
"Sinong nandyan?!" Sigaw nung isang goon.
Shet!
Kesha, think! Think!
"Meow!"
Muntik ko ng masampal ang sarili ko! Nagpanggap akong pusa!
"Pusa lang pala. Tsk."
Hoo!~ Akala ko bistado na ako. Ano ba kasing ginagawa ko dito?
Paalis na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Malumanay ngunit puno ng pananakot ang boses ng taong nasa likod ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at unti-unting humarap sa lalaki.
Shet! Yung lalaking may hawak na baril kanina nandito na ngayon sa harap ko! Paano nangyari yon?!
"Anong ginagawa mo dito?"
Inulit? Tingin sakin nito bingi?!
"Ah..."
Napangisi siya. "I guess mukhang nasaksihan mo ang ginawa ko sa lalaking yun." At ngumuso siya sa pwesto ng lalaking kanina lang ay binugbog nila.
Halow lumuwa ang mata ko sa pagkagulat. Napatakip ako sa bibig ko sa nakikita ko. Ang lalaking kanina lang ay binugbog nila, ngayon ay wala ng buhay!
"W...wala akong na...nakita."
"Wala ha? Wala talaga?!"
Wala nga ba? Eh halos makita ko kanina kung paano nila pahirapan yung lalaki eh!
Nang makahanap ako ng tyempo ay sinipa ko siya sa part ng katawan nya na nagbibigay kaligayahan sa kanya. I kicked him on his you know! Alam niyo na yun! Napaupo siya sa sobrang sakit. Bago pa nila ako masaktan ay tumakbo na agad ako.
"Heeeeeeeelp!"
Sana may makarinig sakin. Ayoko pang mamatay! Mahal ko pa buhay ko! Di pa ako nagkakaroon ng boyfriend at DI PA KAMI NAGPAPAKASAL NI BAEKHYUN KAYA DI PA DAPAT AKO MAMATAY!
Lumingon ako sa likod at nakita kong hinahabol nila ako! Waaaaaaah! Anong gagawin ko?! Saan ako hihingi ng tulong kung wala akong makitang mga tao!
Takbo lang ako ng takbo at habol naman sila ng habol. Stop chasing me you dogs!
Binilisan ko pa ang takbo at may nakita akong sasakyan. Baka sakaling may tao sa loob non at baka makahingi ako ng tulong.
Kinatok ko ang bintana ng van. Sinilip ito ngunit walang tao. Sinubukan ko itong buksan at laking gulat ko ng hindi ito naka-lock.
Agad akong pumasok sa loob at siningit ang sarili sa pinakalikod. Sumilip ako sa bintana sa likod at natanaw ko ang mga humahabol sa akin. Laking pasasalamat ko ng makitang di sila sa direksyon ko pumunta.
"Akala ko katapusan ko na." Hingal kong sabi. Hapo pa galing sa malayong takbuhan.
Hinihingal pa din ako ng maramdaman may mga pumasok sa van. Oo, "mga" dahil ramdam ko ang pagpasok ng ilan sa kanila. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil rinig ang paghinga kong hinihingal. Paano ako makakalabs nito?!
Sobrang init sa pwesto ko. Nahihirapan lalo ako sa paghinga.
Dahil sa pagod ay ipinikit ko ang aking mga mata. Dala ng nerbyos at pagod. Akala ko ay mamamatay na ako kanina. Bago ako tuluyang makatulog ay naririnig ko ang usapan ng mga nasa van. Isang banyagang salita ngunit ang lenggwaheng aking naririnig ay alam na alam ko. Lenggwaheng gamit ng mga taong iniidolo ko.
* * *
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nag-adjust pa sa liwanag.
Puti.
Puro puti ang nakikita ko. Puting kama. Puting comforter. Puti ang kulay ng walls. Cabinets. Paintings. Nasa langit na ba ako. O DI KAYA NASA PUGAD NA AKO NG MGA HUMAHABOL SA AKIN AT PAPATAYIN NA NILA AKO!
Hindi. Imposible. Natakasan ko sila kagabi.
Bumalik ako sa pagkakapikit ng maramdamang may magbubukas ng pinto at papasok sa silid na ito. Baka ito yung mga goons at kailangan kong magkunwaring natutulog.
"Is she fine?"
"She's going to wake up soon. She'll be fine. Don't worry."
Halata namang ako ang pinag-uusapan ehh. Bumait ba yung mga goons?
Dinilat ko ng bahagya ang isa kong mata. At sa sobrang pagkagulat ko ay naidilat ko ang dalawa kong mata at gulat na gulat sa nakikita ko!
"Oh! She's already awake!" Sabay turo sa akin ng isang maputi, gwapo at may high-cheek bones na lalaki.
And the other guy, smiled at me.
"Finally .." He said. Di maalis ang ngiti sa mukha niya.
OMG! Nasaan na ang ulirat ko? Nawala na ba?! Nananaginip ba ako kaya nasa harap ko ang dalawang anghel na ito?
Sana di na ako magising pa!
* * *
Vote. Comment. Support.
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Dream
RandomEvery fangirl's dream is to be notice and be close with oppa, right? And this story will make you believe that, that dream will be possible.